Saturday, April 25, 2015

Affordable Resorts at Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales

I was tasked to decide for our vacation/day tour place this year and it was really difficult especially when I had to make the expenses as low as possible. Shemay. Challenge! Ang mahal halos lahat! Huhuhu. I can't even count how many times I googled, "Mura, affordable, maganda, malapit, na resort sa Manila." Kaya kapag meron na may ganyang problema rin, ito ang possible solution. Murang cottage para sa day tour saka walang entrance fee na babayaran. 

Okay sana sa Quezon kaso sa mga magandang beach, may expenses pa for boat rides.
Okay sana sa Batangas kaso kagagaling lang nung iba naming kasama dun.

So I thought of Brgy. Pundaquit in San Antonio, Zambales. Although it's more known as the jump off point to the famous coves of Anawangin and Nagsasa, the beach of Pundaquit is also worth going to. I mentioned here in my blog before na "Okay naman dun kaso kasi gusto namin ng more adventure kaya nag-boat pa kami."

On our way to Zambales which is approximately 3 1/2 hours away from Q.C when you're going to pass through, NLEX and SCTEX. I was kind of praying na sana ma-enjoy na nila saka sana makahanap kami ng mura. Hindi naman ako binigo ng Pundaquit. Enjoy naman! Maganda na, mura pa.

Tama na kaka-intro. Ito na. :)
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on

Across the resorts, you can see Capones Island and Camara Island.

I've been to Capones Island before link: here.
Mt. Pundaquit.

For mountaineers, they have "Mt. Pundaquit Climb traverse to Anawangin Cove" kasi nasa likod ng mga bundok na 'yan 'yung mga coves ng Anawangin, Nagsasa at Talisayen. Pero 'yun na nga, additional expenses pa 'yon sa boat kaya dito na lang kami nag-stay sa Pundaquit Beach mismo. Saka, hehe, ayaw nila ng walang signal at kuryente.


Nga pala, don't be surprised to see a lot of boats in the area since Bgy. Pundaquit is a fishing village. 
The beach isn't the cleanest I've been to. May mga naka-kalat na basura sa shoreline na minsan, sumasama na rin sa tubig. Konti na lang pwede ka na kumanta ng "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?" dahil sa mga nakalutang na kung ano.

Hindi naman kailangan na babaan ng sobra ang standards, konting linis lang dito sa area e lalong mas okay. Tignan mo, clear ang tubig kasi visible pa 'yung legs kong sexy eh.
There are fishes swimming with us. Ganda nila. Hehe.
But I think, adventurous people would always be adventurous so we decided to hire a boat to Camara Island. 
These mountains make Pundaquit stand out from the rest. Ganda ganda!
Although I enjoyed swimming in Pundaquit beach, I liked the water of Camara Island more.

Mas malinis dito saka mas maganda tignan 'yung view. 
Hindi kagaya nung sa Pundaquit beach, ganito dito sa Camara. Parang pang-aquarium kaya medyo masakit sa paa.
They said that there's a sandbar here during low tide. Huhu. Sayang. Kainis!! Wala kaming nakita.

Kalanggaman Island and Sandbar, Palompon, Leyte link: here.
Boat ride back to Pundaquit.

I wasn't intending to swim here at Camara but upon seeing the water there, huhu, sige na nga.
Na-sobrahan ata ako sa dasal. Hahahaha!

Babalik daw kami dito sa June kaya baka magkita pa tayo. Yep, sana nga matuloy. Gusto ko pa makita 'yung sandbar ng Camara Island eh!


VERDICT:

Okay naman na dito na lang kasi mas matipid dahil wala ng boat ride, wala rin entrance fee tas may signal pa at kuryente kaso 'yun nga, may basura minsan na nakalutang.

Okay din sa Camara Island kaso walang cottage dun at di marami ang puno kaya pano pag mainit masyado, diba?

Kung di kalakihan ang budget nasa P 750.00/10 persons lang isang araw para sa cottage e okay na di ba? Hindi ka naman bibiguin ng view sa Brgy. Pundaquit tas maghanap na lang sa kahabaan ng shoreline kung san 'yung mas malinis na part.

We stayed at Megan's Beach Resort but I wasn't able to get their contact number.

Dyan kami sa kubo for 8-10 persons na whole day use PHP 750 pero may mga available cottages for overnight stay na hindi ko nakuha 'yung presyo.

Okay naman 'yung CR although changing room lang tas sa labas 'yung shower.

No entrance fee.


See again very very soon, San Antonio!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines