image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Matchadisappointed... Resort's World Matcha Festival!!!! :(((

Matchawifestival... Gosh, after a lot of anticipation over the weekend. I went home sawi and broke yesterday. :((( Chos! Nahinayang ako sa byahe, don't think I'll be able to go back on a weekend to attend the festival.

Okay, so the Matcha festival runs for the whole month of September. Keri. The usual articles I read mentioned that participating restaurants have prepared their own matcha-infused dish to serve for the festival and that there are matcha goodies sold. I don't know if it's me who overlooked that detail or hindi talaga siya masyado na mention na although everyday 'yung sa resto e every weekend lang ang stores. So okay lang, sige, disappointed pero ano magagawa ko e Monday kami nagpunta, diba? Anyway, before I left for the States a lot were raving for the then newly-opened restaurant called Ichiba. We just tried that out since sawi-sawian nga ko sa matcha goodies, subukan na lang 'yung gustong subukan months before pa tapos transfer to another restaurant to get dessert na lang 'cause all they had there was a soft-serve matcha. (Family mart memories, beshy oh! :(( Sakit lang na wala na 'yung favorite flavor ko.) Kasi nga madalas naman ako nakaka-kain before ng soft-serve matcha kaya minabuti na lang namin lumipat.

So disappointed sa matcha kasi wala, okay naman experience sa Ichiba, then paglipat namin sa napili namin na restaurant para mag matcha dessert...

10 minutes...
20 minutes...
30 minutes...

Hala, bakit ang tagal? Di namin agad napansin kasi busog pa from Ichiba pero ang tagal na pala! 
My family were trying to be patient kasi nga gusto ko talaga ng matcha so they waited with me.

40 minutes... "Ate, pa follow-up naman 'yung order please."
50 minutes... baka in-order pa sa Japan 'yung matcha.
1 hour...

Lumabas isang ate, "Mam, three minutes na lang po."

Another 10 minutes have passed and wala pa din so ako na nag-initiate na umalis na lang kami. Yes, without telling the servers. Huhuhu. SAKIT SA PUSO PLEASE!! Salamat sa tubig. :(( hahahaha! Di ko na sila i-mention kung sino.


1. Kapag excited ka talaga e noh!
2. Kapag napuno ka na ng thoughts na wala, wala talaga! Kailangan ng shift of thoughts ulit na hindi possible kasi sobrang disappointed at bwisit ko nga. 

Pinalagpas at binigo mo ko this time, matcha pero kakapit pa din ako sa'yo. :(((( Hahanapin pa rin kita. :(((( HAHAHAHA.

As in super sama talaga ng loob ko. Pati mga Vegas learnings ko sa Casino, nalimutan ko kaya mas sumama pa loob ko. Lamona. Casino 'yan eh. Kaso 'yun nga, syempre pag napuno ka na ng thinking na wala hanggang sa dulo wala. hahaha. Umuwing talo, luhaan at di mapakinabangan hahaha pero may new learning na kailangan na ulit maging financially responsible. Oi, mag 3 months ka ng nasa Pilipinas, Tin! Umayos ka. Di 'yung hanggang ngayon puro pa rin gastos. Tsk

Kaya ayoko na bumalik muna sa casino. Kakaloka!!! Naputol na Vegas - Solaire winning streak Hahahaha!




Anyway, balikan na lang natin 'yung good memories when I did a Staycation in Marriott  Hotel, Newport Area. Although I have no idea when and how, I am looking forward for a Maxim's Hotel Staycation! Sobrang ganda ng pool nilaaaaa. Bali levels!!



Sobrang unstable ng post na 'to, noh? hahahahahahahahahahaha withdrawal syndrome sa matcha besh haahahha

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment