Thursday, March 5, 2015

Cebu 2015 Day 2: Miraculous Simala Shrine, Sibonga, Cebu

Saan nga ba naghahanap ng himala? Saan nga ba nagdadasal para humingi ng himala? Sabi naman, kahit saan at kahit anong ginagawa mo pwede ka magdasal, diba? 

Pero iba pa rin pag pupunta ka sa mga lugar gaya nitong Simala Shrine sa Cebu kasi makikita mo talaga 'yung iba't ibang paraan ng pagpapakita ng pananampalataya ng mga tao. O ewan, basta sa dinami-rami ng simbahang napuntahan ko na, gusto ko pa rin pumunta sa iba, hindi dahil sa lakwatsera lang ako talaga pero bawat simbahan kasi iba 'yung pakiramdam na binibigay eh - 'yun siguro 'yung hanap ko :))

This is my second and definitely not the last time going here at the Miraculous Simala Shrine in Sibonga, Cebu. 1-2 hours drive away from Metro Cebu, pa-South.

Compared to the first time I saw it in 2009, it now looks like a castle more than a church. Nung una kong punta, 'yung blue lang sa harap eh. Isang building pa lang. 
Someday! Makakasama rin ako sa isang pilgrimage to Holy Land or Europe. Kakayanin ko 'yan financially. Huhuhaha!! Claim lang ng claim pa rin! Ayoko isipin na impossible. :)))) 
We arrived there a bit past noon, a little late for the mass but attended nonetheless. I didn't understand a word though since it was conducted in Cebuano but it's nice to once in a while attend a mass held in a different language.

MASS SCHEDULE:
Sunday – 12:00 nn and 3:30 pm
Monday to Friday – 12:00 nn
Saturday – 10:30 am
13th of the month (I think this is a healing mass) – 10:30 am & 3:30 pm
Upon seeing these letters of thanksgiving for their "miracles".

I kind of asked, "Bakit ako, wala?"

Then I saw my reflection in the glass and that's it - that moment was my miracle. Aside from being able to go back there, ayun na ako oh. Malabo pa man pero may direksyon na. Matatagalan pa man pero I'm on my way. 'Yun naman 'yung dinadasal ko dati lagi eh. Oy, pero walang emote emote 'yun ah hindi tipong, who is that girl I see staring straight back at meeee. :)) Wala lang, nakita ko lang reflection ko tapos may nangyaring intrapersonal communication.


"Bakit ako, wala?" Sabi niya siguro, "Wala pa."

AT

It's my miracle to be back there after 5 years with the people I've been wanting to show the world to.


It's my miracle that I've been to many places and experienced many things. I'm not rich so funding my lakwatsas is definitely a challenge. Again, it's my miracle that I am able to make this work. 


It's my miracle that I've gone through a lot of challenges and yet after everything, I'm still standing strong - stronger than ever that is.

Ikaw? Ano 'yung mga daily miracles mo? :)

 I'm happy for everyone who've given and showed proof of their life's miracles by writing letters/leaving their wheel chairs which are currently on display at the shrine but more than that, I'm happy for myself because even if I forget sometimes, I've long realized that my life is my miracle and I'm consistently thanking God for this. Wala man akong sulat na ilalagay doon e ilalagay ko na lang dito na Maraming Salamat po, Mama Mary! Kayo na bahala sa'kin at sa kung sino man na nagbabasa nito.

Hindi naman ganito ka-drama nung andun kami pero ganito 'yung thought. Na maswerte ganyan. HAHAHAHA! Nahiya pa ko eh. Oo na, paminsan madrama 'yung ka-intrapersonal communication ko. :)))

 "E
very moment of our lives is a miracle."
Kayo na po bahala, Mama Mary!!
Nakuhanan ko na ng picture bago ko mabasa na bawal pala. Hehe. At pinost ko pa talaga evidence ng pagsuway ko sa rules noh.
This place is perfect for everyone especially for Marians because the shrine have a lot of Mama Mary images displayed in the second floor of the church. 
Until next time, Simala Shrine!!!

Kung makabalik man ako ng Cebu, dadalawin pa rin kita. Ayun eh. Ako na rich kid. HAHAHAHAHA. Jk lang pero malay naman natin!! :))

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines