Halalan '13

Prove us wrong. Please lang.

'Yung panahon natin ngayon, kakaiba na eh. Imbis na maginhawaan ka pagkatapos mong maligo, lalo kang mapapawisan. Anyway, kaunting kwento mula sa eleksyon na naganap kahapon bilang kawawa naman 'tong blog na 'to, hindi na naa-update dahil sa pagtitipid ng may-ari at medyo diet daw siya (Joke. Pera, lapit ka nga!!!)


Nag-edit nga ko ng picture na umaapoy na 'yang upuan na 'yan sa sobrang init ng kwarto. haha. Apoy mula sa init ng kwarto at sa init ng ulo ng iilang taong nasa loob nito... sana sa init ng damdaming naghahangad ng pagbabago na lang.

Walang electric fan dun sa presintong pinag-botohan ko at mahigit isang oras lang naman akong naghintay, malala pa dyan nagkakainitan na ng ulo 'yung ibang tao.


...

Masasabi ko lang, hindi ako masaya sa naging resulta nung eleksyon. Ayoko sa karamihan ng mga nahalal pero anong magagawa ko naman, di ba? Kundi umasa na sana, sana, sana, sana, sana prove us wrong!



I write better in Filipino than in English but in this blog, I really find it hard to express myself in pure Filipino. Why is that?

You Might Also Like

0 comments