Monday, February 4, 2013

Tampururot.

Kung akala mong nagtatampo ka sa tao na sinigawan ka ng walang dahilan, hindi 'yan tampo kundi galit, inis at bwisit. Trust me, fresh pa sa isip ko ang buong pangyayari. Galit 'yun! Wooo, buti na lang natignan ko siya ng masama bago ako umalis. Those persons talaga, hypocrite. How do they do that? Like shout at someone (whom they feel superior to) and appear harmless and whatever in front of others (whom they feel inferior to). Really? Donya Consolacion, izdatyu? Okay lang naman 'to, pero alam mo 'yung setting namin? simbahan eh, as in kakatapos lang ng misa. Maka-sigaw siya eh, tas ngingiti sa pari. Mukha niya. The older you get, the wiser you become? Mukha niya ulit.

After 10 minutes.
After eating dinner.
After eating choco hot fudge sundae.

I was able to forget that "irritation" I felt towards the lady who shouted at me for no reason. Pero nilalagay ko dito, just to tell you na treat everyone fairly, especially don't yell at a stranger! Grabehan din! Nakakasira ng gabi eh buti na lang na-imbento ang ice cream at taong manli-libre sa'yo pag badtrip ka. :)) Kasi alam mo 'yun, isa 'yan sa mga bagay na ayoko, sinisigawan ako ng walang dahilan kaya kaasar talaga at sobrang big deal sa'kin.


Okay, back to the topic. Ibang-iba 'to, concerning others na 'to, hindi na si Donya Consolacion.



Hindi ka pwedeng magtampo sa isang taong walang paki-alam sa'yo. 



Kasi, sa konteksto natin, magtatampo ka dun sa taong inaasahan mong lalambingin ka, diba? Joke. Meron palang mga nagtatampo din sa mga taong "akala nila pwede nilang asahan na lambingin sila. Assume, assume din? hehe" 

Kunyari ganito, 

Birthday mo pero hindi ka nabati ng isang tao. Okay lang 'to, diba? #sowhatpakekonaman

Birthday mo pero hindi ka niya nabati? JKWGHKWQDLECHUGASWLIHDKJDW  Nag-a-apply 'to kung may halaga ka rin sakanya ah, baka kasi mahalaga sa'yo si Lee Min Ho pero di naman niya knows ang existence mo sa mundo, tas magta-tampo ka sakanya dahil hindi ka niya binati. O, ikaw na! Ikaw na nagtampo sa ex ko. :P So 'yun na nga, for some unacceptable reason, hindi ka niya binati. 'Yan, pwede kang mag-tampo kasi susuyuin ka eh, lalambingin ka nyan kasi mahalaga ka rin sakanya at ayaw niyang hindi kayo okay. Mutual feelings, ganyan.

Ito rin 'yung nasabi ko na dating, "Aanhin mo 'yung bati ng lahat ng tao kung 'yung kaisa-isang taong hinihintay mo, hindi ka binati." Meron talagang isang tao o mga piling taong aasahan mo at magpapasaya sa'yo o mabilis kang madi-disappoint pag di nila ginawa 'yung inasahan mo.


Naalala ko dati, nung mga panahong hindi ko alam na tampo daw 'yun, meron isang tao na naasar talaga ko kasi secret, tas kinagabihan nag-text siya sa'kin, "Sorry na, huwag ka na magtampo." Pero... pero... pero hindi ako nagtampo, na-bwisit ako. hehehehe. Wala pa kasi akong notion ng tampo masyado, lalo na hindi naman kasi ako malambing para magpalambing. Galit lang agad nararamdaman ko. BWAHAHA.



BOTTOMLINE: BAGO KA MAGTAMPO, ITANONG MO MUNA SA SARILI MO KUNG ANO KA BA SAKANYA. ;)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines