2015 Financial Resolution (PART 1)

I know what you're thinking! 

"Weh, di nga? Sinabi mo na 'yan nung May eh at iba pang mga araw bukod dun."

HAHAHA! IKR! That's also what I am thinking of eh, sabi ng sabi ako tapos hindi naman tinutupad, 'di ba? 

Alam mo na kapag New Year, lahat ng inspirasyon andyan, lahat ng resolutions andyan pero pagkatapos ng taon? Anyare? Panahon na naman para ulitin lahat ng sinabi ko last year. 

Medyo desperate times call for desperate measures kaya may kailangan tayong gawin!!! Shhh, hindi tayo magiging drug lords at snatchers ah. Aayusin lang natin ng kaunti ang habits na meron tayo. :))

ITO NA! Magsimula tayo ulit. Walang lokohan. Walang sukuan. For realz. 

PART 1: Sagutin ang tanong, "Saan nga ba napupunta ang pera ko?"
Paano nga ba sasagutin ang tanong na 'yan? Kuha ka ng notebook, mag-download ka ng application sa phone o kaya sa MS Excel na lang. Ilagay mo lang dun lahat ng ginastos mo. As in, lahat talaga. Bumili ka ng candy? Nagbigay ka sa pulubi? Kahit sa kadulu-duluhang .25, lagay mo. 

Pag nagkaroon ka na ng record, makikita mo na lahat ng mga pinagka-gastusan mo at makikita mo kung san ka pwede magbawas o kung ano 'yung mga hindi kailangan. Actually masakit 'to i-take note kasi andun 'yun guilt lalo na pag di mo napigilan sarili mo tapos may binili ka pero at that time kasi, nagi-ipon ako pang Malaysia namin kaya nakatiis ako pero pagkatapos ng May, goodbye na rin kami ng expenses notebook ko. 

Ay. Nung isang gabi, hinanap ko 'yung notebook na pinagsulatan ko dati tapos, ayun nga, mula noon hanggang ngayon, PAGKAIN talaga 'yung madalas na pwede naman hindi bilhin o pwede naman hindi ganun kagastos.

'Yung taong nagch-check nun, (Opo, may taga-check akong mabait at ma-tyagang tao! haha!) Madalas niyang sinusulat: "Stop eating!" "Stop buying (books etc.) for the meantime." HAHAHA. Okay fine, di ako ready sabihin lahat ng mga naka-note dun pero 'yan, malaki gastos ko for food saka wag mo lang talaga ko dadalhin sa bookstore (o kahit saang lugar naman) na dala ko 'yung credit card kong matagal pa ang due date. Ubusan te.


But you know what to redeem myself, I think I did a better job last year in managing my money because even if I wasn't able to save a lot for my savings, I was able to save for my trips

To my defense, it really isn't easy to change one's habit especially when temptations are everywhere but we can always start anew, right? Hopefully this isn't just because of the motivation New Year's Day gave me. Kailangan everyday hanggang forever na! Sana kahit kami lang ng frugal na ako e may forever. HAHAHA. Hugot pa more.

MAHIRAP TALAGA 'TO SAKA MA-TRABAHO KASO KUNG GUSTO NATIN NG CHANGE, PAGTIISAN NATIN. SANA MAGAWA KO NA BUONG TAON. :( 


P.S. Mej matagal kong pinag-isipan kung dapat pa ba 'tong i-post o sarilinin ko na lang, pero sige, post na. Ginusto ko 'to eh. WAHAHAHA. :D

You Might Also Like

0 comments