Uy, Ano ba 'yung Uber?
Pagkain ba 'yon??? Pag pagkain ako agad tatanungin mo, ganern? Huwawww! Wait, te? Nakatira ka ba sa ilalim ng bato? Bakit di ka informed?! Haha. Lakas maka-Aldub reference eh. :)))
Joke. Buti nga't natanong mo. Hihi. May promo code kasi ako para sa'yo kung first time mong susubukan: cristinag914ue.
Joke. Buti nga't natanong mo. Hihi. May promo code kasi ako para sa'yo kung first time mong susubukan: cristinag914ue.
Ano na nga? Ano ba 'yung Uber?
Through Uber app, makakapagpa-book ka ng ride mo (parang taxi) tapos ang pagbabayad ay sa cards pero sana sa susunod e pwede rin magbayad through Paypal o kahit anong cashless mode of payment.
Through Uber app, makakapagpa-book ka ng ride mo (parang taxi) tapos ang pagbabayad ay sa cards pero sana sa susunod e pwede rin magbayad through Paypal o kahit anong cashless mode of payment.
Note: Hindi ko nilalahat ang mga taxi drivers kaso alam naman natin kung ano 'yung mga madalas na maging problema sa ilan sakanila. Kaya okay na rin talaga may ganito para mas marami tayong choices. Hindi 'yung andun ka na, ire-reject ka pa. Huwag mo na ipagsiksikan ang sarili mo sa ayaw sa'yo kasi kung magtitingin ka lang ng options e may willing naman tumanggap sa'yo. (Edi wow! So may hugot pa talaga? hahaha!)
Bakit Uber?
1. Walang reklamo at walang pili.
Hindi naman maiiwasan na dumaan sa matraffic na lugar o malayo 'yung pupuntahan pero madalas talaga e may mga ayaw maghatid. Kaya Uber kasi sigurado ka na kung saan ka pupunta e maihahatid ka nang hindi nagpaparinig na ang layo masyado (basta Metro Manila lang ha) saka ang traffic. Sino ba naman gustong ma-traffic, 'di ba? Kung sakaling may problema ka sa driver regarding dito e pwede kang mag-send ng complain sakanila at mabilis naman daw ang action.
2. Cashless at saktong pamasahe lang masi-singil sa card.
Nung nagpunta kami sa Baguio, wala akong naging problema sa suklian kasi nagbibigay talaga sila kahit pa piso na lang naiwan kaya sabi ko sana ganito rin sa Manila. Kaya ayun, nung nagsimula na kong mag Uber e nakakatuwa kasi na-solve na 'yung issue ko sa mga sukli na hindi naibibigay dahil considered na 'yun as keep the change lagi. Tssss buti pa issue ko sa sukli, solved na eh. Toinks
Saka, pabor sa'kin bilang medyo maarte talaga ko pagdating sa mga ganito. Hello! May card collection nga 'ko, davuhh? Ang feeling. Kainis din minsan e. Hahaha! Nasabi ko na 'yung reason ko dati kung bakit mas okay para sa'kin ang cashless transactions nung ginawa ko 'yung review ko sa Visa Debit card ng Eastwest Bank. SaveSaveSave tag para sa card collection chenes! :)))
3. Safe.
Actually kanina ko lang din naisip 'tong part na 'to kasi selfish ako kaya safety ko lang iniisip ko. Lolz. Pero, sabi kasi nung driver ko kanina na maliban sa safety ng pasahero e safe din against sa mga masasamang loob pag Uber car ang dina-drive. Well, totoo nga naman kasi parehong nakapasok sa database 'yung information ng passenger at driver. Ewan ko na lang kung may mga modus operandi pa dyan.
4. Alam mo kung nasaan na 'yung susundo sa'yo.
Remember 'yung days na wala ka masakyan as in desperada levelzz na pero wala talagang dumadaan e? Sa Uber, sila na maghahanap ng susundo sa'yo. Hindi mo na kailangan maghanap o maghintay sa wala. Uyy, pakiulit pls. Kelangan ko 'yun ah. HINDI.MO.KAILANGAN.MAGHINTAY.SA.WALA. Hahaha. May pinagdadaanan ba ko? Kanina pa ehhh. Teka, paano nakikita ang location? Gumagamit ng GPS tapos may update lagi kung ilang minuto ang byahe mula sa pinanggalingan niya saka sa pick up location mo.
Pag nagco-commute ako mag-isa, mas madalas akong mag-jeep (hello cost cutting! haha!) kesa sa taxi pero 'yun nga, para sa mga beses na kailangan kong sumakay ng taxi e mas pinipili ko na lang na magpa-book sa Uber kahit may mga additional steps pa na kailangan gawin kagaya na lang ng dapat may wifi o mobile data ka saka pagtawag o pagtext sa driver. Hindi ko naman considered na hassle 'to o inconvenience on my part 'to kasi sanay ako sa mga online online. Para sa'kin, convenient pa rin.
Haaaay. Gusto kong isipin na dahil nga kasi nagb-blog ako ng ilang taon na kaya naging usual na lang sa'kin mag-promote nang mag-promote kahit normal na usapan lang. Hahaha. Hindi ako ganito dati (Siguro kaka-raket na rin!) kaso ito na nga, promote promote din pag may time mag-post. Napapagod na sila makinig pag sinabi kong subukan eh kaya dito naman. hehehe.
Gusto mo rin? Ilagay mo lang 'yung cristinag914ue sa promo code pag magsa-sign up ka at libre ko na 'yung P 200.00 sa unang sakay mo. Salamat ng Uber dami! :))
uber witty ko plsssss. hehehe!
0 comments