That Thing Called Tadhana... where do broken hearts go?

LOOKING FOR That Thing Called Tadhana Quotes? Here. 


ITO PO. 

Paki-click 'yung "ITO PO" o "HERE" para ma-redirect kayo sa post na may quotes from the movie. Pagi-inarte lang kasi nasa post na 'to para di ka na mapagod sa pagbabasa, click na agad. :)

Para sa mga umibig, nasaktan, at umibig muli. In short, tatanga-tanga.

Maraming Salamat sa lahat ng taong nasa likod ng pelikulang ito! Sobrang nagustuhan ko at hindi lang dahil may One More Chance at John Lloyd reference pero nakakatuwa na minsan, makakanood ka ng isang palabas na andun 'yung kirot dahil nararamdaman mo rin 'yung sakit na nararamdaman ng bida pero andun din 'yung ngiti, hindi dahil sa nakakatawa lang, kundi dahil nabubuhay din 'yung pag-asa mong aayos din ang sitwasyon mo. 

Pero kung napunta ka dito para maghanap kung ano 'yung tingin ko sa movie? Grabe. Sakit, kilig, tuwa, tawa, lungkot, lahat 'yan naramdaman ko. inTENse. Simple pero tagos at ang gagaling ng buong pagkakagawa pati ng mga artista. 'Yung pakiramdam na may pagka-Mace (Angelica) din ako kaya relate at bet. :))

May tendency na rin akong magsabi, "Gusto ko pumunta ng Baguio." Bahala na dun at bahala na pagbalik. Gapang kung gapang. Hahahaha. 


ROMCOM KASI YUNG MOVIE, DIBA?  Pero hindi ata pang romcom 'yung reflection ko. Hahahaha. Ang sakit naman kasi na hanggang dito, huhugot ako. HAHAHAHAHA. Woooo. Masokista levels, Tin. Iba ka. HAHAHAHA.

Where do broken hearts go? Baguio? Sagada? Rome?

Kaya ba dalawang beses akong nag Baguio ngayong 2014 at kaya ba pangarap ko rin makapunta ng Sagada at Rome e dahil broken ako?

Hindi... hindi masyado. hehehe.

Coming from a family who don't always travel, ang lala ko. Seryoso 'to, minsan iniisip ko na talaga kung napagpalit ako sa hospital kasi ako lang 'yung kakaiba sa'min. Madaming nagugulat kung saan-saan ako nakakarating, madaming nagtatanong kung bakit ba kailangan ko pa pahirapan sarili ko kasi gusto ko 'yung pagod ako lagi, pero ang pinaka-tinatanong sa'kin, para saan?

Oh okay fine. Don't laugh na ang lakas ko magsabi ng travel pero hindi pa naman marami napupuntahan ko pero the fact na ito na oh, I'm structuring my life around the possibility of traveling for a lot of times more, of going places and of getting out of my comfort zone. I know that I'll be able to go to a lot more places in the future. As in na-claim ko na 'yung ganung lifestyle.

Pero para sagutin 'yung tanong na, "Para saan?"

Alam mo 'yung quote na, "Sometimes you'll find yourself in the middle of nowhere. And sometimes, in the middle of nowhere you'll find yourself"?

Parang ganyan lang.

I'm not doing this to forget. Hindi ko rin 'to ginagawa dahil maluho ako. I'm doing this because it is in travelling that I was healed. Hindi from a romantic kind of brokenness but that healing from the stage when you feel so lost and you have no idea what it is that you want to do with your life. I am healed and I have moved on from that phase because I've found my passion. 'Yung isang bagay na willing kang mag-sacrifice? 'Yung bagay na kahit hirap na hirap ka na, sige pa rin? 'Yung isang bagay na kahit mag-kwento ka 24/7 e hindi ka pa rin mapapagod? Para sa'kin, ayun 'yon.


Kung may Anthony si Mace, ito muna 'yung tadhana ko. Magsama muna kami ng lakwatsa. hehehe.

Nagtataka ko dati bakit sa tuwing tinatanong ako kung ano gusto kong gawin e hindi ako makasagot. Pwede naman ako mangarap maging doktora, abogado, guro, singer, artista, model, beauty queen ganyan pero wala kong masabi. 'Yun pala, gusto ko lang maging certified lakwatsera. Hahahahaha. Yan yan.

Although hindi pa rin naman ako sigurado kung saan ako pupulutin nito dahil maraming pwedeng mangyari at hindi ko rin alam kung pano ako masu-suportahan financially, hindi ko na masyado iniisip eh. Life's uncertain and full of surprises kaya bahala na. Basta sa ngayon, 'yung kilig na nararamdaman ko tuwing nakakakita ako ng isang lugar na gusto kong marating? Sapat ng magdagdag ng dahilan para may gawin at para bumangon sa araw-araw. Sapat na rin na dahilan na lahat ng 'yon para mag-plano ako. And from someone who's used to not making plans? Aba. I've gone a long way. Iba-iba naman tayo ng pinagdadaanan. Don't judge. :))) 

Siguro, iniisip mo ngayon.

"Ano problema nito? Anong point?"

Gusto ko lang rin siguro sabihin na hindi mo kasalanan kung sakaling nasa punto ka pa rin na hindi mo alam kung ano 'yung totoong nagpapasaya sa'yo. Ganun lang talaga tayong mga late bloomer eh, ano magagawa natin? Hindi mo rin kasalanan kung hindi ka pa successful sa standards ng society at this point in your life. You have your own life and success should be defined by you lang not by how other people define it. At the end of the day, ikaw, self-satisfaction at kasiyahan mo lang ang mahalaga. 

Pero iba 'to sa walang ginagawa ah. Magkaiba naman kasi 'yung may effort sa malungkot na nga, hindi pa naghahanap ng ikasasaya at naliligaw na nga, hindi pa hinahanap ang tamang daan. 

Kung sa kabila ng lahat ng effort na ine-exert mo e hindi ka pa rin talaga masaya na wala ka pang pangarap o hindi ka pa successful... it's never too late to start over o tyaga lang dahil darating at darating ka dun. Kasi kahit ano naman piliin natin sa buhay, may direksyon eh. Kaya kung hindi ka okay sa ngayon, move forward lang ng move forward. Don't get stuck. It gets better. It should. 


Kagaya kung anong nangyari kay Mace at kay Anthony, siguro kahit anong sakit 'yung nararamdaman natin at kahit gaano kalabo man 'yung future natin ngayon... andun talaga 'yung magic when we start to celebrate life and embrace all the adventures it will present to us. Kahit masakit at kahit nakakatakot, harapin lang natin at huwag tayo tatakas. Who knows? 'Yung taong para sa'yo pala, nakalagpas na sa pambihirang traffic sa EDSA at makikita mo na finally. Who knows? 'Yung isang bagay na papangarapin mo, matagal nang binabato sa'yo ng universe pero hindi mo lang napapansin kasi ang dami mong pinanghahawakan mula sa past at ang dami mong excess baggage na hindi maiwanan kaya hindi mo mabuksan 'yung palad mo para sa bago. :)


Tadhana? Hindi lang naman 'yan para sa taong "bubuo" sa'yo eh. 
A place where broken hearts go? Hindi naman kailangan na lugar lang talaga 'yan eh. 

'Yan din ay 'yung person we will become may special someone man tayo o wala. 'Yan din 'yung bagay na maaari nating gawin na willing tayo magpakapuyat, magsakripisyo at mahirapan pero hindi pa rin tayo titigil.

Kaya... hihintayin mo na lang bang liparin ng hangin 'yung buhay na gusto mo mapunta sa'yo? Hindi. Kumilos ka at hilahin mo papunta/pabalik sa'yo.


God bless sa'tin. May our dreams for ourselves also be God's dream for us. 
Cheers to the great people we will be. <3<3



ANG DAMI KONG SINABI. SHEMS. DI KASI AKO MAKATULOG AT AS USUAL SOBRANG EFFECTIVE PAMPAANTOK PAG NAGSUSULAT AKO. HAHAHAHAHAHA. :))))))



P.S. About love din 'to originally eh pero k, binura ko. Okay na 'yung movie para sa topic na 'yun. Hanggang dito na lang ako. Hehehehe. May relevance din naman. :)))))

You Might Also Like

0 comments