image1 image2 image3

Anywhere she goes,| the world is on her side | INFINITELY GRATEFUL

On Boracay Closure

I still haven't posted my Boracay trip last year and here we are, trying to digest the news that it'll be closed for the next six months. 



As much as possible, I don't like putting anything that's related to politics in this blog but I can't just ignore some of the posts in Facebook that there are plans of putting a casino in Boracay. 



Hindi ko na alam nangyayari sa Pilipinas pero bakit ganun? Baka nga transition period 'to kaya masakit pero bakit pakiramdam ko, lalong pinapahirapan 'yung mahihirap? Bakit parang ang lala? Sana nga totoo na lahat ng 'to e para sa ikabubuti nating lahat at hindi lang para matugunan 'yung pagiging makasarili ng iba. 



Imagine, noh, 'yung buong anim na buwan na closure e ibig sabihin ay mawawalan sila ng trabaho doon. Wait, kailangan ba black and white? Wala bang gray areas dito? Hindi ba pwedeng ayusin kung anuman 'yun nang hindi totally tinatanggalan ng trabaho 'yung mga tao? Bakit kasi kailangan lagi tayong nasa extremes?

Kaso maiisip ko din 'yung mga ginagawa ng turista na pagkakalat sa ibang lugar... hindi ba ito 'yung result ng ilang taon na pag-abuso?



Hindi ako fan ng lugar na maraming tao pero binigyan ko ng pagkakataon 'yung Boracay. Okay naman. Hindi sobrang linis at crowded pero okay naman siya kasi natural naman na siyang maganda. Hindi na kailangan ng kung anu-ano kasi magsa-shine o nagsa-shine naman siya on its own. 



Hindi rin naman ako against casino kasi nagca-casino ako pero kung sakaling totoo 'yung balita na magtatayo ng casino doon - against ako. Ibang usapan na 'yon. Kailangan ba?! Kailangan pa bang dagdagan ng casino kung maganda naman 'yung lugar? Haaaaaaay buhaaaaay. Sa pagkakaalam ko kasi, nilalagyan lang ng casino kung walang ibang pwedeng pagkuhanan ng pera. Sa Vegas kasi, 'yung casino e nasa gitna talaga ng disyerto. Likewise sa Macau, wala ka naman ibang gagawin dun talaga kung hindi ka magsusugal. 



Praying that all of these confusions and pain will be stepping stones for a better Philippines. Nakakakaba. Nakakatakot isipin na bakit lalo tayong napapasama? Bakit parang lalo tayong naaapi? Bakit parang lalo tayong nahihirapan?


Mahal kita, Pilipinas kahit ang hirap hirap mo talagang mahalin...

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment