Thursday, November 27, 2014

Mt. Pulag Climb: Descent from Camping Grounds to Ranger Station

A panoramic shot of the clouds + mossy forest + grassland summit. 
We told ourselves, "Descent will be easier."

Nalagpasan na namin 'yung mahirap na ascent eh, ano pang hindi namin kakayanin?
Turns out we were right because the descent was really easy compared to the ascent (except for some uphills na kinailangan namin magpahinga sandali). It was also during that time that I got to appreciate the view from the mossy forest. The mossy forest looks like a scene taken out from fairy tale but I don't think I'm willing to do a night trek in the area. Hehe 

Then, may nakasalubong kaming climber whom we greeted and told us, "Ang ganda na ng mga ngiti oh, naka sea of clouds na kasi."

Kuya, HUHUHUHUHU, totoo. :))) Grabe, kung alam lang niya hirap na hirap na hirap din kami nung paakyat.
Walking through the fog felt like the mountain is applying ointment on my body to relieve the ache and to prevent the body ache that I might feel the next day. It also felt like a goodbye embrace that the mountains gave us.

And since we were walking at a leisurely phase, I was reminded of Genting Highlands in Malaysia that time. They look the same; mossy forest and fog. Only this time, it is more 'cause we trekked our way down rather than just ride a cable car.

Konting NatSci: Mossy forest is also called cloud forest. Since the moisture from the clouds/fogs are effectively retained, there are abundant mosses covering the ground and other vegetation.  
Mixed emotions at the sight of the pine forest.

Unlike the temperature and the shade in the mossy forest, there are lesser trees in the pine forest so the trail is unshaded. 
We rested for a while here. 

One of the effects of mountain climbing? You couldn't care less where you're seating as long as you get to sit.
JUST GOT LUCKY? Baka JUST GOT HAGGARD.
 HAHAHAHA. CHURA KO B3H. 
Almost back to where we started...
This time though, we're better and stronger persons.
Our Ate porter/guide.

One of the people that I am thankful for during this climb. Hehehe. 
Lahat ng pagod, ng hirap, ng lungkot (paminsan) napalitan na lang ng ngiti pagkakita namin sa ranger station. Parang charger. Parang electric shock. Bigla kaming nabuhay ganyan. HAHAHAHA.

Maraming Salamat sa dalawang araw na marami mang hirap ay puno pa rin ng masasaya at magagandang alaala. :)

Hindi naman siguro siya magtatampo na ang tagal ko siyang pinangarap tas nung naabot ko na, iniwan ko na lang ng ganun ganun, noh? 


Ang tagal mong pinangarap, gagawin mo lahat ng paraan para maka-akyat.

Ang gagawin naman ng bundok? Aalagaan ka habang nandun ka at gagamutin ka sa paraang alam niya. Ipapakita rin niya sa'yo 'yung mga lugar na magaganda, itutulak ka niya para lumabas ka sa comfort zone mo at papatunayan niya sa'yong you're capable of achieving a lot of things kung gugustuhin mo lang. Lahat ng 'yan ginagawa niya nang walang hinihintay na kapalit.

Pero sa kabila ng lahat ng 'yon? Iiwanan mo pa rin naman siya. Kasi may iba kang buhay at may iba ka pang gustong puntahan.


Iniisip ko tuloy na ganung pag-ibig pala ang dapat: isang pag-ibig na mapagparaya. Isang pag-ibig na hindi ka pipigilan na gawin ang mga gusto mo, isang pag-ibig na aalagaan ka kapag nandyan ka't yayakapin sa pag-alis mo, at isang pag-ibig na magibibigay sa'yo ng lakas tuwing aalalahanin mo. 


Kagaya ng pag-ibig na namamagitan sa mga umaakyat ng bundok at mga bundok, hindi naman kailangan na laging magkasama eh. Ang mas mahalaga ay 'yung koneksyon ninyong dalawa.

Nagustuhan mo ba ko? Babalikan mo ba ko? 'Yan 'yung mga tanong na hindi na kailangan tanungin ng Mt. Pulag sa'kin. 

Hindi ko pa man masagot kung kelan basta alam ko sa sarili kong babalik ako. At alam ko rin na kahit matagalan at magbago man ako, tatanggapin pa rin ako ng budok. YAN. :))

Sabi nga sa quote, "So when people leave, I've learned the secret: let them. Because, most of the time, they have to. Let them walk away and go places. Let them have adventures in the wild without you. Let them travel the world and explore life beyond a horizon that you exist in. And know, deep down, that heroes aren't qualified by their capacity to stay but by their decision to return. 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines