Hi, December!!

4 days late ako agad! December 4 ko na 'to sinusulat.
Ang bilis bilis lang ng panahon. 12/12 na.

Nabigla ako recently at dami yata ng gastos ko at marami pa kong gagastusin kaya pera-pera na naman ako ngayon.


Ang December ay buwan ng gastos kaso hindi ko na talaga alam kung san ako pupulutin. Una, nagastos ko na halos 'yung savings ko at medyo marami pa ko dapat bilhin/gastusin kaya good luck sa'kin. Ang alat pa naman ng Christmas Parties ngayon dahil kay Yolandi. Tsktsk. Alam ko naman na I can make ends meet pero hahahaha OMG. Di ko talaga alam kung paano.

3 things:

1. For some reasons, 'yung kawalan ng pera can be better kasi may problema ka't gustong makuha. Tipong hindi lahat ng kailangan mo e within your reach kaya may challenge.

2. Pero hindi rin pwedeng all the time e parati kang walang pera o kulang ang pera. Dapat money cycle lang siguro, meron tas mawawalan o tipid tas parating meron pero tipid. HINDI KO RIN ALAM. HAHAHA. Nababaliw lang. 

3. Na-realize ko lang na kahit mahal ay pwede naman palang mapag-ipunan tas alam mo 'yun, pag nakita mo na 'yung bagay na gusto mo, iba 'yung pakiramdam eh lalo pag alam mong pinaghirapan mo rin naman 'yun kahit papaano. 



Dahil dyan, kulang na ata talaga pera ko kaya kailangan na magtipid. Gusto ko sana sabihin na gagawin kong agresibong pagtitipid pero dahil December ngayon ay medyo asa pa maging no spending month 'to pero 'yun nga, kailangan ko na talaga mag-save for something. hihihihi. 


ISA PA:

Kung meron kayong alam na MASARAP O MASAYANG kainan na MURA kahit medyo malayo sa Quezon City, sabihin niyo please. Gusto ko magtipid pero mukhang mahirap iwan ang pagfu-food trip. :))))

You Might Also Like

0 comments