Saturday, January 31, 2015

Katsu Sora, Trinoma

Cinema One Screening pa 'to ng That Thing Called Tadhana (November), at ngayong ilang araw na lang e ipapalabas na ulit 'yun sa theater, na-post ko 'to. 

Sabi sa movie, "There all kinds of love in this world but never the same love twice." diba? Samin, parang pareho naman, palitan mo lang ng food 'yung love. Never the same food twice. HAHAHA. Yan. Jubis. :))

I've tried a lot of Katsu specialty restaurants and what sets Katsu Sora apart from the rest is their buffet-style refills.
You have a lot of  vegetable and salad choices.
Different variants of fruits too.
And dressings. 
This was my salad bowl... obviously.
I don't know if it's because I chose the least expensive pork variant but this Sakura Pork isn't that tender and flavorful. 
I don't know what these toppings are called but they add flavor to the rice... obviously.
Although the meat fell short on my expectations (mas sosyal na pork variant na lang kung makabalik ako), I really liked Katsu Sora's set-up with all the options placed in a buffet table for customers to get. Iba pa rin 'yung kayo lang ng mga ka-table mo nakakaalam kung gaano karami kinain mo. Hahahaha. 

Monday, January 26, 2015

Crazy Katsu, Maginahawa St., Teacher's Village

Is a long introduction needed for Crazy Katsu? For most, I don't think so. 

But for my mother who didn't know that it is one of the restaurants in Maginhawa, I still needed to explain when I brought them there... :)

"Ano? Crazy Katsu?"
"Oo nga. Sa Maginhawa."
"Crazy talaga?"
"Oo."
"Maganda naman pakinggan pag crazy. Wag mo lang ta-Tagalugin na baliw... kasi ikaw na 'yon."

HAHAHAHAHA. Yan ah, sa nanay ko pa nanggaling 'yan.

With generous serving and affordable price, this is one of the Katsu restaurants you must try when craving for Tonkatsu yet not prepared to pay  Php 400+ and/or eat unli rice/cabbage. No. Actually, there's no need to compare it to pricier Katsu restaurant because... because. :))))) Laking tulong ko talaga kahit kelan e, noh? Huhu. Sorry na kasi last year pa 'to lahat.

But they really have good food there and although I don't have a picture of it, I like their chicken katsu (chicken katsu nga ba?) better than this. 

Saturday, January 24, 2015

Thank You, Pope Francis.

Lagi akong nagdadala ng payong tuwing umaalis ako lalo na kung umuulan at lalo na kung may signal number 1 sa Maynila pero nung Sunday na 'yan, nung may misa si Pope sa Luneta, umalis ako sa bahay nang walang dalang payong habang umaambon, nagdadasal at umaasang lagi akong may makitang masisilungan. 

Nakasakay ako nun sa MRT nang biglang mawalan ng signal sa Magallanes station at buti na lang, nagtext 'yung friend ko habang nasa Buendia pa siya kaya naisip kong pareho lang kami ng train na sinakyan. Tumakbo ko paakyat habang nagdadasal na sana pareho nga kami ng train na sinakyan, na sana sa dinami-rami ng tao sa Metropoint Mall nung mga panahong 'yon, makita ko sila.

Anong meron? Tinuro sa'kin na kahit anong dasal natin Sa kanya, hindi rin pwede at wala rin mangyayari kung hindi tayo kikilos at gagawa ng paraan eh. Oo, andyan 'yung tulong pero kailangan pa rin natin kumilos. 'Yun na ata ang pinaka-recent kong naranasan na inasa ko lahat Sa kanya. Isang ultimate bahala na. 

Anong napala namin?

Exercise. Ang masubukan maglakad galing Baywalk hanggang Taft Station ng MRT.

 'Yung hirap, 'yung walang direksyon, 'yung walang magawa. Lahat 'yan tiniis namin para sa isang sulyap kay Pope na hindi naman namin nakita dahil sa kapal ng tao at sa mga payong na nakaharang. 


Pero sa kabila ng lahat ng hirap e pagpapasalamat pa rin na minsan sa buhay ko, naranasan ko 'yung ganun.

Maraming salamat din sa lahat ng may ginawa para mapaayos 'yung misa. Baka masyado lang talaga maraming tao...
Kinabukasan, gumising kami ng 3 AM para pumunta sa bahagi nito ng Aseana City at minabuting maghintay na lang ng apat na oras para makita man lang si Pope. Nakakagulat na sa kabila ng buong hapon kong pagpapaulan nung Linggo e hindi man lang ako nagkasakit.

Walang kahirap-hirap dyan sa Aseana, parang picnic na nga e naka-Baguio outfit pa. HAHAHA. 
Pero ang naging dahilan kung bakit mas lalo kong maa-appreciate 'yung pagiging komportable dito ay dahil naranasan ko kung gaano kahirap makipagsiksikan dun sa Baywalk, nang umuulan, nang puro putik 'yung mga sapatos, nang siksikan, nang may tulakan, nang may sigawan. :(
Pero nung nakita ko si Pope, habang nakangiting dumadaan sa harap namin, nawala lahat ng pagod ko at napalitan ng tuwa.

Hindi man ako naiyak, hindi man ako sobrang tuwang-tuwa pero nang makita ko 'yung ngiti niya, parang nabuhayan ako ng loob. Hindi ko man nasubaybayan lahat ng mga sinabi't ginawa niya e nagpapasalamat akong may isang taong handang makinig.. :) Sobrang nakakagalak talaga ng loob.

May nabasa ko:

 "9. MAKE IT A HABIT TO 'ASK THE LORD'.

“Dear young people,” he says, “some of you may not yet know what you will do with your lives. Ask the Lord, and he will show you the way. The young Samuel kept hearing the voice of the Lord who was calling him, but he did not understand or know what to say, yet with the help of the priest Eli, in the end he answered: 'Speak, Lord, for I am listening' (cf. 1 Sam 3:1-10). You too can ask the Lord: What do you want me to do? What path am I to follow?”"

Thank you, Pope Francis for your visit but the real battle is not outside but inside us. It's our old selves that we must conquer. It's ourselves that we must change. 

After posting how much you cried when you saw the pope, what do you plan to do next? What are you doing now?


I was thinking of composing this saying how blessed I feel but right now? I feel nothing but pain and shame. I'm in pain because I feel that I need to do something yet I don't know where to start and shame because the pope's visit magnified the innumerable problems our country has. :(


Alam mo 'yun, pagkatapos niya magsalita, pagkatapos natin maiyak at sabihing na-inspire tayo... ano? Mga taga-kalye na pinadala sa Nasugbu para itago? Mga may hinahabol na flight pero hindi man lang na-provide ng free shuttle kaya napilitan silang maglakad habang buhat mga maleta nila? Mga basurang iniwan na lang basta sa daan? Mga allowance ng mga pulis na binulsa? HAHAHAHAHA. Bastusan eh. Mapapa- AHHH OKAY ka na lang sa mga kalokohan na meron at sa mga band-aid na solusyon na naiisip nila. :((

Wednesday, January 21, 2015

The Baker's Table, Maginhawa Street, Teacher's Village

Maginhawa street here in Quezon City is  filled with restaurants of different concepts, most of them affordable if not cheap.

I found myself frequenting the area last December which explains why until now, I am still posting backlogs. 
Cakes here at the Baker's Table are inspired by the candies of our childhood.
It was actually my brother's idea to try eating here because of his favorite haw haw candy. He was so curious as to how the candy was made into a cake.
I found the hawhaw cake okay but I liked this more.

Butterball Caramel Cake

Butterball and Hawhaw almost tasted the same just that, I think the cream and butterball taste complemented each other better. Mas bagay sila, ganyan.
Milo Mousse which was too rich for my liking. 
We went there before Christmas that is why we were given a free slice of their Puto Bumbong cake to try. HAHAHAHA. Alam mo 'yung more than one month na pala 'to delayed.
GRABE TALAGA. HAHAHAHA.

SOBRANG WALA NA KO MASABI, GUYTH. I am sorry that this is of no help. Hindi na nga ko marunong mag-describe, hindi ko pa maalala. :)))


Pero 'yun nga.

Cake? Try Baker's Table. 

Monday, January 12, 2015

Katsu Cafe, A Taste of Heaven and Bobo's Pizza at Maginhawa St.

There are lots of restaurants in Maginhawa so it's normal for people to have their 1st round, 2nd round, nth round when eating in the area.
First stop was Katsu Cafe.
I don't remember the exact taste of this meal but I also don't remember liking this a lot.

What I remember is how hard it was to catch the waitress' attention when there are only two tables that were occupied. Mej madaldal si Ate at si someone from the kitchen.
A Taste of Heaven Milkshakes

I didn't like the taste of the milkshake because it was too sweet for my liking.
But strangely, I liked this even though the ice cream they used for this and for the milkshake was the same. 
I know that the name doesn't mean stupid but it really catches attention.  Haha!
I liked their brick oven pepperoni pizza even more after adding salt and pepper because I found it bland at first.

I've actually gone there thrice already so I've also tried Bobo's Special and Quattro Formaggi both of which I liked more than the Pepperoni Variant.


HAHAHAHA. Sobrang mas malala pala pag matagal ng nasa backlog 'yung mga pictures kasi wala na ko masabi. Ayan na nga, wala na. May ma-post lang. May masabi lang. :)))


Try these too when you go on a Maginhawa Food Trip. 

Friday, January 9, 2015

2015 Financial Resolution (PART 1)

I know what you're thinking! 

"Weh, di nga? Sinabi mo na 'yan nung May eh at iba pang mga araw bukod dun."

HAHAHA! IKR! That's also what I am thinking of eh, sabi ng sabi ako tapos hindi naman tinutupad, 'di ba? 

Alam mo na kapag New Year, lahat ng inspirasyon andyan, lahat ng resolutions andyan pero pagkatapos ng taon? Anyare? Panahon na naman para ulitin lahat ng sinabi ko last year. 

Medyo desperate times call for desperate measures kaya may kailangan tayong gawin!!! Shhh, hindi tayo magiging drug lords at snatchers ah. Aayusin lang natin ng kaunti ang habits na meron tayo. :))

ITO NA! Magsimula tayo ulit. Walang lokohan. Walang sukuan. For realz. 

PART 1: Sagutin ang tanong, "Saan nga ba napupunta ang pera ko?"
Paano nga ba sasagutin ang tanong na 'yan? Kuha ka ng notebook, mag-download ka ng application sa phone o kaya sa MS Excel na lang. Ilagay mo lang dun lahat ng ginastos mo. As in, lahat talaga. Bumili ka ng candy? Nagbigay ka sa pulubi? Kahit sa kadulu-duluhang .25, lagay mo. 

Pag nagkaroon ka na ng record, makikita mo na lahat ng mga pinagka-gastusan mo at makikita mo kung san ka pwede magbawas o kung ano 'yung mga hindi kailangan. Actually masakit 'to i-take note kasi andun 'yun guilt lalo na pag di mo napigilan sarili mo tapos may binili ka pero at that time kasi, nagi-ipon ako pang Malaysia namin kaya nakatiis ako pero pagkatapos ng May, goodbye na rin kami ng expenses notebook ko. 

Ay. Nung isang gabi, hinanap ko 'yung notebook na pinagsulatan ko dati tapos, ayun nga, mula noon hanggang ngayon, PAGKAIN talaga 'yung madalas na pwede naman hindi bilhin o pwede naman hindi ganun kagastos.

'Yung taong nagch-check nun, (Opo, may taga-check akong mabait at ma-tyagang tao! haha!) Madalas niyang sinusulat: "Stop eating!" "Stop buying (books etc.) for the meantime." HAHAHA. Okay fine, di ako ready sabihin lahat ng mga naka-note dun pero 'yan, malaki gastos ko for food saka wag mo lang talaga ko dadalhin sa bookstore (o kahit saang lugar naman) na dala ko 'yung credit card kong matagal pa ang due date. Ubusan te.


But you know what to redeem myself, I think I did a better job last year in managing my money because even if I wasn't able to save a lot for my savings, I was able to save for my trips

To my defense, it really isn't easy to change one's habit especially when temptations are everywhere but we can always start anew, right? Hopefully this isn't just because of the motivation New Year's Day gave me. Kailangan everyday hanggang forever na! Sana kahit kami lang ng frugal na ako e may forever. HAHAHA. Hugot pa more.

MAHIRAP TALAGA 'TO SAKA MA-TRABAHO KASO KUNG GUSTO NATIN NG CHANGE, PAGTIISAN NATIN. SANA MAGAWA KO NA BUONG TAON. :( 


P.S. Mej matagal kong pinag-isipan kung dapat pa ba 'tong i-post o sarilinin ko na lang, pero sige, post na. Ginusto ko 'to eh. WAHAHAHA. :D

Wednesday, January 7, 2015

Pino Restaurant, Malingap St., Teacher's Village

I've been seeing this restaurant for years now since this is in front of the Korean Eat-All-You-Can Restaurant that we used to frequent, Don-Day.

Sobrang unfair para sa mga restaurant na kinainan ko nung Nov - Dec kasi hindi ko sila na-post agad kaya nakalimutan ko na 'yung lasa. HAHAHA. K. Fine. As if may pagkakaiba e hindi pa rin naman ako maayos mag-describe.
SISIG

This was my order but it was the one I liked the least because it was too spicy and too oily (for me).
The mango bits in the rice made this meal more interesting.
Nakakasuya pag medyo marami ka ng nakain but still better than sisig.
Bagnet Kare-Kare

This was my sister's meal but this is the one I liked best.

The bagnet (it was more like lechon kawali actually) was fried just right that it's skin was crunchy yet the meat was still tender. Although it's not as flavorful on its own, mixing it with the Kare-Kare sauce made it taste a whole lot better - complementing ganyan. I think that it was better that way so as it won't overpower the taste of the Kare-kare sauce. If this actually made sense. :))

Thursday, January 1, 2015

2015 So Blessed!!! :))

Happy New Year!! Wishing you all the best for this year!

First and foremost, 2014 was by far my best year yet. Sabi ko nga, I may have had some bad days and experienced heartaches (hindi lang romantic kind) but I've felt several moments of ecstasy.

My five G's for 2014. 

1. Gapang
2. Gastos
3. Gala

Gapang for all the "normal" days. Won't get into details. :))

Gastos. DUH. Won't get into details. :))

Gala. Super detailed: Click here. :))

And the fourth and fifth words? GRACE and GRATITUDE.

As I was looking back on how great (Oh, that's another G) 2014 was, I couldn't help but ask myself how in the world were those things possible and how was I able to get through with them. I may have posted a lot of things and events that happened in my life here but they're just the things that I was comfortable in sharing. For all that had been posted here and the rest that were left unshared, it was through His Grace that I was able to make it until now and for that I'll be forever Grateful.

In all honesty, I couldn't help but be anxious of our uncertain future. Will there be greater things that's going to happen? This is an absurd question though for I shouldn't worry that much. No matter happens in the future, no matter what kind of decisions I'll make, or no matter how many times I'd stumble and fall; I'm sure that He'll pick me up and help me stand again. 

God, alam kong matigas ang ulo ko pero mas alam ko na sanay Ka sa'kin. Kaya, Kayo na po bahala ulit dahil kahit ganito ako at kahit mapilit ako sa mga bagay na gusto ko, mas alam Niyo pa rin kung anong mas dapat para sa'kin at hindi Niyo naman ako pinapabayaan. 
When the clock struck 12 last night, I looked at the night sky with all the fireworks that lit it and I was beyond happy.

The Tin that was looking at all of those fireworks last night isn't the Tin that looked at the fireworks last New Year's Eve. I'm still a work in progress but I have come so far. Hindi ko man kaya i-point out lahat ng changes pero nagbago na talaga ko kahit papano sa lagay na 'to- better na ako na 'yung nagsusulat nito. Hehe! Wooo, Congrats naman sa'kin! At sa'yo na rin kung napagtya-tyagaan mo 'tong basahin :)))


Although my hope is to reach more places this year (explorelovehappinessmoney2015!), I kind of have this part of me that says, "Let's make this year less about you and more of others." I don't know how, I really don't, but isa po, God, sana kung makaalis man ako ulit ng maraming beses ngayong taon ay may mga puso po akong matutulungan at mai-inspire. Sabi nga ni Robert Powell, "Leave this world a little better than you found it." Although nandun naman 'yung fulfillment na nagawa kong umalis at magawang #explore2014 nga, sana sa pagtatapos ng taon na 'to, mas andun 'yung fulfillment kasi alam ko na may nagawa ako para sa iba. Hindi lang 'yung puro sarili ko 'yung may mabago kundi pati sa ibang tao/lugar din na makikilala/ pupuntahan ko. Sana... :))

Ay, I'll share with you something that I've read:

2015 is the year God will shift things in your favor. He is lining it all up. What you could not make happen on your own, God will cause you to accomplish. It will be bigger than you thought. It will happen quicker than you imagined, and it will be more rewarding than you ever dreamed possible.


Bago ko tapusin 'to, Happy third anniversary muna sa blog ko!! Woooooooooo grabe! Buti pa kami may anniversary! Cheers to my fourth year of blogging and another chance to become better at this. HAHA! Hindi ko talaga inasahan kahit kailan na maglalagay ako sa internet ng ganito kalaking bahagi ng buhay ko at hinahayaan ang ibang tao na basahin 'to pero sa ngayon, wala kong balak na huminto kaya magtiisan muna tayo. :)

P.S. Hindi ako possessive na tao o hindi ko lang siguro naipapahalata kung gaano ako possessive pero 2015? AKIN KA AT WALA KA NG MAGAGAWA PARA KUMONTRA! :)

I declare that 2015 will be my miracle year. 
Here's to endless possibilities and seizing opportunities. God Bless us!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines