Tuesday, September 29, 2015

In response to Aldub haters at sa nagsabing... :)


Kasi sobrang nakakabother na kayo, mga bae. Ito isang napaka-pabebe na pabebe wave mula sa'kin. ;)

Sinusulat ko 'to para sa lahat ng taong nagsasabi na napaka ignorante ng Aldubnation at walang pake sa mga issues na meron tayo sa Pilipinas. Excuse me, proud member ako ng Aldubnation since Day 1 pero hindi ibig sabihin nun e incapable na 'ko of engaging sa mga mas malalim na usapin patungkol sa bayan. 

Ayoko na sanang patulan kaso namumuro na eh. Ayoko na rin mag-react kasi ayoko nga sanang pumatol kaso kailangan ko ilabas lahat ng frustrations ko. HAHAHA. Sobrang daming issues, hindi ko mailalagay lahat pero ito 'yung mga madalas... 



ANG BABAW NAMAN! Kung sakaling mababaw man talaga, ano bang mali sa pagkakaroon ng simpleng kaligayahan? Seryoso, anong mali? Hindi ko kasi makita 'yung dahilan kung bakit sila naiinis o bakit sila nakakontra sa simpleng kaligayahan ng ibang tao. Alam mo kung ano 'yung pinakamahirap na maging? 'Yung taong hindi makahanap ng simpleng dahilan para maging masaya sa buhay. Whatever happened to appreciating simple things in life, diba? Haaay. buti na lang mababaw ang kaligayahan ko. Wala na kong ibang ipapaliwanag pero buti na lang talaga. 

ANG JOLOGS NAMAN! Nung nahilig ako sa Korean shows o nung maraming nahilig sa Korean shows, sasabihin nila, BAKIT IYAN? ANG JOLOGS NAMAN. MAY NAINTINDIHAN KA BA? O so anong hindi jologs? At for your information, marunong akong mag-Korean kaya your question is invalid. Oo noh! Marunong talaga ko. Hindi ako fluent pero the point is may nai-intindihan ako. Minsan kasi, may mga tao na ginagamit 'yung hindi nila pagsabay o pagsunod sa uso para sabihin na hindi sila jologs o nakatataas na sila sa iba. Nakakapagod magpaliwanag ah! Nakakapagod magpaliwanag sa mga taong hindi marunong gumalang at naglu-look down sa ibang mga forms of entertainment lalo na 'yung kinakagat ng masa. Elitista, te? Kung sa tingin mong mas magaling ka dahil hindi mo nai-enjoy ang KalyeSerye, sige, go paniwalaan mo gusto mo. PERO PARA SA'KIN, THIS IS A BIG NO. Discriminating us who watch this kind of shows doesn't make you an intellectually superior person. You're nothing but an illogical and arrogant person. (Almost sounded like a copy cat, noh? HAHA!) Same idea lang ng mga taong nagsasabi na ang ang tanga ng mga taong hindi magaling gumamit ng wikang Ingles. Duh. As if basehan 'yan ng katalinuhan ng isang tao. Baka sakaling hindi mo alam pero maraming non-English speaking countries at hindi lahat ng bansa e nakasali na sa curriculum mula pagkabata ang English language. Pano 'yung mga taong hindi talaga naturo sakanila ang English? Does not knowing the language make them stupid? NO. 

MGA WALANG PAKE SA BAYAN! Luh. Edi kayo na mga bayani! Sa dinami-rami ng problema na meron tayo sa buhay at sa Pilipinas, ano ba naman 'yung konting saya at konting kilig ng 2 oras man lang sa 24 oras na meron tayo sa isang araw? Madalas hindi pa nga umaabot ng 2 oras kasi 'yung uploaded lang sa Facebook pinapanood ko. Hindi dahil nagbibigay kami ng oras para sa mga ganitong bagay e hindi na namin kayang makisabay sa mga ibang issue ng bansa. 'Yung mga bayani nga natin, may iba pang aspeto ng buhay maliban sa pagiging involved sa issues ng bayan eh. Pwedeng pwede pagsabayin ang responsibilidad sa bayan at ibang bagay kagaya ng pagfa-fangirl at uhm paglalandi. HAHA! At excuse me, ikaw? Ano bang ginagawa mo para sa bayan? Ang Aldub meron! Una, madalas walang traffic sa EDSA pag Sabado. Pangalawa, ako man meron akong mga puna (nasa last part ng post ko) pero sa kabuuan e binabalik nito ang ilang values na unti-unti na nating nakalimutan kagaya ng pagiging matyaga, pagma-mano sa mga nakatatanda at ang pagmamahal nang hindi kailangan ng physical contact (lagi). Pangatlo, sino ba tinatawag na modern day heroes natin? Sa tingin mo bakit nakakayanan mag trend worldwide ang mga hashtag ng Aldub? Kasi 'yung mga Pilipino expats all around the world, nagt-tweet din. Kahit man lang sa ganitong paraan e maramdaman nilang kaisa sila sa kung anong nangyayari sa Pilipinas, diba? Oo, ako man I look forward for the day na 'yung level ng interest natin sa Kalyeserye e maging kalevel ng interest natin para sa mga problemang kinahaharap ng bansa pero habang wala pa edi let's enjoy the journey. In the hopes na magamit natin 'tong mga kritisismo na tinatanggap natin para maging mas mabuting mamamayan ng bansa. Who knows, diba? Para sa kwento naman ni bae Alden, God moves in mysterious ways. Isang milagro nga sigurong matatawag 'to na magpapaalala rin sa'ting mga naniniwala sa Diyos na kung may gusto tayo kahit matagal bago maibigay e wag tayong bibitaw. Sino nga bang maga-akala aabot sa ganito? Wala ni isa ang nakapagsabi na magkakaroon tayo ng ganitong klaseng phenomenon. Iba talaga pag si God ang nagbigay! hehe. :) Bilang loyalista ng EB, sobrang saya ko para sa kanila. Happy 36 years talaga!

At dahil napunta na tayo sa usapin ng mga bayani, dagdag ko lang ano. Hindi pa ko nakakanood ng Heneral Luna kasi medyo wala kong time kaya sa weekend ko papanoorin (sana meron pa!) pero nakakabother lang na hindi alam ng iba kung bakit hindi nakakatayo si Mabini pero mas nakakabother 'yung mga taong nagsasabi na, "ANG BOBO MO KASI HINDI MO ALAM 'YON!". Alam mo kung may isang taong nagtatanong ng seryoso sa'yo, hindi mo dapat sagutin ng ganyan. Diba dapat turuan mo ng tama? Kaya natatakot ang mga taong magtanong tungkol sa mga bagay na hindi nila alam dahil natatakot silang masabihan ng TANGA. Dahil nagkukusa kang magtanong at i-clarify 'yung mga bagay na hindi mo alam e matalino ka kasi hindi ka kagaya ng mga aroganteng tao na dahil alam nila ang sagot sa tanong mo e pakiramdam nila mas matalino na sila sa'yo o 'yung mga tao na akala nila all-knowing sila. Hala. Kung iniiisip mong alam mo na lahat ng bagay, ang pinapakita lang nun e kung gano ka-limited 'yung pagi-isip mo. 


Ilang taon na kong nagb-blog at believe me or not, ang dami kong tanong na nakukuha mula sa iba't ibang tao. Minsan pa nga, 'yung mga tanong na imposible. Alam mo 'yun, mga tanong na hindi mo alam na posible pa palang itanong dahil akala ko common sense na 'yon pero never ako nagsabi na ang BOBO niya kasi hindi niya alam 'yon instead, sinusubukan ko 'yung best ko para maipaliwanag ng simple kung ano man 'yun na gusto niyang malaman. (Well, maliban sa kapatid ko kasi expression namin sa isa't isa ang salitang tanga. Haha!) Sabi nga ni Sen. Miriam, "A true teacher does not terrorize students, because a true teacher knows that it is his job to cure ignorance."  Hindi man tayo professional teacher pero dahil capable tayo of sharing our knowledge regarding sa mga topics na meron tayong alam, more patience lang sa pagtuturo sa ibang tao. Madaling solusyunan ang ignorance pero ang arrogance, hindi. :)





At para sa mga taong nagsasabi na hindi critical mag-isip ang Aldubnation, meron kaya akong puna/kritisismo regarding dun sa episode nung Saturday. 



Binahagi ko na dati 'yung karanasan ko sa jeep (ito) kaya nung sinabi ni Lola Tinidora na meron bang balot na balot na nababastos? Parang ako, MERON. Fresh pa kasi 'yung nangyari kaya 'yung reaksyon ko nun e MERON TALAGA. At nung ayaw ng ayaw si Lola Nidora sa mga damit na suot ni Yaya Dub dahil maikli kahit ang ganda naman niya nung suot na 'yon, nainis ako. Bakit? Ano bang masama kung magsuot ka ng damit na ang ganda mo pag suot 'yun? 'Yung nambastos ang hindi marunong rumespeto tapos biktima pa rin may kasalanan? HUWAW!!! GRABE!!!!


Kahit anong isuot ng isang babae, e hindi niya hinihinging mabastos ng lalake! 

Naalala ko tuloy 'yung nabasa ko dati 'yung pinagtatanggol ng rapist sarili niya. Sabi niya, "She asked for it." SIRA ULO KA BA?! Sinong babae ang gusto magpa-rape?! Oh well, the fact na nangrape siya e sira ulo talaga siya. Pero the thing here is, kailangan na basagin 'yung kaisipan na dahil maikli magbihis ang isang babae e kabastos-bastos na siya. Ito lang talaga, sa lahat, 'yung hindi hindi ako gaanong natuwa kasi biktima pa rin 'yung nagmukhang may kasalanan.

*sa boses ng mga original na pabebe girls* 
AT WAG MONG SASABIHIN SA'KIN NA BASTUSIN TALAGA ANG MGA MAIIKLI MAGDAMIT DAHIL AKO KAHIT NAKA T-SHIRT AT PANTALON LANG AKO E ILANG BESES NA KONG NA CATCALL AT NABASTOS NG MGA LALAKE SA DAAN LALO PAG MAG-ISA LANG AKONG NAGLALAKAD.


Nakabihis ka ng maayos at "kagalang-galang", may bastos.
Nakabihis ka ng maikli at "hindi kagalang-galang", may bastos.

So sino ang nasa parehong sitwasyon? 'Yung bastos, diba? Tapos kami may kasalanan? EDI WOW.


WALA SA'MIN ANG PROBLEMA KUNDI NASA SA MGA MANYAKIS NA TAONG NAGKALAT SA KALYE. KAYO ANG UMAYOS.



Edi beast mode na 'ko.


Hahaha.


Haba, noh? Well, bakit hindi? Kaya kong gumawa ng post na may 25 million characters din. hehehe. Joke. 



Bye. 



ALDUB YOU! *pabebe wave*


Monday, September 28, 2015

JongYeon Feels (Korean Variety Show)

Another Saturday night habit ended. -_-


Even though I am not being active in Korean programs and events here in Manila, I haven't let go. 

Haven't let go in ways that I still eat Korean cuisine, I still dream of going to South Korea someday and of course, I still try my best to continue practicing the Korean Language through watching series and movies. (TOPIK EXAM TIPS LINK: HERE)


Anyway, so I'm still watching Korean programs and for the past weeks it is the variety show, We Got Married, mainly because I came to love the JongYeon Couple - Gong Seung Yeon and Lee Jong Hyun. 


What I do is that I wait for the release of the unsubbed episode in Youtube every Saturday night and then wait for the release of the English subbed episode every Wednesday night. It's fascinating that even if I don't understand everything, I recognize some words and then get an idea on what they're saying. 


But then my favorite couple has said goodbye to the program and I couldn't help it but hope that there comes a time when they release an official statement saying that they are dating in real life. Huhuhuhuhu. In fact, I haven't watched the English subbed of their final episode because I might break down in tears. Hahaha!





Goodbye to my favorite couple! I'll continue stalking you in Instagram until that fated day comes... :) Hehehe!! 


"Trust him or her. He is a very good person."

์šฐ๋ฆฌ ๊ฝ์ด ์ปคํ”Œ ํ™”์ดํŒ…!! 


I haven't been watching WGM since they left. :(

Sunday, September 27, 2015

Puerto Princesa & El Nido Day 2: Tour A (7 Commandos Beach and Big Lagoon)

If you're planning to go to El Nido, I think it would be best to DIY (I'll tell you the reasons sa tamang panahon. Haha!) your trip especially when you're travelling with your friends and make sure to spend at least two days here to make the trip more worth it.

I'm not complaining though that we only did one tour but... but... there are so much left to see! Babalik na lang for you, El Nido kaya Tour A muna tayo.

For this post, I'll be sharing two places from El Nido's Tour A and they are: 7 Commandos Beach and Big Lagoon. 

Before starting the tour, our guide oriented us and one thing I liked about El Nido's tourism rules is that they don't feed the fishes during snorkeling.

I'm glad that El Nido's practicing responsible ecotourism although there definitely is a lot more room for improvement. 
BUT STILL, THE BEST ECOTOURISM SITE FOR ME IS DANJUGAN ISLAND OF NEGROS OCCIDENTAL LINK: HERE.

Posted this because I look like a long-legged person.
The tour guides are more than glad to take your pictures. Tama nga naman, andun ka na eh. Sabi nga nila, mas madali magbura dahil sobra ang pictures kesa kulang. hehehe. 
This was in 7 Commando's beach. Palpak lang talaga ng rushguard ko. Ang sikip. HAHAHAHA. Lalo akong nagmukhang suman.
This is the sand of 7 commando's beach and my feet's tan lines. Are those tan lines? Haha. I don't even know why this is the color of my feet in the picture but it definitely showed one thing, kahit ang itim ko na, may ita-tan pa rin ang kulay ko. HAHAHA.
Parang okay na nga rin na buong araw ka na mag-stay dito eh. 'Yung sa bandang likod ng mga puno, mga bato ito namang nasa babang picture. 
Ang ganda mo, El Nido! <3
Ito talaga 'yung nagpapa-unique eh. Mga limestone karst cliffs almost everywhere. 
The water's similar to Leyte's Kalanggaman Island link: here.
The reason why I am not putting a lot of captions is because El Nido left me speechless. Grabe. Kamiss. Worth it pa rin kahit may mga palpak. Hehehe
This was taken while we were on our way to the Big Lagoon.

May statue si Mama Mary oh. 
Ito 'yung Big Lagoon. We were allowed to swim here for around 15 minutes. 'Yung madalas mong makita sa postcards and Tourism ads? Yes. Ito nga 'yon. 

Sabi ni Kuya guide, naniniwala raw ang mga scientists na itong mga 'to ay dating kweba (million years ago) na gumuho kaya nagkaroon ng mga lagoon.
The funny (or probably not. ako lang natuwa) thing about this trip is how I always made sure that my lips aren't pale Haha. Naka-ilang retouch ako although buti na lang hindi agad nabubura 'yung akin kasi may pagka-lip tint 'yon.
I don't know what he was trying to get but I still took his picture to show you what's in the water. For me, hindi 'yung water at lalong hindi snorkeling kaya nagpupunta ng Big Lagoon kundi para sa mga limestones pa rin na nakapaligid dito.
Ganda talaga.

Iba eh. Ang sarap titigan nung mga rock formation. (Huwag mo na 'ko tanungin kung anong lasa, basta masarap. haha)


I read that the limestones here are similar to those found in Guilin, China; Krabi, Thailand and Ha long, Vietnam because they are all part of Sunda Plate. 


 Habang dumarami 'yung mga napupuntahan o nalalaman mo tungkol sa iba't ibang lugar sa mundo, e dumarami rin 'yung lugar na gusto mong puntahan. Kung pwede lang mag-teleport o magkaroon ng unlimited na pera at oras. Haha. Haaay buhay ng lakwatsera pero hindi maaring mawalan ng pag-asa dahil para sa 195 countries pa na meron sa mundo, hintayin niyo lang ako. Someday, I'll get there.  Kelan naman 'yung someday? Well, well, well hindi ko pa masasagot 'yan pero alam kong may tamang panahon kahit hindi ko alam kung paano. Tiwala lang! Ngayon pa ba? :)
One thing naman about this picture is how we visualized it months before going there. The goal was a sexier back but... :)))

Hindi ko man na-achieve 'yung sexy back na gusto ko sana e nakarating pa rin ako sa El Nido. Haha! Nako noh!! Kahit anong itsura ko, picture pa rin. Keri.



I can't put all the places we've visited in one post because I have a lot of pictures so to follow na lang.
Claim lang ng claim.
God bless.

Wednesday, September 23, 2015

wer2nxt?

Hopefully by October I get to post our 4 Days and 3 Nights Palawan Itinerary because as much as I want to continue my Palawan series, these days are so hectic that I'd rather post things like this. Alam mo 'yun, kwento at reflect ng konti. Hehehe! Mamahalin este babasahin mo pa rin naman (ako) kahit ganito lang ilalagay ko, diba? :)))))) 

Nung isang araw, nagmamadali akong umalis ng bahay. Kaya ang ginawa ko, nilagay ko na lang lahat ng tingin kong kakailanganin ko tapos habang tumatagal, parang unnecessary 'yung bigat. As in super bigat niya for a day na parang wala naman ako masyadong dala.

Tinignan ko 'yung gamit ko tapos ayun, nakita kong may mga gamit dun na hindi ko naman kailangan para sa araw na 'yon pero dahil hindi ko nga tinignan, hindi ko natanggal bago ko umalis.

Minsan ganun rin tayo, noh? Sa sobrang busy at sa sobrang dami nating ginagawa, hindi natin napapansin na ang bigat na pala hanggang sa mapagod ka na lang at saka mo maiisip na mag look back sa buhay mo (ang drama ba?) pero ang malala dun, minsan hindi rin natin masagot agad pag nagtanong tayo sa sarili natin kung, "Ano kaya 'yung mabigat? o Ano kaya 'yung nagpabigat?" Bakit kaya? Kasi nasanay tayo.

Sana lagi tayong may oras o sana lagi natin bigyan ng oras na tignan 'yung mga buhay natin baka kasi nagtitiis tayo sa bigat e hindi naman na pala kailangan. Sana magkaroon din ng lakas ng loob na iwanan at/o bitawan 'yung mga bagay (o tao) na nandyan pero hindi naman pala dapat o hindi naman na dapat. Sana meron tayo ng kakayanan na ihiwalay 'yung mga importante sa mga hindi kailangan para 'yung mga hindi kailangan e unti-unti ng matanggal sa sistema. Sa madaling salita, Lord, give me the wisdom to know when, what, and who to let go and the courage to accept the life without those things (or persons). HAHAHAHA. Ambot.

Just so may relevance 'yung picture, I haven' t been going on an adventure for the past two months (more than na nga) so it's a throwback picture (nakakamiss!) while we were waiting at Pudu Sentral in Malaysia (all travel posts link: here.)  I really hope that I can go somewhere new or old (Sige na, Cordillera Administrative Region Area! Papuntahin niyo na ko dyan.) before 2015 ends, I don't have an idea and I have no plans yet on where to go next. Alam mo 'yun, gusto ko pero hindi ko alam kung paano at kung saan. Kaso hindi ko na muna pangungunahan ang tadhana kaya ayaw ko na mag-plano. Hahaha kasi naman!! Universe, anywhere but here. Hahaha! Hintay na lang ako. So, where to next??? Haaaay! Next plsssss! Mga October, pwede na sana. Hahaha!


HAAAAAY NAKAKALOKA KANINA KAYA AKO NAG-POST DITO EH. NAKAKALOKA.

Nasa jeep ako papunta sa kung saan pero ang sasabihin ko lang e dahil may bibilhin ako sa National Bookstore (KAYA KO SININGIT KASI NAKA SALE PALA SILA NGAYON KAYA HINDI KO ALAM KUNG NBS BA ANG MAS NAKAKALOKA O ANG NANGYARI SA'KIN.)

Hindi na ko nagi-earphones sa byahe pag nagco-commute lang ako kasi nga medyo unaware ka sa surroundings mo pag naka-earphones ka pero wala naman kinalaman 'yan, gusto ko lang sabihin.

Kanina, may lalake na umupo sa harap ko sa jeep tapos naapakan ako kaya inurong ko 'yung paa ko.


Hindi ko naman 'yun napansin kaso nang may umupo sa tabi niya, nagulat na lang ako nakahawak na siya sa tuhod ko buti na lang na hindi ako naka-shorts. Parang aksidenteng natulak 'yung itsura niya. Ano siya sinu-swerte. Inalis ko agad. Tinignan ko siya. Ito 'yung mahirap sa ganitong sitwasyon e, hindi mo rin kasi alam kung ano pinakamagandang gagawin. Tsk. 

Pero akala mo 'yun na 'yon? Hindi pa. Nung may nagpa-bayad aba, sa'kin pa inabot. To think na abot naman na niya sa driver pero sa'kin pa rin niya binigay, as in hindi lang bigay ah. Talagang nilagay niya sa kamay ko sabay hawak sa braso. ANAK NG! Pero 'yun nga, kahit galit na ko, kalmado lang. Baka mamaya sira ulo pala 'yun o naka-drugs eh. Mahirap na. Tinulak ko lang 'yung kamay sabay sabi ng ano ba!

Pero akala mo 'yun na talaga 'yon? Hindi pa. Aba ang makapal ang mukha, tumabi pa sa'kin, buti na lang 'yung mga katabi ko e nakatunog na rin kaya kahit masiksik sila, umusod pa rin sila para lang makaurong ako palayo dun sa bwisit na lalake.

E hindi ko na mahintay kahit ang lapit ko na sana. Kailangan ko na talaga bumaba kasi ayoko na malaman kung ano pa mangyayari dun. Baka kasi hindi lang siya manyakis, baka baliw o magnanakaw pa 'yon. Kaso, nakakatakot din kasi 'yung dinadaanan namin wala pang commercial establishments buti na lang may pumara sa BDO. Kahit wala kong balak mag-banko e bumaba na rin ako kasi may guard dun. Hahahahaha. Takbo agad ko papasok eh. 'Yung pera ko na pambili, dineposit ko kaya ang ending e nag-credit card ako kanina kaya nakakaloka si NBS kasi hindi ko napigilan ang temptations of purchasing new books. Ajuju. 


Ayoko na isipin kung ano siya, kung ano trip niya o kung may kasabwat ba siya sa jeep pero buti na lang, buti na lang talaga safe ako kahit hindi 'yung budget ko kasi isa lang sana pero may inuwi akong apat na bagong libro mula sa National Bookstore ngayong araw. Hahaha! Impulse buying ulit. Helloooooo nastress ako! hahahaha. Excused.

Last Sunday pahinga ko sana (or hindi pa rin talaga inisip ko lang), I attended a seminar about basic bread making in Tomas Morato area. We were taught by a master baker, I learned a lot even if it was just one day at ang dami kong nauwing breads!! If you're interested in joining, leave your contact details in my contact me page and I'll keep you posted if there are going to be next schedules. Sa susunod ata e cookies, cakes, cupcakes, at brownies na kaya mas exciting hehe. Learning never stops tayo. May bagong potential source of income na nga, may certificate pa, at higit sa lahat may pagkakataon pang magkita tayo. hahahaha. Edi wow, noh?



God bless.
Ingat at malayo sana tayo sa mga masasamang loob. 
Less than 100 days before Christmas na hihihi kahit di ko ramdam hihihi <3

Saturday, September 19, 2015

Of kindness and gratitude... aldub you!

"We often take for granted the very things that most deserve our gratitude."


Nang magutom, nag-isip ng kakainan. 

Sa isang lugar na merong Jollibee, Mang Inasal at Mcdo, sa Mcdo kami tumuloy dahil 'yon ang commercial ni Alden at Maine. Sorry na, proud member ako ng Aldubnation. Hahaha! Bawal haterzzzz. :)))

Pero 'yun nga, nagpunta kami sa Mcdo. Ang gusto ko talagang kainin e spaghetti at chicken kaso gusto ko rin tikman 'tong Chicken Fillet.

Problema, diba? Simple. "Bilhin ko na lang 'yung dalawa, hindi ko na lang kakainin 'yung kanin."

Okay naman eh. Normal. 

Para sa lasa nito, okay naman.
Gusto ko 'yung sauce, creamy tapos medyo maanghang 'yung fillet kaya bagay parang Aldub. hahahahahaha. 



Ayun na nga, okay naman. Normal. Ano ba naman 'yung di ko kainin 'yung kanin?

Kaso biglang may kumatok sa salamin kung saan kami nakaupo. 

Isang batang babae na naka-uniform at humihingi ng pagkain. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nang magtagal, sumenyas ako sa kanya, sabi ko ikot siya at pumasok.

Nagmamadali siyang pumasok at lumapit sa'min. 

Inabot ko 'yung lalagyan ng chicken fillet na may kanin pa pero sobrang konti na lang nung ulam kaya sinama ko na rin 'yung french fries saka konting parte ng wing part ko na hindi ko pa kinakain.
Pinanood ko siya habang kumakain. Patago kong kinuhanan ng litrato. Wala lang. Gusto ko ng remembrance. Pang-Instagram sana pero wag na, dito na lang sa blog kasi ang dami kong gustong sabihin.

Tuwang-tuwa siya kahit na tira na lang 'yon. Naanghangan pero di siya nagreklamo kaya inabot ko na rin 'yung softdrinks ko.


Naisip ko tuloy na ang swerte ko dahil may kakayanan akong bumili kahit ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.


Sabi nila kaya tayo binibigyan ng sobra sobra e para makapagbigay sa nangangailangan. Hindi ko man siya nabilihan ng bagong meal e masaya pa rin siya sa kung anong meron sa harap niya. Perfect example ng we must count our own blessings and not waste time in counting other person's blessings.


 Pero infairness, nakakagaan ng pakiramdam 'yung magpasaya ka ng iba. Claim ko na lang na I'm highly favored and I'll be abundantly blessed para marami pa kong pwedeng ibigay. Wow, santa levels. haha. Maalala ko lang 'yung post ko nung May; Hindi ko naman pala kailangan na lumayo pa para mag Medical Mission at mag-donate tuwing may sakuna para makapagbigay kasi marami naman paraan para makapagbigay sa iba at hindi naman kailangan na one time big time, okay din paunti-unti kagaya nito. Minsan 'yung mga maliit na bagay na ginawa natin sa iba e malaking bagay na pala para sa kanila. 


Pero natutuwa pa rin ako kasi pag nagtuloy-tuloy, lalaking malakas ang loob at madiskarte 'yang batang 'yan. Sana dumating 'yung araw na hindi na niya kailangan manghingi sa mga taong hindi naman niya kilala pero hindi rin naman masama dahil hindi lahat ng bata e may kapareho niya ng level of maturity and resourcefulness. Minsan nga, may mga matanda pa rin na hindi mature eh, diba? Hayyy!! Kahit subukan ko magpakabait, lalalabas at lalabas pa rin maldita comments ko. Nyahaha!



Sa sobrang bilis ng oras at sa sobrang dami ng gustong gawin at gustong makuha, nakakalimutan mo na mga bagay na andyan at dapat naman pinagpapasalamat. Buti na lang at kumatok siya, at least napaalala sa'kin na nakalimot na pala ako. 


The antidote for lack is gratitude. Gratitude is a choice, an attitude, an approach towards life. My gratitude for this moment does not depend on what is going on in this moment; it is the moment, regardless of what is going on, that I am grateful for. My gratitude for this breath is not about breath. It's that I am breathing, that I recognize it comes from a higher source, and that I am alive. Gratitude is a moment to moment celebration.


BE SOMEBODY'S MIRACLE THROUGH WORLD VISION LINK: HERE.

Thursday, September 17, 2015

BPI Family Credit Card (ANO??? MAY BAGO KANG CARD!?)

It has been months since I last made a post under the label SaveSaveSave but here I go again.

What to do if you're a first time credit card user link: here.
BDO JCB Credit Card link: here

Ito 'yung bago kong card BPI Family Credit Card link: here.

A break muna from my Palawan series, I'd like to talk about the newest addition in my card collection (card collection talaga hahahaha), my BPI Family Credit Card (Mastercard).

Tuesday: I received a call from BPI Family and the lady on the other line told me to drop by the bank since I have a pre-approved credit card. All I have to bring is my valid government-issued ID.

I told my mom that I have another pre-approved card and her reaction was the same as mine, "Pano? Bakit ang dali?"  It's a question that I can't answer for I really don't know the reasons as well but it's something that I am glad to have. hehe. Sa totoo lang, I never thought of applying for another credit card since my JCB is already enough for me and wala talaga ko ng lahat ng requirements na ipapasa sa bank if I apply for one. Hahaha! Bigla na nga lang dumating 'yung JCB sa bahay eh. Pero since andun na, edi grab ko na. In the hopes that I'll have another out-of-the-country trip kaya ko 'to kinuha kasi para sa internationally accepted card. Baka ito na naman ang lucky charm!! Claim lang ng claim. Maga-out-of-the-country kasi ako ulit! Hahaha! Nawili.

Thursday: I went to the bank and filled out the application form though it was just to update my records since the card was pre-approved nga. Usually when you have a credit card, you pay an annual membership fee but they had a promo that if you apply before September 15 and spend five thousand pesos within three months upon the receipt of the card e free na 'yon for life so no annual fee na. Waived 'yung JCB card ko for the last three years, never pa ko nagbayad hopefully never ako magbayad ng fee for both of my cards forever. Sana kami man lang may forever. Hahaha! Tipid ng P 2,500 taon-taon din 'yan.

Monday: My card arrived at home via messenger/mail.



So ano?

With greater purchasing power comes even greater responsibility. 

I've met a lot of people who say that having a credit card is a bad idea but for me, okay lang. It's a neutral thing - 'yung pagiging good or bad is dependent on how you use it eh. Just don't think of it as an extension of your money and pay your bill on time then you won't be charged interest. Okay ako for convenience talaga.

If there's one thing that I'd like myself to be after getting my second card is to become more responsible in handling my money especially now that I have two temptations in my hands. Lagi ko nire-remind sarili ko na pag hindi kailangan wag bibili. And it actually helped that overtime, I became more interested in travelling (sabi sa book, experiencer ako) than acquiring material things so even if I fall into impulsive spending sometimes mas madali ako mag-control pag, "Lakwatsa o iyan?" Haaaaaaaay!!! Pero tao lang, I fall into temptations pa rin mas konti nga lang compared sa dati.



Papairalin ko ang pagiging wise at ilalabas ang sangkatutak na self-control. Para sa out-of-the-countries at out-of-towns. GO PUSH!

GOOD LUCK AND GOD BLESS SA'KIN!!! GOD BLESS DIN SA'YO!!!


KAYA NATIN 'TO!!!!! Ajujuju. :))) 


Salamat, BPI! Baka naman kasi nababasa niyo posts ko at alam niyong nagb-blog ako tungkol sa inyo kaya nabigyan ako ng pre-approved card. HAHAHAHAHA. Feelingera. Edi wow. Joke lang:))

Puerto Princesa and El Nido Day 1&2: Jurias Pension for Accommodation

It was past 12 midnight when we arrived at El Nido and we were warmly welcomed by a guy when we reached Jurias Pension house. He asked what our preferred breakfast is and gladly escorted us to our room. Huhu. Bed finally!!! Where to stay in El Nido? Pwede dito. 


I had no idea where this was nor what does it look like prior to arriving but yeah, it was fine for me. It may not be located at El Nido town proper (maybe less than 5 minutes tricycle ride) but it's near a wet market and the bus/van stations.

We had two beds, 'yung isa hindi pa nadi-"discover" when I took this picture. Dun ako natulog sa hinihilang bed sa ilalim nito. 
The bathroom was nice and clean. 
Here's the address of Jurias Pension.

For two persons we had: Two beds, TV with Cable, Wi-fi, Private bathroom with hot and cold shower.

It's a place I can recommend to others.
Dito na kayo mag-stay. hehe
GOOD MORNING, EL NIDO!!!!!!

NAKAKAMISS KA NG BONGGA!!!!!!!!!! 
This was the common/waiting area. We arrived too late and tired that I wasn't able to pay attention to this the prior night.
The door of our room.
Reception Area

I wasn't able to get their contact details but I'm pretty sure you can find it in the internet. Ang tamad ko maghanap. Haha!
I asked my friend, Louise, to take my picture here and then I looked up and I saw the limestone mountain. That exact moment when I pointed it to her was captured in this picture. Sobrang excited ko, nawala ako sa posing. Haha!

This view for our breakfast! <3
More than glad to experience eating breakfast in this patio with this view even once in my life. haha! Pero malay ko ba, this is definitely not the last time for El Nido and Me. <3
This was okay for a complimentary breakfast. 'Yung view talaga ang nagdala. Hehe!
Aside from the limestone mountain or cliff, in the view from the patio, is the seven commandos beach (left side).


I haven't tried staying in a hotel or pension in El Nido town proper so I can't compare where would be better but this is a definitely a good place if you don't mind not being able to stay along the seaside and not being in the town proper. Para sa'kin, okay na rin dito at least away from all the people na nasa town. Sa susunod siguro (SANA MAY SUSUNOD TALAGA!! TOUR B, C, D, E, F at kung ano-ano pang dapat gawin. Haha!), dito ulit ako tas ibang night na nasa town para ma-try. hehe.

 About 10-15 minutes walk naman to El Nido town or 5 kung mag-tricycle.
To follow: Our Tour A experience. <3



Book your El Nido Accommodation click: here.

Sunday, September 13, 2015

Puerto Princesa & El Nido Day 1: En Route and Delays

POSTING THIS WHILE WISHING THAT I WILL HAVE ANOTHER FLY OUT FOR 2015. HAHAHA!!! Yan talaga ang makakating mga paa. :))


It took me two months to finally start my Palawan trip series because it's really hard to decide which pictures to include in each post. But anyway, here it goes.

Because of several operational problems, our flight was delayed for like more than six hours so what we were expecting to happen on our first day obviously didn't happen.

Supposedly our flight was early in the morning but we spent almost the whole day at NAIA Terminal 4 and arrived at Puerto Princesa at 4:20 in the afternoon. Yuppppp, this is... Sparta. Jk. That was the longest time I spent waiting because of a delayed flight.

When impatience started to creep in, iniisip ko na lang na, "Hindi naman ako lagi nabibigyan ng chance na maghintay because of a delayed flight, pwede na." Although of course, those lost 6 hours are supposed to be used to tour Palawan City but yea... travel through watching movies at catch up sa FB dahil second day ng Aldub phenomenon 'yon. Haha! July 17 ang flight namin. Learn to appreciate the gift of pause... hehehe

Maybe to appease the impatience and displeasure, we were given this Jollibee meal for brunch. Well, thanks for this Airasia Philippines pero mas maa-appreciate ko kung next time e laging on time na tayo please. hehe
We were given this too. You'll know that your flight is so delayed when the airline keeps on feeding you. haha. Charot. I appreciate the food but solving those operational problems ahead of time would definitely be better.
Kailan na naman kaya ang next flight ko? Lalalala. I am waiting for my next adventure, universe!! Pakibilisan. Tengga na ko sa traffic ng  Manila ng ilang buwan. Naks, ang arte!!! Ilang buwan lang, nagi-inarte na!! Hahahahahaha. #pagbigyan
Haaaaaaay, <3 FINALLY!!
When you're going there, you don't need to go far to find restaurants or canteens where you can eat at because a lot can be found near the airport.
The initial plan was to go to Robinson's Place Palawan to leave our bags so that we can tour around first though obviously scrap 'yon. We didn't know what to do so we still went but it turned out that it is not the best idea since there are not much homegrown restaurants here. Kahit na sabihin kong mas masarap ang Mcdo sa Palawan e iba pa rin pag local talaga eh. Stay na lang sa vicinity ng airport.
EL NIDOOOOOOOOOOOO...

I can't decide which mode of transportation would be the best for the roads to El Nido. I want to try riding a bus the next time I go there just for the sake of being able to compare which vehicle would be more comfortable for a 6 hours long travel in the zigzag winding roads to El Nido.

 Gosh, I hope they develop more paved roads soon because saying that the road is bumpy and the travel is exhausting would be understatements.



Pero kahit na maraming delays and maraming di inaasahan na nangyari, thankful pa rin for this. <3

Thursday, September 10, 2015

Mama Lou's Italian Kitchen, UPTC

EKSENA SA UPTC:

Tin: Gusto ko ng La Lola, meron pala silang product na may matcha ice cream eh.
Mama: Sige, subukan natin 'yung Mama Lou's muna. Malapit lang naman sa La Lola 'yon. 

We were 15th in line when we went there. 15th?! Are you kidding me?! I mean like I haven't eaten a decent meal the whole day because we were insanely busy and I'll be waiting for another 45 minutes to 1 hour before we get a seat????? But it's rare that my mother suggests a restaurant 'cause it's usually me who chooses where we eat so okay, willing to wait. Hahaha. Arte lang. Hindi ako nag hysterical dun. Ano magagawa ko e ang daming tao. 

15th in line. Calmly gave the receptionist (kung ano man tawag sa kanya) my cellphone number. Went to Mercado to buy some groceries. After around 40 minutes, the receptionist called and told us that our table was ready e nakapila pa kami sa counter para magbayad... buti na lang walang topak kapatid ko, binigay ko lang pambayad sa kanya tapos pumunta na kami ng nanay ko sa Mama Lou's.


SO AFTER NG MAHABA RIN NA INTRO KO AT BACK STORY, KASING HABA NG PAGHIHINTAY NAMIN, 

IS MAMA LOU'S WORTH THE WAIT?
The first thing I noticed was the parmesan bottle. Parang ako, patay ka. Ubos ka. Hahaha.

But the food we ordered were flavorful and delicious on their own that there was no need to put additional parmesan cheese on them.
After ordering, we were served this bread and tomato dip. This was the first time I tried a tomato dip for my bread in an Italian restaurant because it's usually vinaigrette and olive oil but I liked this too. MABUBUHAY AKO SA ITALY, GUISE. :)))) 
Mozzarella Sticks
180.00

I loved this paired with the sauce.

I wanted to try other dishes especially those I haven't tried eating yet but since I was with my mother and sister, we stuck with our usual orders.
Large Pepperoni Pizza
P 395.00


Yep, our usual order is pepperoni pizza because my sister's picky with her food. For me, this is easily one of the best thin crust pepperoni pizzas I've tried. This is coming from someone who orders pepperoni pizza in almost all restaurants she's eating at ah. 

You know (if you've read some of my previous reviews) that I suck at describing the taste of my food but when I say it's good then it's good. Haha!! Edi wow, noh?

The next time we'll go here, I'll definitely order Mama Lou's Special pizza - that was the order of those seated beside us and it got me so curious. Ang kulit kasi ng itsura tas mukha namang enjoy sila. Haha.
Spaghetti Meatballs
P 295.00

This took a looooooong time before it was served to us. I almost cancelled this order since nabusog na kami sa pizza but when I followed-up, the waitress told us that ilalabas na raw in two to three minutes, so okay, we waited. And again, glad we didn't cancel and glad we waited. The noodle was cooked just right - al dente. The sauce was sour but sour in a good Italian pasta way. Do you get what I mean? Hahaha! Gosh sobrang hirap mag-explain plsssss. :))))


The place was really busy but infairness to the staffs, the service was still good. They were attentive and courteous. They were also constantly refilling our drinks even if we weren't asking for any. It was just kind of hard for the kitchen to catch up with the orders because there were a lot of people that night so forgiven ang na-late na spaghetti, masarap naman.


Overall, I'd say that Mama Lou's is worth the wait. With great food and serving that's good for its price, mothers undoubtedly know best. Hehe. 



Next time na si La Lola, hindi ko na kinaya mag-round two kahit na matcha ice cream pa 'yon. 

Wednesday, September 9, 2015

Beautiful Distraction

All alone imagining
What might have been
What could have been
If I had been theeeeeere yeah yeah yeahhhh

Haaaay, someday we'll know why.....

Daan lang, huwag tatambay!


Ano pa ba para makaramdam pa ng more positivity?
A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on


Life, I am not a player. Isa isa lang! I don't know why my body chose to have dysmenorrhea, flu, colds and headache all at once. Isa isa lang!!!! Stick to one sakit. Mahina (literal na mahina) ang kalaban. Haha. You know when you're sick, you'll think about the times you were healthy and how you took those for granted. Sorry na nagpaulan ako kagabi may kasama pang paulan at pasok sa airconditioned room, sinamahan pa ng puyat. EDI WOW. Naghanap talaga ko ng sakit.  Ayan, I had no option but to spend the day at home. Hindi ako makabangon kaninang umaga eh! Medyo sayang ang araw huhubells pero wala eh.

Sobrang hilo at sakit ng ulo na kahit nasa bahay ako, hindi ko pa rin pinanood ang KalyeSerye today. Kung di ba naman sobrang di talaga okay, matitiis ko ba naman 'yan? NASAN KA NA BA YAYADUB?! Team9PM pa rin ako kahit nasa bahay lang naman ako. :((((


But I've started to feel better or so I was before I started to make myself feel bad again. Ito nga't nagpo-post na ko para malabanan kasi hindi na nga ko okay physically kaya I have to feel good emotionally. HAAAY! Sobrang downer mo, curiosity! Nag-stalk stalk kasi ako sa Facebook kanina dahil feeling okay na ko't walang magawa. HAHAHA! Alam mo 'yung, "Isa lang. Titignan ko lang recent post niya." Hanggang sa 'yung masamang pakiramdam mo e lalo pang napasama dahil sa kalokohan mo. Haaaay. Okay ka na eh! BAKIT BA NAMAN KASI (&@^^@!%!! Ito mahirap pag hindi busy, maraming time para sa kalokohan. Kanina sakit lang ng katawan ngayon parang ang sakit na rin ng puso... HAHAHAHA. Charing!!! Natatawa na lang ako sa kabaliwan ko. Hindi na mauulit 'yon, promise. Ayoko na. :))))

Salamat, blog I have a place to realign my thoughts. I have the best thing in the world that reminds me about those things I should be grateful for. Ano ba 'yan nararamdaman ko, LET GO AND LET GOD. Ajujujujuju. Ultimate bahala na talaga. 

I have a lot of backlogs so I can distract myself from doing those self-harming things. Gusto ko sana magpost ng iba pero sabi nga sa Inside Out kailangan din talaga natin si sadness kasi hirap din pag manhid manhidan poreber kaya ito na lang haha. (Saka teka, hindi 'to laslas levelz ah). 

Channeling all the time I have for stalking into something worthwhile like updating this blog with this malapit na maging worthless and super random post. Haha! Bilang sobrang dami ko talagang dapat ilagay at nakaka-guilty na ganito lang... sige na nga, tapusin ko na 'to. 



Thank YOU. ;)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines