image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

In response to Aldub haters at sa nagsabing... :)


Kasi sobrang nakakabother na kayo, mga bae. Ito isang napaka-pabebe na pabebe wave mula sa'kin. ;)

Sinusulat ko 'to para sa lahat ng taong nagsasabi na napaka ignorante ng Aldubnation at walang pake sa mga issues na meron tayo sa Pilipinas. Excuse me, proud member ako ng Aldubnation since Day 1 pero hindi ibig sabihin nun e incapable na 'ko of engaging sa mga mas malalim na usapin patungkol sa bayan. 

Ayoko na sanang patulan kaso namumuro na eh. Ayoko na rin mag-react kasi ayoko nga sanang pumatol kaso kailangan ko ilabas lahat ng frustrations ko. HAHAHA. Sobrang daming issues, hindi ko mailalagay lahat pero ito 'yung mga madalas... 



ANG BABAW NAMAN! Kung sakaling mababaw man talaga, ano bang mali sa pagkakaroon ng simpleng kaligayahan? Seryoso, anong mali? Hindi ko kasi makita 'yung dahilan kung bakit sila naiinis o bakit sila nakakontra sa simpleng kaligayahan ng ibang tao. Alam mo kung ano 'yung pinakamahirap na maging? 'Yung taong hindi makahanap ng simpleng dahilan para maging masaya sa buhay. Whatever happened to appreciating simple things in life, diba? Haaay. buti na lang mababaw ang kaligayahan ko. Wala na kong ibang ipapaliwanag pero buti na lang talaga. 

ANG JOLOGS NAMAN! Nung nahilig ako sa Korean shows o nung maraming nahilig sa Korean shows, sasabihin nila, BAKIT IYAN? ANG JOLOGS NAMAN. MAY NAINTINDIHAN KA BA? O so anong hindi jologs? At for your information, marunong akong mag-Korean kaya your question is invalid. Oo noh! Marunong talaga ko. Hindi ako fluent pero the point is may nai-intindihan ako. Minsan kasi, may mga tao na ginagamit 'yung hindi nila pagsabay o pagsunod sa uso para sabihin na hindi sila jologs o nakatataas na sila sa iba. Nakakapagod magpaliwanag ah! Nakakapagod magpaliwanag sa mga taong hindi marunong gumalang at naglu-look down sa ibang mga forms of entertainment lalo na 'yung kinakagat ng masa. Elitista, te? Kung sa tingin mong mas magaling ka dahil hindi mo nai-enjoy ang KalyeSerye, sige, go paniwalaan mo gusto mo. PERO PARA SA'KIN, THIS IS A BIG NO. Discriminating us who watch this kind of shows doesn't make you an intellectually superior person. You're nothing but an illogical and arrogant person. (Almost sounded like a copy cat, noh? HAHA!) Same idea lang ng mga taong nagsasabi na ang ang tanga ng mga taong hindi magaling gumamit ng wikang Ingles. Duh. As if basehan 'yan ng katalinuhan ng isang tao. Baka sakaling hindi mo alam pero maraming non-English speaking countries at hindi lahat ng bansa e nakasali na sa curriculum mula pagkabata ang English language. Pano 'yung mga taong hindi talaga naturo sakanila ang English? Does not knowing the language make them stupid? NO. 

MGA WALANG PAKE SA BAYAN! Luh. Edi kayo na mga bayani! Sa dinami-rami ng problema na meron tayo sa buhay at sa Pilipinas, ano ba naman 'yung konting saya at konting kilig ng 2 oras man lang sa 24 oras na meron tayo sa isang araw? Madalas hindi pa nga umaabot ng 2 oras kasi 'yung uploaded lang sa Facebook pinapanood ko. Hindi dahil nagbibigay kami ng oras para sa mga ganitong bagay e hindi na namin kayang makisabay sa mga ibang issue ng bansa. 'Yung mga bayani nga natin, may iba pang aspeto ng buhay maliban sa pagiging involved sa issues ng bayan eh. Pwedeng pwede pagsabayin ang responsibilidad sa bayan at ibang bagay kagaya ng pagfa-fangirl at uhm paglalandi. HAHA! At excuse me, ikaw? Ano bang ginagawa mo para sa bayan? Ang Aldub meron! Una, madalas walang traffic sa EDSA pag Sabado. Pangalawa, ako man meron akong mga puna (nasa last part ng post ko) pero sa kabuuan e binabalik nito ang ilang values na unti-unti na nating nakalimutan kagaya ng pagiging matyaga, pagma-mano sa mga nakatatanda at ang pagmamahal nang hindi kailangan ng physical contact (lagi). Pangatlo, sino ba tinatawag na modern day heroes natin? Sa tingin mo bakit nakakayanan mag trend worldwide ang mga hashtag ng Aldub? Kasi 'yung mga Pilipino expats all around the world, nagt-tweet din. Kahit man lang sa ganitong paraan e maramdaman nilang kaisa sila sa kung anong nangyayari sa Pilipinas, diba? Oo, ako man I look forward for the day na 'yung level ng interest natin sa Kalyeserye e maging kalevel ng interest natin para sa mga problemang kinahaharap ng bansa pero habang wala pa edi let's enjoy the journey. In the hopes na magamit natin 'tong mga kritisismo na tinatanggap natin para maging mas mabuting mamamayan ng bansa. Who knows, diba? Para sa kwento naman ni bae Alden, God moves in mysterious ways. Isang milagro nga sigurong matatawag 'to na magpapaalala rin sa'ting mga naniniwala sa Diyos na kung may gusto tayo kahit matagal bago maibigay e wag tayong bibitaw. Sino nga bang maga-akala aabot sa ganito? Wala ni isa ang nakapagsabi na magkakaroon tayo ng ganitong klaseng phenomenon. Iba talaga pag si God ang nagbigay! hehe. :) Bilang loyalista ng EB, sobrang saya ko para sa kanila. Happy 36 years talaga!

At dahil napunta na tayo sa usapin ng mga bayani, dagdag ko lang ano. Hindi pa ko nakakanood ng Heneral Luna kasi medyo wala kong time kaya sa weekend ko papanoorin (sana meron pa!) pero nakakabother lang na hindi alam ng iba kung bakit hindi nakakatayo si Mabini pero mas nakakabother 'yung mga taong nagsasabi na, "ANG BOBO MO KASI HINDI MO ALAM 'YON!". Alam mo kung may isang taong nagtatanong ng seryoso sa'yo, hindi mo dapat sagutin ng ganyan. Diba dapat turuan mo ng tama? Kaya natatakot ang mga taong magtanong tungkol sa mga bagay na hindi nila alam dahil natatakot silang masabihan ng TANGA. Dahil nagkukusa kang magtanong at i-clarify 'yung mga bagay na hindi mo alam e matalino ka kasi hindi ka kagaya ng mga aroganteng tao na dahil alam nila ang sagot sa tanong mo e pakiramdam nila mas matalino na sila sa'yo o 'yung mga tao na akala nila all-knowing sila. Hala. Kung iniiisip mong alam mo na lahat ng bagay, ang pinapakita lang nun e kung gano ka-limited 'yung pagi-isip mo. 


Ilang taon na kong nagb-blog at believe me or not, ang dami kong tanong na nakukuha mula sa iba't ibang tao. Minsan pa nga, 'yung mga tanong na imposible. Alam mo 'yun, mga tanong na hindi mo alam na posible pa palang itanong dahil akala ko common sense na 'yon pero never ako nagsabi na ang BOBO niya kasi hindi niya alam 'yon instead, sinusubukan ko 'yung best ko para maipaliwanag ng simple kung ano man 'yun na gusto niyang malaman. (Well, maliban sa kapatid ko kasi expression namin sa isa't isa ang salitang tanga. Haha!) Sabi nga ni Sen. Miriam, "A true teacher does not terrorize students, because a true teacher knows that it is his job to cure ignorance."  Hindi man tayo professional teacher pero dahil capable tayo of sharing our knowledge regarding sa mga topics na meron tayong alam, more patience lang sa pagtuturo sa ibang tao. Madaling solusyunan ang ignorance pero ang arrogance, hindi. :)





At para sa mga taong nagsasabi na hindi critical mag-isip ang Aldubnation, meron kaya akong puna/kritisismo regarding dun sa episode nung Saturday. 



Binahagi ko na dati 'yung karanasan ko sa jeep (ito) kaya nung sinabi ni Lola Tinidora na meron bang balot na balot na nababastos? Parang ako, MERON. Fresh pa kasi 'yung nangyari kaya 'yung reaksyon ko nun e MERON TALAGA. At nung ayaw ng ayaw si Lola Nidora sa mga damit na suot ni Yaya Dub dahil maikli kahit ang ganda naman niya nung suot na 'yon, nainis ako. Bakit? Ano bang masama kung magsuot ka ng damit na ang ganda mo pag suot 'yun? 'Yung nambastos ang hindi marunong rumespeto tapos biktima pa rin may kasalanan? HUWAW!!! GRABE!!!!


Kahit anong isuot ng isang babae, e hindi niya hinihinging mabastos ng lalake! 

Naalala ko tuloy 'yung nabasa ko dati 'yung pinagtatanggol ng rapist sarili niya. Sabi niya, "She asked for it." SIRA ULO KA BA?! Sinong babae ang gusto magpa-rape?! Oh well, the fact na nangrape siya e sira ulo talaga siya. Pero the thing here is, kailangan na basagin 'yung kaisipan na dahil maikli magbihis ang isang babae e kabastos-bastos na siya. Ito lang talaga, sa lahat, 'yung hindi hindi ako gaanong natuwa kasi biktima pa rin 'yung nagmukhang may kasalanan.

*sa boses ng mga original na pabebe girls* 
AT WAG MONG SASABIHIN SA'KIN NA BASTUSIN TALAGA ANG MGA MAIIKLI MAGDAMIT DAHIL AKO KAHIT NAKA T-SHIRT AT PANTALON LANG AKO E ILANG BESES NA KONG NA CATCALL AT NABASTOS NG MGA LALAKE SA DAAN LALO PAG MAG-ISA LANG AKONG NAGLALAKAD.


Nakabihis ka ng maayos at "kagalang-galang", may bastos.
Nakabihis ka ng maikli at "hindi kagalang-galang", may bastos.

So sino ang nasa parehong sitwasyon? 'Yung bastos, diba? Tapos kami may kasalanan? EDI WOW.


WALA SA'MIN ANG PROBLEMA KUNDI NASA SA MGA MANYAKIS NA TAONG NAGKALAT SA KALYE. KAYO ANG UMAYOS.



Edi beast mode na 'ko.


Hahaha.


Haba, noh? Well, bakit hindi? Kaya kong gumawa ng post na may 25 million characters din. hehehe. Joke. 



Bye. 



ALDUB YOU! *pabebe wave*


Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment