image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Black Nazarene, Quiapo Church

Noong isang araw, Enero 9, ay pista ng Itim na Nazareno. Laman ng mga dyaryo, balita pati ng mga social networking sites ang mga litrato at balita tungkol sa araw na 'yun na dinarayo ng libo-libong deboto. 

 Wala ako dun pero naalala kong nasa mga backlogs ko pa 'to kaya nilalagay ko na ngayon. 

Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang nagpunta kami dito, sa katagalan, hindi ko na talaga maalala 'yung eksaktong araw. Pero wala naman mag-iiba, bawat Biyernes ay punung-puno pa rin ng mga taong nanalangin o nagpapasalamat.

Mapa-hiling man 'yan, pasasalamat o mga saloobin na walang ibang masabihan kundi Siya, lahat naman tayo pinapakinggan Niya. 

Picture taken from Mang Inasal at Plaza Miranda



Sarap ng ensaladang talong. Gulay, gulay din.
At na-realize kong pang Chicken Inasal lang sila. Hindi ko 'to nagustuhan, super lungkot.


P.S. Madalas nagsasalita na lang ako nang hindi nag-iisip eh. May gusto sana ako bilhan ng lanzones doon kaso naki-free taste muna ko e sa maasim naman talaga.

Parang ako, "Kuya, ang asim naman!"
'Yung isang bumibili, "E maasim naman pala! Isang kilo na lang."
Si kuya sabi sa'kin, "Sinigaw mo pa."

Okay, napa-bili tuloy ako ng kalahating kilo kasi nawalan siya ng customer dahil sa'kin. Hmpf, bibig ko talaga, kaya marami akong nasasaktan eh. #ANODAW #MAISINGITLANG hahaha

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment