ABOUT

Hello!


Brainchild ng isang babaeng walang magawa noong New Year's Day ng 2012 ang blog na 'to. Nagustuhan kaya kahit 2017 na e tuloy tuloy pa rin. Ayan na nga't bumili pa ng sariling domain. 


Ako nga pala si Tin, 20-something, at ito ang lifestyle blog/online diary ko.



Bakit CelebraTINg ExisTENce?
araw-araw | tous les jours | everyday


Thank you for that wonderful question. hihi. 


Pinalitan ko lang 'yan noong November 2015 dahil kumuha ako ng custom domain. Akalain mo 'yon na kahit nagsimula 'to dahil trip ko lang ay naging paraan ang pagb-blog para lalo ko pang ma-appreciate lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay ko. Kaya ito na 'yung main purpose nito, patuloy na i-update ito at ikwento ang ilan sa mga naranasan ko bilang paraan ng pag alala. Pangalawa na lang dyan 'yung nakakatulong din 'to sa mga taong naghahanap ng mga impormasyon patungkol sa iba't ibang bagay na nailagay/naisulat ko na rito. 

Nakakatuwa lang na kahit pilit ay sumakto sa'kin lalo na 'yung title na may TIN at TEN kaya naka-capital letters. TIN kasi pangalan ko, TEN kasi on a scale of one to ten e sinusubukan kong laging maging nasa ten ang gratefulness meter ko araw-araw. 



B.A.K.I.T??????

Ha? Bakit nga ba? 

1.) Mahilig akong kumain.
2.) Mahilig akong gumala
3.) Mahilig akong kumuha ng mga litrato
4.) Mahilig ako mag-inarte. Haha!


May katanungan, may gustong sabihin, o kung ano pa man. Send mo lang ako ng message sa contact me page o comment ka dito. 

Maraming Salamat! :D



Blessed and Highly Favored 2016! :)
Dear 2017, Let Me Fall In Love Once More




Sabi nga ni Bro. Bo Sanchez...




May our dreams come true,


Tin<3

7 comments:

  1. Hi, I'm Jenny!

    I'm happy to find your blog. Napansin ko agad kasi ang "Tous les jours" ay isang name ng bakery sa Korea. hehehe.

    I like blog like yours kasi very natural at realistic. Tungkol talaga sya sa mga bagay na gusto mo or may kinalaman syao. Unlike ng ibang mga personal blog na nagpopost for the sake na may maipost lang. So, I'm looking forward of reading more posts from you^^*
    Keep blogging and God bless!

    ReplyDelete
  2. Hello, Jenny! :)

    Oo nga eh, sumakto pa sa bakery na 'yan tapos napapadalas pa na puro tungkol sa Korea 'yung nasusulat ko. Hehe.


    Minsan nga nakakailang kasi karamihan ng blogs na nababasa ko, ang galing ng pagkakasulat samantalang sa'kin, parang nakikipag-usap lang. hehehe. Pero since ang purpose naman nito ay para mag-share ako ng walang pressure at natural lang, hindi ko na pinapansin 'yun. Post lang ako ng post. Salamat! Ang sweet. hehehe! :))

    ReplyDelete
  3. Hi Tin,

    Ganito yung mga blogs na gusto ko basahin. Natural lang. Madaling intindihan. Kwentuhan lang ang dating.Random pero informative. I find a lot of common denominators in us.

    Keep blogging and God bless!

    :)

    ReplyDelete
  4. Grabe. :> Thank you! God bless you too.

    ReplyDelete
  5. Sakto at nahanap ko tong blog mo kasi nagbabalak ako magbakasyon sa Pilipinas...soon (after 10 yrs dito sa US)!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Kat! Good to know na magbabakasyon ka, more patience lang lalo sa traffic congestions. hehe! Sana nakatulong kung ano man meron dito. :)

      Delete
  6. Very nice and sweet! God bless Tin. You're showing a lighter mood of life here....masaya lang.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines