Friday, January 8, 2016

Charcoal Ice Cream at Lawson's Convenience Store, Munoz

Green Tea and Bamboo Charcoal Ice Cream? Unfortunately not. :(

It was Bamboo Charcoal and Queso de Bola that day. :(((
I've been doing groceries in almost all grocery stores near me since the old Cherry Foodarama closed and one of those that I am frequenting is Walter Mart in Munoz so I got the chance to go here since this is near the building of Walter Mart.

Sa totoo lang, ito 'yung pakiramdam na parang nawala 'yung first love mong nasa kanya lahat ng hanap mo kaya ang gagawin mo ay maghahanap ka sa kung saan-saan na pwedeng hanapan pero sa kasamaang palad e kailangan mo pala talaga mag-ikot kasi hindi kayang punan ng isa 'yung mga kailangan at gusto mo. 


Kaya ang eksena ngayon e hindi dahil wala kang loyalty. Loyal ka for several years dun sa nawala, remember?! Wala lang kasi talaga sa kung anong mga nasa harap mo 'yung kailangan mo kaya ka pa iba-iba. 


Oo! May hugot kasi sobrang nakakapagod 'yung umiikot talaga ko ng groceries tas napaka-traffic pa nung December kaya ubos oras din. I will blog about the groceries I liked the most soon but the feels and the hassles I've experienced, I am posting them now. Haha! 


Napagod ako at nainis kasi nga nagsara 'yung Cherry lalo nung unang naga-adjust pa, parang napaisip kang bakit nga ba hindi mo mas pinahalagahan nung andyan pa. 'Yung hindi naisip  kung gaano ka-convenient na andyan siya.



Pero nung tumagal e napatunayan mo na kesa isipin mo 'yung nawala e mag-dwell ka na lang sa sobrang daming possibilities na may darating na bago. Hehe! Ito pala 'yung experience na masasabi mong okay na rin na nawala siya kasi may papalit at papalit naman... 'yung mas okay, 'yung mamahalin ka, 'yung hindi ka sasaktan, 'yung hindi ka papaasahin, 'yung magtatama ng mali sa buhay mo at higit sa lahat, 'yung magiging dahilan para sabihin mo sa sarili mong, "Wow! Thanks! Ang swerte swerte ko talaga." HAHAHAHAHAHA. 


Hugot pero sa grocery talaga 'to ah... sa sobrang tuwa ko, ayan na nga at siningit ko na rito para wala na masyadong hugot 'yung magiging post ko tungkol sa groceries.



Nga pala, here are the grocery stores in order of my preference: Waltermart in Munoz, Mercado in UPTC, Landmark in Trinoma, S&R Membership Shopping in Congressional and, Rustan's in Powerplant. 
It was during the Christmas season when I went here which is why they had Queso de Bola instead of matcha. But anyhow, for a 25.00 swirl-all-you-can ice cream, this is a good deal.


If you're wondering what the charcoal tastes like, it tasted like a vanilla ice cream with black food coloring.


 I've tried to research on this and found out that charcoal is actually being used as a food ingredient nowadays but I am not sure if this has real charcoal powder in it. 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines