Friday, January 1, 2016

Blessed and Highly Favored 2016!

Deeply loved.

New Year's Eve na walang sinunod na kinagawian.

Walang linis sa kwarto, walang talon para tumangkad (umaasa pa 'ko... noon), sa una walang barya sa bulsa, at walang polka dots sa damit pero alam mo? Kahit wala 'yan lahat, I feel blessed more than ever. Proud na proud akong I am Blessed, Highly Favored and Deeply loved! Hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang mga taon. Gusto mo rin maramdaman? Ini-invite kita sa Parish Renewal Experience sa February! Iwan mo lang contact details mo sa'kin. :))) 

Sasabihin ko sana na hindi naging okay ang 2015 para sa'kin kasi inisip ko lang 'yung mga bagay na wala pero habang binasa ko 'yung ilang naisulat ko rito saka 'yung ganitong post ko na sinulat ko last year. Okay naman pala. That was probably the best year yet because finally meron na akong plano. Gosh. MERON.NA.AKONG.GUSTONG.GAWIN. Kailangan ko i-capslock, kailangan ng emphasis. Di ko napansin talaga pero ito na 'yun oh. :)))))))

Last year was the year when I learned that we should seize every opportunity that comes our way. I learned it the hard way but at least I learned. No regrets only lessons learned lagi!

Last year was the year when I felt that a lot of people believed in me and I was reminded that I have people who have been supporting me along the way. I think more than the several places I went to, it was that (re)discovery that truly made 2015 memorable.

Haha! I'll be CONFIDENTLY BEAUTIFUL (beauty is in the eyes of the beerholder, mga pre) with a HEART. Ayan ah, pang Miss Universe kasi, "If you want something, the universe conspires in helping you achieve it." Kayang kaya! Ngayon pa ba?!
"Tin, lasing ka ba?"


Hindi naman ako lasing pero one time, napunta sa lakwatsa 'yung usapan e ang dami kong pwedeng sabihin kaya ayan daldal galore e unusual 'yon kasi hindi talaga ko sharer unless tanungin ako about something. Kaya lang naman ako maraming nilalagay dito sa blog ko kasi ako lang ang nagsh-share saka nag blog pa ko kung wala naman pala kong sasabihin, diba? Pero pag may kausap akong iba e mas okay sa'kin na mas makinig. 'Yon nga, kung confidently beautiful with a heart talaga ang peg e sinagot na 'yan ni Ninong Fitzgerald, "She was beautiful, but not like those girls in the magazines. She was beautiful for the way she thought. She was beautiful for the sparkle in her eyes when she talked about something she loved. She was beautiful for her ability to make other people smile, even if she was sad. No, she wasn't beautiful for something as temporary as her looks. She was beautiful, deep down to her soul. She is beautiful."


Oh edi ako na maganda. Hahaha!



At hindi pa rin nagbabago at nag-iba lang ng version, #explorelovehappinessmoneyhealth2016.

Ngayon explore hindi lang sa mga lugar o para matugunan 'yung wanderlust pero sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkatao ko. 

Tipong, 2016 is the year to go where I've never gone, see what I've never seen, do what I've never done, and feel what I've never felt. Hihihi.  
Shameless and won't be sorry for being me. Naaaaaaks! Char lang! Haha!


Despite the big things the past years have let me experience and everything 2016 has prepared for me, I know that I'll always be that girl who isn't hard to please.

 'Yun naman ang ayokong mawala ever, 'yung pagkakaroon ng mababaw na kaligayahan. 

Nilagay ko na 'to sa Instagram post ko pero uulitin ko na lang:

Kagabi manonood sana ko ng fireworks pagpatak ng 12 midnight pero paglabas ko sa kalsada nagkakagulo 'yung mga tao kasi may naghahagis ng barya, ng perang papel, ng damit, ng sumbrero at kung ano. Syempre, nakigulo ako nang hindi man lang inisip kung dapat ba kong makigulo kasi una, hindi ko kilala 'yon at pangalawa, hindi ko kilala mga nakiagaw. Nung nakakuha na ko ng isang dakot na barya na halos puro piso lang naman kasi walang pumapansin saka 'yang sumbrero na suot ko, tuwang tuwa na ko at proud pa ko ha. Tignan mo, nilagay ko pa rito 'yung kwento. 


Mga ganyang bagay o kahit mukhang mas mababaw pa dyan, 'yung tumingin sa sunset, maramdaman 'yung malamig na hangin sa mukha, makakita ng falling star, kahit ano pa 'yan, love love the little things pa rin. 

Unlike last year when I made it more about others and less about me, I am making this year more of Him, less of me. I know that this year wouldn't be easy so I'm letting go of all the over-analyzing, fears, and everything nega. I'll continue to fight and offer everything for His glory. 

Another goal for this year is to simplify and prioritize. 


I think since I now have my golds and goals, it will be easier to do this. Hindi 'yung piliin ko na naman maging everywhere kasi sobrang gulo kaya nalilimutan minsan maging grateful at hindi nagagawa mga dapat gawin.


Saka gusto ko pa rin 'yung, "because I am blessed, I am blessing the world."


Isa pa, it touched me when someone told me, "I am praying for you." Ewan, siguro mas pure 'yung pakiramdam. Siguro mas genuine 'yung feelings. Naungusan 'yung, "I'll give you a laptop." ganyan. Hahaha! Kaya ayan, whoever you are, I want you to know that I am praying for you and you can send me an e-mail or leave me a message should you need someone to listen/talk to. :)
Here's to more stories and my fifth year of blogging!!! AKALAIN NATIN 'YON!!!!


Here's to CelebraTINg ExisTENce more!


Here's to embracing the journey and welcoming beginnings with open arms and brave heart!


Here's to a year filled with abundance, enough crazies, good health, surprises, and first times!


God bless! 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines