Friday, August 8, 2014

CinemalayaX: A Decade of Connecting Dimensions

Ang bilis ng panahon. Akalain mo nga namang isang dekada na pala 'yan. Joke lang. Ang bilis ng panahon, dagdag lang ng dagdag ang mga gusto kong ilagay dito ngunit walang pagkakataon hanggang sa makalimutan na pero habang fresh pa sa alaala ko ang kahihiyan, ito na muna.

We were at CCP yesterday to watch one of the offerings of this year's CinemalayaX: The Janitor. Dahil hindi naman talaga ko marunong mag-critic, e ipapaubaya ko na lang 'yun sa mga magagaling pero congrats to everyone who is behind the film 'cause it's definitely one of the best. Hindi na mabilang kung gano karaming tao ang nagsabi na maganda ang The Janitor.


I'll show you some pictures from yesterday. Before that, I'd love it if you'll keep the quote, "You'll only regret the chances you didn't take." in mind. Sorry naman kasi sobrang nadala lang ako ng emotions ko talaga.

The moment we arrived CCP, it was just the usual picture-taking. Pang-facebook, pang-blog, pang-Instagram ganyan.
My ticket to the movie. Obviously.
This is my current profile picture in FB and some of my friends were like, "Bakit ka nasa T.V?" "Artista ka na ba?"
Kalma.
This is taken from my audition video for next year's Cinemalaya entry entitled Ngangabells. Hahaha.
Joke. Nag picture lang ako sa TV.
Dennis Trillo and the movie director, Michael Tuviera, gave a short speech before the movie started.

SO HERE'S WHAT HAPPENED AFTER THE MOVIE: Ito talaga 'yung highlight eh.
I have a picture with Sarah Lahbati, Bella Padilla, Rafael Rosel, Dennis Trillo and JC Tiuseco but this picture is my favorite. Ka-selfie ko si Beh/Matthew!

The story behind this picture:

After the movie, we ran towards Dennis who was seated alongside with his actor friends (mga na-mention ko sa taas except the girls). People would naturally approach Dennis since it was his movie diba pero I tried to approach Tom agad after taking a picture of Dennis. Kinalabit ko si Tom and told him, "Pwede magpa-picture?" I had no one with me that time kasi andun sila kay Dennis so I had to rely on my very good skills in taking selfies. So nag-take na nga ko pero pagtingin ko sa picture, chura ko teh! Hinawakan ko siya ulit (Hinawakan ko!! Ghad!!!!! NA-HA-WA-KAN-KO-SI-TOM!! Edi ngayon lang nagsi-sink in nga.) sabay sabi na, "Pwede isa pa?" Sabi niya, "Yes, sure." Tignan mo naman talaga ung hawak ko pero mas malapit kami sa isa't isa dun sa unang picture to think na meron upuan sa gitna namin nyan kaso ang chaka ng fez ko talaga. Hahahaha. Pero pagkatapos namin mag-picture, in-escortan na siya palabas ng theater so I was one of the few who got to take a picture with him. Swerte ko plsss! Thank you, Tom Rodriguez! Nahihiya ko para sa sarili ko pero mission accomplished kaya alam kong naintindihan mo. :)))

Pagkatapos kay Tom, I approached Dennis and nakipag-selfie rin ako sa kanya but it was blurred. We brisk walked (nahiya pa kong sabihin na we ran eh) towards the exit kasi paalis na rin si Dennis. E hindi ko natiis na wala kong matinong picture kasama siya kaya nakipagsiksikan pa rin ako at successful naman (kami). Swerte ko ulit plsss!
Selfie with Dennis Trillo kasama si Ate na hindi ko kilala. Sa cam ko siya nakatingin. Huhubells.
I definitely have no regrets. Sobrang nakakatawa na nakakahiya lalo kasi nakita ko 'yung sarili ko in action. An instagram user uploaded in his/her account a video of us trying to get a selfie with Dennis Trillo. Sabi niya pa, "Dennis Trillo, pinagkaguluhan ng fans." HAHAHAHAHAHAHA. NAKAKALOKA!!!!!TOMDEN 'YAN EH. 


LEE MIN HO SAKA JOHN LLOYD CRUZ NAMAN NEXT PLS. :))))))

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines