Dahil kung walang pandemic malamang...

By Tin Gallemaso - 5:34:00 PM

kahit biglaan nasa Baguio raw siguro kami
🥺 umiinom ng hot chocolate habang pinapanood ang sunrise tapos matutulog ulit 😆
😢 umiinom ng malamig na beer habang pinapanood ang sunset
😭 kumakain ng isaw habang nakaupo sa paligid ng Burnham Park

nagku-kwentuhan 
nagta-tawanan
nagla-lakad... ng magkahawak-kamay keshe melemeg. CHAROT! Ang harot. hahahaha. Miss na miss ko na Baguio. I swear. Miss ko na talaga gumala pala kahit saan. HUHUHUHU

Pero dahil nga bawal, bahay muna nila ulit. Balik don sa kwarto kung saan unang napatotohanan ang, "Susuka pero hindi susuko"
Hahahaha 'cause we are the kids your parents warned you about. Ganyang feels. Kala mo mga legit e, noh? Pa cool lang naman kapag may alak kasi anghel kami when sober. 😇 Hahaha

Miss ko na ba 'yung mga araw na alak na ata dumadaloy sa mga ugat ko? Hahaha. Joke lang sa alak, di naman ako sobrang lakas uminom pero nakakatuwa marinig na "Welcome ka naman lagi dito. Ikaw lang eh." nung bumalik ako doon.

Kaya ito na nga, COVID and re-connecting, diba? 

Ito ay hindi drama - hair update 'to na may kwento anyare sa'kin at kung paano nakakaapekto ang pag-inom ng alak sa mga desisyon ng tao. Hahahaha.  

CGM DIARY - Curly Girls Method
8 months into the method, finally cut all my rebonded hair ☑️☑️☑️


Sinabi ko lang naman 'to last year kasi nga, gusto ko mag CGM para matanggal na lahat ng rebonded hair ko sana pero hindi ko naman tinuloy kasi hello, siopao face. hahahaha. Laki na ng buhok, laki pa ng mukha kaya hindi ko na ni-risk. Naka-rebond pa kasi 'yan nung nagpa-short hair ako year 2018 kaya manipis tignan. 


Ito na so far my shortest hair since CGM kasi nga di ko malaman kung kailan kami magkasundo ng buhok ko... kaya mas mahaba dapat para pwedeng matali pag bad hair day. 


Ito na 'yung hair ko several days ago when I said that I will not cut it short. 😆 Seryoso, akala ko decided na ko na keep it that way na lang tapos pagupitan 'yung dulo pag long hair na ulit ako. Or so I thought decided na ko... 😆


2017 'yang may hawak ako na strawberry. Gusto ko sana ulit pahabain ng ganyan buhok ko pero sa lagay nitong buhok lagi napagt-tripan ko baka never na ko magka-long hair ulit. 😆😆😆

Hmmm... ang gulo ng utak lalo kung 'yung version 3 na sinasabi mo three years ago...  nasa harap mo pa rin naman three years later at pwede pa sana kung di ka lang sira ulo. See, with this mess, buhok lagi nasa-sakripisyo. Hahahaha

Soju at beer banlaw nung gabi sabayan mo ng gatong na "Beh, weakshit ka na uminom." Qiqil mo ko eh, sakit tuloy ng ulo ko pag gising. Hahaha. Kwentuhan hanggang madaling araw, tawa na may kasamang luha habang inaalala kung ano ba mga nangyari sa isang taon na hindi kami nagkita. May pa sound trip at kanta pa kahit parehong wala sa tono. Ito na nga sinasabi ko sa taong nakakita ng worst side eh, kahit ano ka, tanggap ka at no judgments kaya feeling niyo tuloy kahit walang kwentang frustrations o mga kwento sasabihin pa rin tas maiiyak na lang kayo bigla, ganon.

Haaaaay. Muntanga pa rin kami kahit ilang taon lumipas. At sa mga lilipas e ganito na yata talaga. Okay lang i-kwento na baliw kami pero kung makikita ng ibang tao siguro baka memetey kami sa kahihiyan. Hahaha! Mata ko parang namamaga pa nga, oh. 😆😆😆


Habang kumakain kami, may dumating na hairstylist at P 50.00 'yung gupit sa lalake at babae tapos guess what? Edi nag pagupit din ako. Wala lang. Natripan. 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️ 
Masamang combination ang alak, hangover, topak, hairstylist pala, noh? Buti nga di rin ako nagpa-undercut. HAHAHAHAH! Mag tiis ako sa siopao face for the meantime. Di naman sa lumiit mukha ko ever. Mukha kasi akong si Cruella ngayon. Hahaha

Pros: naubos na rebonded hair, mas matipid sa conditioner, 50.00 haircut compared sa 250.00 sa salon, higit sa lahat mukha raw akong 10 years younger. 🥰 Kapal ng mukha?! HAHAHA!

Cons: gano katagal na naman 'yan bago humaba?, Hindi ko napa-layer kaya ang buhaghag niya minsan (talaga kahit second day pa lang ngayon?? HAHAHA) For sure, ipapaayos ko ulit 'yung layer niya kaya isa pang haircut. Hahaha


Bawal na spur of the moment trips, di naman sinabing bawal na spur of the moment haircut kaya hair adventures muna. HAHAHAHAHA. Sarreh na. Medyo big deal 'tong hair journey bilang di ko na maalala 'yung natural hair ko dahil sa annual rebond dati kaya natutuwa ako ma-rediscover at matutunan mahalin 'yung natural. 😍😍😍


GGSS GANON?! hahahahahahaha

Grabe, di ba pwedeng natuwa lang sa filters especially kina tintin party girl and tintin tarot reader. 😂 Top row, 'yung dalawang nasa gitna 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️😂

  • Share:

You Might Also Like

0 comments