Monday, May 25, 2015

Leyte: Day 2: Medical Mission.

I had plans for my Leyte posts.

Sabi ko when I was there, I'll share the pictures of the persons I was with for three days but now that I'm in the process of composing this, I realized that I still can't do it. I really can't bring myself to post pictures or to write a lot about the people I am with in all my posts... maybe someday. Maybe someday when I get to announce that I blog. Maybe someday when I feel comfortable in exposing all aspects of my life online. Maybe that time will come, maybe that time won't come. Bahala na. 


Second day started really early because we had to catch the 6 AM Sunday Mass.

I had a different "assignment" during the second day. Importante na ginawa ko. As in super important. Ako lang naman, A-K-O nagbanlaw ng mga dental tools at nag-disinfect ng mga ito. O DIBA!!! E kung wala kami ni Ate na kasama ko?! Wala. Kung importante ang mga doktor, importante rin kami!!! Hahaha. So ganito na nga, syempre kailangan din itaas ang self-worth.

Habang nakikipag-usap ako kay Ate, sabi niya sa'kin, "Bukas, dun kayo pupunta oh." Sabay turo sa isang isla na medyo malayo. Tanong ko, "Saan 'yun?" Sagot niya, "Kalanggaman 'yan. Lilipat pa kayo ng Palompon tapos magba-bangka para makarating diyan." ^TAMA BA 'YUNG NARINIG KO?! KALANGGAMAN ISLAND?! OMG. 
Gusto ko lang ipakita sa inyo ang mga dental tools na hinugasan at dinis-infect namin. BWAHAHAHAHA. 
During the afternoon, I was asked to stop disinfecting and start taking pictures again. I gladly obliged because it meant that I will be able to roam around the vicinity again. 
Thank you, Colgate-Palmolive for sponsoring the toothbrushes that were given away.
And Lamoiyan Corporation for the Happee Toothpastes.
Isa sa mga batang nagmamadaling tumakbo papunta sa palikuran dahil pinapapila na sila sa mga tutuliin.

Hindi ko alam kung sadista lang talaga ko pero 'yung mga batang tinutuli ang pinaka-paborito kong pinapanood at pinapakinggan.

Nakakatuwa lalo:

1. 'yung mga magkakaibigan tas kahit na may gusto ng umiyak, hindi pa rin siya iiyak kasi makakan-tyawan siya.
2. 'yung mga ngiting tagumpay ng mga batang bumababa pagkatapos tuliin sa taas kasi natapos na sila.
4. 'yung mga tatanungin ko kung kinakabahan ba tas hindi kami magkakaintindihan, buti na lang e merong iilan na marunong mag-Tagalog.
3. HAHAHAHA. Sa lahat ng natutuhan kong salita this my favorite. :))))) "PATYON TAKA!!!!" na ang ibig sabihin daw e, "PAPATAYIN KITA."

Kahit na pinipigil na nilang umiyak e may mga bata pa rin na hindi kinakaya kaya umiiyak nang sobrang lakas. Pag nangyari 'yon, lahat ng nasa kwarto e iiyak na rin. Pag-akyat ko, may isang batang nakahiga na sumisigaw sa doktor na, "Patyon Taka!!" Pagbaba ko, naririnig din pala ng lahat ng tao 'yung sigaw nung batang 'yon kaya tinanong ko agad kung anong ibig sabihin... Ah, 'yun pala. Patyon taka! 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines