Saturday, October 3, 2015

Octobrrrrr.

Wala talagang E sa title kasi andito E. :)) Brrrr kasi medyo malamig ang gabi. 

I have a lot of things to say but unfortunately I couldn't organize my thoughts now (as if naging organized sila ever) so let's see how this turns out. 

Today kind of went well. But not really.

1. I applied for something and supposedly, ngayon 'yung agreed date ng release kaya hindi na ako tumawag beforehand, ayun, pagdating ko, nganga. Hindi pa raw ready... parang ako. Char!!!!

2. I withdrew money sa RCBC ATM using my BDO Cash Card and guess what? Nagkaproblema! Akala ko okay pero it turned out na, "Unable to dispense cash" pero pagtingin ko sa amount na meron sa card, nabawas kahit wala naman lumabas na pera galing sa machine. -_- I already called BDO regarding my concern and they told me to wait for 24 hours, pag hindi bumalik e magiging under investigation pa kaya within 15 banking days. JUSKO! Ang laking abala. Willing na nga sana ko magbayad ng interbank withdrawal fee tapos... Haaaaay. RCBC! Nakaka-two points na ATM niyo sa'kin.

But today went well. Kind of. Really.

Sobrang torn pero still, okay naman na as of this time. Stressor lang ang ATM at magulo talaga kong tao. Haha!


Anyway, we had the time to watch the movie, "Heneral Luna" today. Grabe! Seryoso, One More Chance levels 'yung luha ko. 

If you're not yet able to watch the movie, watch it please! Make sure not sa pirated DVD o kahit online streaming!!!! Sobrang worth it kaya wag kayo mag-alala.
With Heneral Luna way back... Hahaha!


I was in tears especially in the last part of the movie. Mixed emotions.


Gratitude because if not for them, wala tayong kalayaan ngayon.


But it's more of shame... kasi ano bang meron tayo ngayon?


Naiyak ako sa awa saka kasi iniisip kong halos ganun pa rin 'yung sitwasyon. Alam kong the change must begin with ourselves pero alam mo 'yun, gusto ko umasa na sana sa susunod na halalan e makapili tayo ng presidente o kahit sino na lang na opisyal ng gobyerno na karapat-dapat. May paninindigan at may totoong pangarap na umunlad ang Pilipinas. Saka sana, wag padalos-dalos dahil laging nasa huli ang pagsisisi at Nawa'y matuto tayong mag-isip para sa mga sarili natin at huwag umasa sa kung anong iutos ng iba. 


Hindi naman hinihingi na magpakamatay tayo para sa bayan pero in our own little ways, may magagawa tayong lahat para unti-unting pagpapabuti nito.


BASTA AYUN NA NGA, PLEASE WATCH HENERAL LUNA! Sobrang daming learnings and realizations. Umaasa pa rin ako sa isang mas maayos at mas progresibo na Pilipinas.

Haaaay, sobrang bilis ng panahon! 10/12 na tayo!!!!!!!!! Minsan nakakatakot din na hindi natin namamalayan ang pagtakbo ng oras dahil dyan, WALA NA TAYONG ORAS SA MGA BAGAY NA HINDI NATIN KAYANG PANINDIGAN! (maisingit lang) Kaya lakasan ang loob at pag-isipan natin nang maigi lahat ng mga gagawin natin.

Last...

"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself."


May God bless us more! Ingat parati! Aldub you! *pabebe wave*

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines