wer2nxt?
Hopefully by October I get to post our 4 Days and 3 Nights Palawan Itinerary because as much as I want to continue my Palawan series, these days are so hectic that I'd rather post things like this. Alam mo 'yun, kwento at reflect ng konti. Hehehe! Mamahalin este babasahin mo pa rin naman (ako) kahit ganito lang ilalagay ko, diba? :))))))
Nung isang araw, nagmamadali akong umalis ng bahay. Kaya ang ginawa ko, nilagay ko na lang lahat ng tingin kong kakailanganin ko tapos habang tumatagal, parang unnecessary 'yung bigat. As in super bigat niya for a day na parang wala naman ako masyadong dala. Tinignan ko 'yung gamit ko tapos ayun, nakita kong may mga gamit dun na hindi ko naman kailangan para sa araw na 'yon pero dahil hindi ko nga tinignan, hindi ko natanggal bago ko umalis. Minsan ganun rin tayo, noh? Sa sobrang busy at sa sobrang dami nating ginagawa, hindi natin napapansin na ang bigat na pala hanggang sa mapagod ka na lang at saka mo maiisip na mag look back sa buhay mo (ang drama ba?) pero ang malala dun, minsan hindi rin natin masagot agad pag nagtanong tayo sa sarili natin kung, "Ano kaya 'yung mabigat? o Ano kaya 'yung nagpabigat?" Bakit kaya? Kasi nasanay tayo. Sana lagi tayong may oras o sana lagi natin bigyan ng oras na tignan 'yung mga buhay natin baka kasi nagtitiis tayo sa bigat e hindi naman na pala kailangan. Sana magkaroon din ng lakas ng loob na iwanan at/o bitawan 'yung mga bagay (o tao) na nandyan pero hindi naman pala dapat o hindi naman na dapat. Sana meron tayo ng kakayanan na ihiwalay 'yung mga importante sa mga hindi kailangan para 'yung mga hindi kailangan e unti-unti ng matanggal sa sistema. Sa madaling salita, Lord, give me the wisdom to know when, what, and who to let go and the courage to accept the life without those things (or persons). HAHAHAHA. Ambot. Just so may relevance 'yung picture, I haven' t been going on an adventure for the past two months (more than na nga) so it's a throwback picture (nakakamiss!) while we were waiting at Pudu Sentral in Malaysia (all travel posts link: here.) I really hope that I can go somewhere new or old (Sige na, Cordillera Administrative Region Area! Papuntahin niyo na ko dyan.) before 2015 ends, I don't have an idea and I have no plans yet on where to go next. Alam mo 'yun, gusto ko pero hindi ko alam kung paano at kung saan. Kaso hindi ko na muna pangungunahan ang tadhana kaya ayaw ko na mag-plano. Hahaha kasi naman!! Universe, anywhere but here. Hahaha! Hintay na lang ako. So, where to next??? Haaaay! Next plsssss! Mga October, pwede na sana. Hahaha! |
![]() |
HAAAAAY NAKAKALOKA KANINA KAYA AKO NAG-POST DITO EH. NAKAKALOKA. Nasa jeep ako papunta sa kung saan pero ang sasabihin ko lang e dahil may bibilhin ako sa National Bookstore (KAYA KO SININGIT KASI NAKA SALE PALA SILA NGAYON KAYA HINDI KO ALAM KUNG NBS BA ANG MAS NAKAKALOKA O ANG NANGYARI SA'KIN.) Hindi na ko nagi-earphones sa byahe pag nagco-commute lang ako kasi nga medyo unaware ka sa surroundings mo pag naka-earphones ka pero wala naman kinalaman 'yan, gusto ko lang sabihin. Kanina, may lalake na umupo sa harap ko sa jeep tapos naapakan ako kaya inurong ko 'yung paa ko. Hindi ko naman 'yun napansin kaso nang may umupo sa tabi niya, nagulat na lang ako nakahawak na siya sa tuhod ko buti na lang na hindi ako naka-shorts. Parang aksidenteng natulak 'yung itsura niya. Ano siya sinu-swerte. Inalis ko agad. Tinignan ko siya. Ito 'yung mahirap sa ganitong sitwasyon e, hindi mo rin kasi alam kung ano pinakamagandang gagawin. Tsk. Pero akala mo 'yun na 'yon? Hindi pa. Nung may nagpa-bayad aba, sa'kin pa inabot. To think na abot naman na niya sa driver pero sa'kin pa rin niya binigay, as in hindi lang bigay ah. Talagang nilagay niya sa kamay ko sabay hawak sa braso. ANAK NG! Pero 'yun nga, kahit galit na ko, kalmado lang. Baka mamaya sira ulo pala 'yun o naka-drugs eh. Mahirap na. Tinulak ko lang 'yung kamay sabay sabi ng ano ba! Pero akala mo 'yun na talaga 'yon? Hindi pa. Aba ang makapal ang mukha, tumabi pa sa'kin, buti na lang 'yung mga katabi ko e nakatunog na rin kaya kahit masiksik sila, umusod pa rin sila para lang makaurong ako palayo dun sa bwisit na lalake. E hindi ko na mahintay kahit ang lapit ko na sana. Kailangan ko na talaga bumaba kasi ayoko na malaman kung ano pa mangyayari dun. Baka kasi hindi lang siya manyakis, baka baliw o magnanakaw pa 'yon. Kaso, nakakatakot din kasi 'yung dinadaanan namin wala pang commercial establishments buti na lang may pumara sa BDO. Kahit wala kong balak mag-banko e bumaba na rin ako kasi may guard dun. Hahahahaha. Takbo agad ko papasok eh. 'Yung pera ko na pambili, dineposit ko kaya ang ending e nag-credit card ako kanina kaya nakakaloka si NBS kasi hindi ko napigilan ang temptations of purchasing new books. Ajuju. Ayoko na isipin kung ano siya, kung ano trip niya o kung may kasabwat ba siya sa jeep pero buti na lang, buti na lang talaga safe ako kahit hindi 'yung budget ko kasi isa lang sana pero may inuwi akong apat na bagong libro mula sa National Bookstore ngayong araw. Hahaha! Impulse buying ulit. Helloooooo nastress ako! hahahaha. Excused. |
Last Sunday pahinga ko sana (or hindi pa rin talaga inisip ko lang), I attended a seminar about basic bread making in Tomas Morato area. We were taught by a master baker, I learned a lot even if it was just one day at ang dami kong nauwing breads!! If you're interested in joining, leave your contact details in my contact me page and I'll keep you posted if there are going to be next schedules. Sa susunod ata e cookies, cakes, cupcakes, at brownies na kaya mas exciting hehe. Learning never stops tayo. May bagong potential source of income na nga, may certificate pa, at higit sa lahat may pagkakataon pang magkita tayo. hahahaha. Edi wow, noh?
God bless.
Ingat at malayo sana tayo sa mga masasamang loob.
Less than 100 days before Christmas na hihihi kahit di ko ramdam hihihi <3
0 comments