Sunday, September 27, 2015

Puerto Princesa & El Nido Day 2: Tour A (7 Commandos Beach and Big Lagoon)

If you're planning to go to El Nido, I think it would be best to DIY (I'll tell you the reasons sa tamang panahon. Haha!) your trip especially when you're travelling with your friends and make sure to spend at least two days here to make the trip more worth it.

I'm not complaining though that we only did one tour but... but... there are so much left to see! Babalik na lang for you, El Nido kaya Tour A muna tayo.

For this post, I'll be sharing two places from El Nido's Tour A and they are: 7 Commandos Beach and Big Lagoon. 

Before starting the tour, our guide oriented us and one thing I liked about El Nido's tourism rules is that they don't feed the fishes during snorkeling.

I'm glad that El Nido's practicing responsible ecotourism although there definitely is a lot more room for improvement. 
BUT STILL, THE BEST ECOTOURISM SITE FOR ME IS DANJUGAN ISLAND OF NEGROS OCCIDENTAL LINK: HERE.

Posted this because I look like a long-legged person.
The tour guides are more than glad to take your pictures. Tama nga naman, andun ka na eh. Sabi nga nila, mas madali magbura dahil sobra ang pictures kesa kulang. hehehe. 
This was in 7 Commando's beach. Palpak lang talaga ng rushguard ko. Ang sikip. HAHAHAHA. Lalo akong nagmukhang suman.
This is the sand of 7 commando's beach and my feet's tan lines. Are those tan lines? Haha. I don't even know why this is the color of my feet in the picture but it definitely showed one thing, kahit ang itim ko na, may ita-tan pa rin ang kulay ko. HAHAHA.
Parang okay na nga rin na buong araw ka na mag-stay dito eh. 'Yung sa bandang likod ng mga puno, mga bato ito namang nasa babang picture. 
Ang ganda mo, El Nido! <3
Ito talaga 'yung nagpapa-unique eh. Mga limestone karst cliffs almost everywhere. 
The water's similar to Leyte's Kalanggaman Island link: here.
The reason why I am not putting a lot of captions is because El Nido left me speechless. Grabe. Kamiss. Worth it pa rin kahit may mga palpak. Hehehe
This was taken while we were on our way to the Big Lagoon.

May statue si Mama Mary oh. 
Ito 'yung Big Lagoon. We were allowed to swim here for around 15 minutes. 'Yung madalas mong makita sa postcards and Tourism ads? Yes. Ito nga 'yon. 

Sabi ni Kuya guide, naniniwala raw ang mga scientists na itong mga 'to ay dating kweba (million years ago) na gumuho kaya nagkaroon ng mga lagoon.
The funny (or probably not. ako lang natuwa) thing about this trip is how I always made sure that my lips aren't pale Haha. Naka-ilang retouch ako although buti na lang hindi agad nabubura 'yung akin kasi may pagka-lip tint 'yon.
I don't know what he was trying to get but I still took his picture to show you what's in the water. For me, hindi 'yung water at lalong hindi snorkeling kaya nagpupunta ng Big Lagoon kundi para sa mga limestones pa rin na nakapaligid dito.
Ganda talaga.

Iba eh. Ang sarap titigan nung mga rock formation. (Huwag mo na 'ko tanungin kung anong lasa, basta masarap. haha)


I read that the limestones here are similar to those found in Guilin, China; Krabi, Thailand and Ha long, Vietnam because they are all part of Sunda Plate. 


 Habang dumarami 'yung mga napupuntahan o nalalaman mo tungkol sa iba't ibang lugar sa mundo, e dumarami rin 'yung lugar na gusto mong puntahan. Kung pwede lang mag-teleport o magkaroon ng unlimited na pera at oras. Haha. Haaay buhay ng lakwatsera pero hindi maaring mawalan ng pag-asa dahil para sa 195 countries pa na meron sa mundo, hintayin niyo lang ako. Someday, I'll get there.  Kelan naman 'yung someday? Well, well, well hindi ko pa masasagot 'yan pero alam kong may tamang panahon kahit hindi ko alam kung paano. Tiwala lang! Ngayon pa ba? :)
One thing naman about this picture is how we visualized it months before going there. The goal was a sexier back but... :)))

Hindi ko man na-achieve 'yung sexy back na gusto ko sana e nakarating pa rin ako sa El Nido. Haha! Nako noh!! Kahit anong itsura ko, picture pa rin. Keri.



I can't put all the places we've visited in one post because I have a lot of pictures so to follow na lang.
Claim lang ng claim.
God bless.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines