Tuesday, April 25, 2017

Bohol 2017: Loboc River Cruise

Pwede bang mag Tagalog? Okay lang, 'di ba? Di naman 'to SM Megamall na English lang pwede. CHAROT! :)))

Maiksi lang 'to. Dadaan lang 'tong si Loboc River Cruise dito sa blog ko kasi meron pa kong Loay. 'Yun na lang ang mas mahaba para makumpara 'yung dalawa. 

Di kagaya nung dati, hindi ka na makakapili kung saang restaurant mo gusto kumain. Pupunta ka na lang dun sa office (kung anuman tawag dun) kung saan pumipila lahat ng gusto mag Loboc River Cruise, magbabayad, kukuha ng number tapos maghihintay matawag 'yung number para sumakay na sa banka. Dati kasi walang sistema kaya kanya-kanyang hanap ng restaurant. Mas okay 'yung ganito para sa'kin kahit di ko alam pano hatian ng pera. 


Di 'yun masyadong tumatak sa'kin kaya di ko na maalala pero isa pa pala 
'tong Loboc sa mga location ng movie ni John Lloyd at Bea (HAHA! Travel goals kasi para sa'kin mapuntahan mga pinag-shootingan nila) kaya mas feel na feel ko nitong pangalawang punta namin. 



'Yung nasa taas, itong nasa baba 'yung mga pinagpipilian sa Loboc River Cruise. Di ko lang rin alam kung pare-pareho ang pagkain sa lahat ng banka pero okay na okay sa'kin mga pinagpilian rito lalo na 'yung crab, dilis, bbq at ilang refill ng iced tea.








Okay din 'yung chicken. Eat-all-you-can nga pala dito! :D



Isa sa mga atraksyon sa Loboc River Cruise ito sila na papanoorin mong sumayaw at kumanta. Loboc Children's Choir. 



Baka andyan sa kabilang banka si Lloydie koooooooooo...




Ito bale 'yung nasa dulo nung cruise, akala mo FALLS? Hindi! Ano lang, falls. Haha! 

Pero Busay Falls pangalan niyan, fyi lang. 







Tapos na.


Maliban sa pagkain, tanawin e nakaka-enjoy din 'yung may kumakanta habang umaandar 'yung banka. Haha. Pa-experience naman ng Superstar Virgo Cruise dyan, universe! Char. HAHAHA

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines