Paalam, Pebrero 2015!!!!!

Isa na sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko e 'yung pagkamatay ni Kuchi (aso ko) nang biglaan noong gabi ng Pebrero 23, 2015. Ang sakit na makita siyang nahihirapan, mas masakit na sa mga braso ko siya binawian ng buhay, pinakamasakit 'yung wala man lang akong magawa para mas humaba pa sana 'yung buhay niya. 

Hindi ko alam gagawin ko noon. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Iyak lang ako ng iyak. Pero bago ko matulog, may naalala ko kaya sabi ko na lang, "Kayo na po bahala. Sa buhay niya na kinuha Niyo na, sa sakit na naramdaman niya bago siya namatay, sa sakit na naiwan sa'kin at sa mga luhang natira sa'kin." Lahat 'yon, inalay ko na lang Sa Kanya. Siguro nga totoo yung sinabi nila- na ialay mo lahat ng sakit at takot mo tapos papalitan Niya 'yun ng tapang at ng healing. Kasi alam mo? Kahit sobra sobra 'yung sakit at lungkot ko bago ko nakatulog e hindi na ganun ka-unpleasant naging pakiramdam ko pag gising ko kahit na sobrang namaga ang mga mata ko. 

My heart was shattered into billion pieces. Pero sa pagkakataong ito, kahit heartbroken ako ay hindi ko naisip na ayoko na mag-alaga ulit ng aso. Mas tama pala na sabihin kong, "My heart was shattered into billion fully-functional and resilient pieces." O puso ko lang may kakayanan maging ganyan. HAHA! Ang nasa isip ko lang, 'yung billion pieces kakayanin pa magmahal ng billion dogs. O sige, sa makatotohanan na sitwasyon, nasaktan man ako e hindi ko naisip na itigil na lang lahat. Fight lang. Magmamahal pa rin. Maga-alaga pa rin. Mag-i-invest pa rin emotionally.

O 'yun basta. Kung nakaka-tawa man ako ngayon, kung mukhang naka-move on na 'ko, kung nakahanap na ko ng bagong aalagaan e hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na si Kuchi. Naiisip ko pa rin siya lalo pag umuuwi ako ng bahay tapos wala 'yung aso na maarte at makendeng na tatakbo papunta sa'kin. Pero natanggap ko na lang talaga na wala na siya, na at least nagkaroon kami ng anim na taon na magkasama, saka kahit baliktarin naman ang mundo magiging mahalaga pa rin siyang bahagi ng buhay ko, 'yun nga lang, wala na siya physically ngayon. 

We have to find reasons to go on with life eh. Hindi porke't nasaktan tayo e aayaw na tayo agad. Kaya ko 'to sabihin ngayon pero hindi ako perpekto, marami pa rin akong pagkukulang. I'm still a work in progress sa ibang aspeto ng buhay ko pero kasi para dito, hindi ako aayaw kahit nasaktan ako. Hindi naman kasi pwede na magpakalunod na lang tayo lagi sa lungkot. Kailangan natin hanapin 'yung happiness eh. 

Huhuhu. Isa na rin 'to sa pinakamahirap at pinakamagulo na post na ginawa ko pero kailangan ko kasing iwan 'tong emotion na 'to. Kailangan kasabay ng pagtatapos ng buwan na 'to e matapos na lahat ng hugot para makapagsimula ulit. At... dahil medyo masokista ko kailangan ko ng remembrance na dumaan ako sa masakit na phase na 'to. 

 Paalam, Pebrero 2015!!! Hindi ka man naging best month para sa'kin, pinakita mo naman sa'kin na kaya ko naman pala maging matapang pero kahit ganun... excited akong matapos ka na. :)))))) Sabi nga ni Ernest Hemingway, "We're stronger in the places that we've been broken." Akala ko malakas 'yung puso kong hinarangan ko ng pader kasi hindi 'yon nakakaramdam ng destruction at pagiging broken. 'Yun pala, mas malakas 'yung pusong walang harang, nagmamahal at nararamdaman kung paano maging broken paminsan-minsan. HAHAHAHAHAHA. BAKIT BA!! Masokista nga ako!!!! 

Pero seryoso, siguro nga mas malakas na ko ngayon. 
Salamat po, God.

You Might Also Like

0 comments