image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Apple Seed Skin and Nail Spa (Metrodeal Voucher)

EDIT: I just found out today (June 23) that Apple Seed Skin Nail Spa branch here at Tandang Sora has closed. 


My cousin purchased 99.00 (1 hour) massage vouchers from metrodeal.com which we used the other day. 

This spa is near our place, so we didn't let the "promo" pass by us. 

For a 99.00 massage, sobrang pwede na. I was just bothered with the hair pulling part, ilang strands kaya ng buhok ko ang naputol at nalagas? Hindi naman ganun ka-intense pag iba naghihila. 


LESSONS LEARNED
(online voucher first-timers)

1. Call to make sure if you still need to set an appointment before using the voucher.
2. Be sure to check the website and/or e-mail and print whatever it is that you need to print.
3. Bring an ID.
4. Be on time.

Napansin ko lang na medyo Japanese-ish pala 'yung concept dun, ngayon lang,

Although, syempre may puna rin.

1. Parating fully-booked nung nagpapa-set kami ng date... bakit? Kasi dalawa lang sila Ate na gumagawa, imagine, ilang vouchers 'yun at sila lang dalawa para lahat. All-around. Kaya bengga! Pahirapan talaga sa pagpapa-schedule.

2. Masyadong maliwanag. haha. Masyado lang akong conscious, unlike Thai Massage na nakadamit, pinag-huhubad kasi tas sobrang liwanag pa, kitang-kita lalo na sabay at parehong kwarto kami ng pinsan ko. Marami-raming insecurities sa katawan.

3. Hindi nag-last ng one hour. Oo, whole body pero hindi talaga siya umabot ng isang oras. Kasama na kaya sa isang oras 'yung delay dahil wala kaming na-print na security code kaya bumilis 'yung masahe?

4. Medyo nakakainis lang 'yung customer service nung una, kasi hindi kami nakapag-print out nung kailangan nila, mali pala 'yung nadala naming papel, so nung kausap nung Ate 'yung boss nila, maldita lang 'yung dating, pero nabawi naman, okay naman na sila pagkatapos. Habaan lang din 'yun pasensiya.

Kaya... whole experience relaxing 49%, stressful 51%. 



Meron kang nabiling voucher?
Sinabi ko na, okay na rin for P 99.00

Kaya sulit na rin 'yan. Good luck sa pagpapa-schedule hanggang November pa naman daw. 

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment