Monday, June 5, 2017

Mt. Sembrano, Pililia, Rizal, Our 10/9 Trail Hike

Wildfire o Kaingin? Hmm....


May utang pa 'kong tatlong bundok at napakaraming bagay na hindi ko pa na-blog pero dito muna tayo sa last ko na bundok nung March. Ito muna kasi, you know, na-miss ko na umakyat. :))) 


Van from Starmall to Tanay Market
Jeep or Tricycle to Barangay Malaya 


A night before lang 'to namin napag-usapan, kaya wala rin akong tulog masyado. Mga isang oras bago 'yung meeting time tapos 'yung tulog galing Shaw hanggang Tanay tapos Tanay hanggang Jump-off, mga three to four hours din na putol-putol. 

Nung umakyat kami, hindi pa required ang guide dito kaya apat lang kami nun. Nakaakyat na rin naman isa naming kasama kaya okay lang, saka hindi nakakaligaw 'yung trail. 


Galing sa Multi-Purpose hall, medyo mahabang lakarin papunta pa. Nakakapagod talaga pag paved road na pataas tapos mabato 'yung unang mga dinaanan pero sa totoo nyan, kulang na rin ako sa exercise grabe. Hiningal ako agad. Napatanong ako ulit kung ano ba 'yung ginagawa ko sa buhay ko kesa itinulog ko na lang. Napakainit na. Napaka-reklamador ko pa. (Salamat sa pagtitiis, hiker friends. NYAHAHA) 


Sus, 3/9 at 745 MASL lang eh. Easy. Nobody said it was easyyyyyy. Hahaha! The summit is a grassland (reminded me of Mt. Tagapo) and full of assault, idagdag pa na hindi na talaga ko physically ready mag-bundok. Ayun. EZ PZ talaga. Easy gusto ko na umuwi. 


Mt. Sembrano is in Jala-Jala Peninsula but it's still a part of Pililia, Rizal that's why the windmills are visible on from the summit. It has a really good view of the nearby mountains in Laguna, Rizal and Talim Island and the Laguna Bay. If only it wasn't scorching hot. 


We found shade among the taller grasses and we slept there for around 30 minutes. I didn't check the time but we probably reached the summit in less than three hours. 


The trails are steep yet we continued walking to find a shaded place where we could eat our lunch. We spent an hour in here before going back to the summit and descend since we wanted to be at the town proper as early as possible. 


We took pictures before descending so as to take in the view of the surroundings as well. Natagalan bago ko nakaakyat ulit at parang natatagalan bago ko makaakyat ulit. Nyeeee. Dati halos weekly akyat. :(

 Ganda! 360 degrees view at kaming apat lang umakyat that day. Sulit na rin lahat ng hirap. 


Itong tatlong pictures sa baba 'yung view sa summit:

... always haunted by thoughts of a sun-drenched elsewhere ☀

Sierra Madre Mountains, this is facing Pililia Windmills


Side of Jala-jala Peninsula facing Pakil, Laguna


Side of Jala-Jala Peninsula, facing Talim Island. 



After spending around 20 minutes taking pictures at the summit and wishing for the wind to blow, we descended. 


Pagbaba namin sa summit, bumungad sa'min 'yung usok. Shemay. 4 lang kami sa buong bundok nung panahong 'yon tapos may apoy pa 'yung trail na dadaanan namin. Ang masarap pa dun, wala na kami halos tubig at ang init init pa. Alam ko naman na hindi pa siguro namin kamatayan nun kasi malaki naman 'yung bundok pero grabe, hindi namin alam gagawin namin for the first few minutes. 


Ito 'yung sunog nung malayo. 


Lumapit kami habang nagi-isip kung magt-traverse na lang ba kami (e pa-Laguna ata 'yon at shemay, bes babalik na naman kami sa assault. Huhuhuhu...) Tinignan namin ng maigi 'yung sunog at nag-isip kung ano ba pwede namin gawin.


Buti na lang din damo at buti na lang din hindi mahangin nung araw na 'yon kaya kapag nakalagpas na 'yung apoy sa isang part, namamatay na. 


Kaso 'yung problema, nagiging tatlong part na 'yung sunog. Pero 'yung unang malaki lang 'yung problema kasi dun 'yung trail, 'yung dalawa naman medyo malayo pero rinig na rinig namin 'yung tunog nung nasusunog saka lumilipad na rin 'yung mga sunog na damo. 

Ito, may video pala ako. 


video




Buti na lang kasama namin 'tong aso na 'to kasi siya rin 'yung nagsilbing guide namin dun. Feeling namin nung una, ni-rescue namin siya pero feeling ko, andun lang talaga siya para magbantay. Ikaw ba 'yung diwata ng Mt. Sembrano, bebe doggeh? :))) 

video


Lumapit kami dun sa unang sunog. Hindi malakas ang hangin kaya malakas din loob namin. Kailangan kasi talaga malusutan 'yun at hello, alam ng nanay ko na umakyat ako ng bundok pero hindi niya alam na Mt. Sembrano kaya kailangan ko mabuhay. Ajujuju.


'Yung sunog, patawid na nyan sa kabila kaya alam mo 'yun. Kailangan na kasi namin bumababa tas kapag hindi pa kami nakatakas dyan, pakiramdam namin mas malaking problema kaya huhuhuhu adrenaline rush talaga, mga bes. Tumakbo kami sa gitna niyan. Keri ko pala maging sprinter as in. Ang naalala ko na lang, nag-ipon ako ng lakas ng loob tas tumakbo ako sa pagitan ng dalawang malaking apoy at sumigaw ng sumigaw pagkalagpas ko. Saka na lang namin naisip na dapat ata ni-video namin 'yung once in a lifetime experience na 'yon. ahahaha. Basta, 'yun pala 'yung adrenaline rush. 



Nakadaan kami dun sa apoy na mataas kaya dito kami muna nag-stay sa nasunog na na part tapos saka naghanap ng daan. 


Alam mo 'yung pakiramdam na wildfire siya na hindi? Ang init kasi talaga nung araw na 'yun kaya medyo understandable na nasunog pero kasi, di maiwasan na maisip na ginawa lang ng tao 'yung sunog. Akala siguro walang tao sa bundok nung araw na 'yon. 

Naka-dalawang buko ako pagbaba namin dun sa nagbebenta kasi grabe talaga, nakalagpas kami sa 10/9 na trail. Dangers ng pagbubundok. May we always be safe in this hobby of ours. 


I survived! And I will still survive my next mountains.... wala pang schedule ng next kong akyat lalo puro beach kasi napuntahan ko these past weeks.


but if I were to choose, I'd rather be hiking.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines