South Korea: The Things I Miss About You

By Tin Gallemaso - 1:00:00 PM

I may feel a bit lost at the moment but my heart has always been full of gratitude for the little things, big things, and everything in between. ðŸĨ°


Indeed a life full of good crazies.
I've gone places and I'll go places. HEHEHE! Nasa genes ko 'yung wanderlust. Diba, proven ng science 'yon? DRD4-7R aka wanderlust genes. Uyyy, nakahanap ako ng excuse. ✌✌

These are photos from my Winter Trip 2020.

“As you walk and eat and travel, be where you are. Otherwise you will miss most of your life.” -Buddha


BE.WHERE.YOU.ARE.
Kaya nga po, Buddha. Hahahaha. Feel na feel ko naman 'tong phase na 'to kasi mga tao sa paligid - aya ng aya ng South Korea kapag okay na raw 'yung mundo. Ayan kasi puro Kdrama inatupag ngayong quarantine, gusto na tuloy magpunta kung kelan alanganin. Haaaaaaay! Pero ano gagawin ko? Kung kagaya ng Baguio, miss na miss ko na rin at hindi ko naman itatanggi na gusto ko bumalik?

O edi sige, book that flight and I'll be your guide! HAHAHA medyo rhyming 'yan ah. 


Sobrang swerte ko pala dati na nasa SK pa lang ako, meron na kong roundtrip ticket para sa next trip. 'Yung kahit meron akong malimutan e hindi bale kasi siguradong may next time pa naman. Haaaaaaaaaaay. Ngayon tuloy ang mahal nung nabili kong Laneige Lip Sleeping Mask dito kasi iniisip ko dati may byahe pa ko ulit ng May at September kaya di muna ko bumili nung January. HAHAHA

If this life doesn't go back to how it was, I'm just thankful I had these experiences to look back to. I want to write about other places that I have gone to for a change but my mind keeps wandering back to my comfort places - Baguio and South Korea.

South Korea is another kind of comfort place for me though 'cause for the past three years, going there kinda meant that my life was on track and there was progress of some sort. It's not entirely because I wanted to go to the shooting location of the Kdramas that I've seen - South Korea, Busan to be specific is a place I consider home. 


I bought this coat with fur hood from a nearby ukay-ukay and I had high hopes for this. Gusto ko 'yung tatlong winter ako nasa Korea pero tiniis ko na huwag bumili ng mga makakapal na coats kahit na sobrang lamig tapos nung bumili na ko, hello COVID! HAHAHA! JK. That time, I was talking with two friends and we were planning winter trips to Saint Petersburg, Russia (Ber months) and/or Canberra, Australia (July) next year. I thought that I'd be using this for two more countries. And yep, 2020's surprise? Lahat nawala. HAHAHAHAHA! Di bale, sa Iceland ko na lang gagamitin. Inom daw kami ng golden water doon - Through Night and Day. 🙌

"Be kinder to yourself, girl. Adapting to new way of living takes time."
 YES. Hindi talaga madaling mag move on sa lumang buhay lalo na kung walang sigurado sa bagong buhay kaya iniintindi ko na lang mga relapse moments ko rin.


Kita mo, mukhang strawberry (at kamote)? 
Winter trip in Korea = STRAWBERRIES!

Where we live in Seoul during winter, the free jam for breakfast has always been strawberry. But I still buy bottles of strawberry milk and fresh strawberries. 

Strawberry Farms:
La Trinidad, Baguio


Puro pagkain lang ata nami-miss ko sa Korea eh. :)))

What is winter without ice cream? HAHAHA! 
I'm really tipid when I travel but food has always been a different case. I make sure that I have extra funds that I can spend if I see something that I want to eat aside from breakfast, lunch, and dinner. Godiva stores seem to whisper something in me that I buy their ice cream whenever I see a store regardless of the weather. Yep, even if I'm already shivering because of the weather.



The only person that I am fangirling over since 2017 is Park Seo Joon but I have been very supportive with my friends and their fangirling goals especially if they aren't able to go to South Korea yet. 

Seoul, South Korea 2019: Always with Lee Min Ho

Above is a love letter that I wrote and personally handed out to EXO's Suho. Wala nga kong matinong papel, pinunit ko lang 'yan sa plane itinerary na ni-print ko. HAHAHAHAHA! I have several EXO-L friends in Facebook - ang mga taga-SANA ALL ng buhay ko kapag may ginagawa ako for them as a fangirl kaya para sakanila lahat ng 'to. I mean, nakakakilig kasi si Junmyeon 'yon eh at kinabahan din na baka hindi niya tanggapin 'yung love letter pero tinanggap niya. SMALL WINS! HAHA! Kaso iba talaga 'yung kilig kapag gusto mo 'yung tao eh. Hindi ko ma-imagine kung anong gagawin ko kapag si Seo Joon ang aabutan ko ng love letter.

Last two lines sa letter sa taas ay, "Let's love for a long time! Let's be happy for a long time!"


Hi to my bb since 2017! Ikaw lang sapat na kasi tamad na ko maghanap ng bago, Seo Joon! HAHAHA

Hinanahanap siya lagi ng mata ko kahit saan. I swear. Tapos kailangan ko picturan 'yung picture niya. Diba? Ang lala. hahaha!



PSJ'S SHOOTING LOCATIONS:


"My heart is at ease knowing that what is meant for me will never miss me, and that which misses me was never meant for me. - Imam al-Shafi'i"

Ito na lang pinanghahawakan ko. Hehehe! Dahil wala naman magawa kundi maki-sunod sa takbo ng panahon. :))) Do what I think is best for me na lang talaga at this point. Lahat naman ng para sa'kin, andyan na 'yan. hahaha! May pangalan ko na. 14. 4-1010. Claiming!!!


My favorite matcha/green tea shop in South Korea! Dahil sa matcha, forever matchaya! HEHEHE

Pangarap ko pa rin magpunta ng Jeju Island para sa Osulloc at Innisfree. Isa pa 'to. Konti lang binili ko kasi I was saving money for a matcha shopping spree that I was thinking of doing had our Tokyo, Japan trip pushed through. Pero kulang 'to ah, kasi 'yung binili ko talaga niyan ay tatlong lalagyan ng matcha powder na dinagdagan ko na lang nung nasa counter na. HAHAHA! Buong ECQ tuloy akong walang matcha kasi hindi na 'to umabot ng March. Buti na lang, may nagbigay sa'kin nung nag GCQ na. 


I've always loved sweet potato! Kamoteng orange forever din kami niyan. 

Remember those Kdrama scenes where the leads eat roasted sweet potato? I've been wanting to recreate that scene then one time, we passed by a convenience store selling one. Pinakamahal na kamote na nakain ko pero pinakamasarap!! Then, when I posted this in my IG story, a friend sent me a message that sweet potato in Japan tastes delicious as well. Haaay. Wag na ko mag banggit ng Japan kasi. Mesheket. HAHA!


We always go back to this poja/ 폎ėžĨ마ė°Ļ in Myeongdong whenever we're in Seoul kasi alam mo na, hinahanap ng katawan 'yung soju. But this is a good place for oppa sightseeing (HAHAHA! MGA GAWAIN) as well though you'd find drunk people more interesting to look at as the night deepens. 

Pero matino pa 'to sa Seoul, whenever I am in Busan, we drink soju while walking around and while lounging at the beach. Link: Haeundae Beach at Night 

We also transfer soju into bottles of water for those nights whenever we bar hop at Seomyeon. Shhh! Pinagbabawal na technique kasi mahal 'yung soju sa bar kaya sa grocery na kami bumibili bago mag parteh parteh at para may naka-reserve na bote lagi sa ref. Kala mo mga healthy kasi nag baon ng bottled water eh, 'yon pala puro soju laman! HAHAHA!


I have a video where we jaywalked in this area because we were drunk while walking home. May pedestrian crossing doon pero dahil maangas nga kami, sa gitna kami dumaan at hindi sa tamang tawiran. Yan. Yan. Inom pa. The next day when we were sober and played the video, the only thing we told ourselves, "Shet, buti di tayo nahuli." Sobrang lapit lang nito sa Seoul Police Station.



Above all, I miss looking fresh. 'Yung maglalakad ng malayo pero di ka pinapawisan. Tapos kaya ka lang nag mukhang haggard kasi nag luto ka sa eat-all-you-can samgyupsal pero paglabas mo ng resto, fresh ka na ulet? HAHAHA! Amoy samgyup ka nga lang pero fresh naman. 😆



My skin is textured with flare-ups when it's the time of the month - visible pores and oily T-zone, several acne scars lalo na ngayon gawa ng face mask, facial hair, etc. Textured skin is normal pero sige, mas maayos naman ata tignan... kasi may auto-blur 'yung camera. Hahahaha! 

But for the skincare routine:
cleanser - dove bar
moisturizer
sunscreen

E.V.E.R.Y.D.A.Y

Malakas lang maka-fresh ng winter. When I flew back home, it was soooooooooooo hot and humid and everyday I was feeling ugly? Ganon talaga feeling kapag galing na sa malamig tapos biglang init. Feeling maarte. Ay, maarte pala talaga hindi lang feeling.😆 Kung GGSS man, sorry na agad. Pero kasi, kung walang ibang naniniwala, maniwala ka na lang at sabihin mo na lang sa sarili mo. HAHAHA!

 Anyway, I met up with a friend e syempre, nag jeep ako at tanghali kami nagkita kaya pawis na ako nung dumating ako sa meeting place tas kinilig ako bigla pagkauwi. HIHIHI kasi ni-message niya ko nitong screenshot sa taas. HIHIHI. Ramdam mo 'yung kilig ko? HIHIHIHI. 😍😍😍

Muntanga, noh? Hindi naman sa kailangan ko ng validation galing sa ibang tao kasi kaya ko naman kausapin sarili ko para sa validation na kailangan ko marinig. HAHAHAHA! Pero nakakakilig. Sabi ni Dale Carnegie, "Be hearty in your approbation and lavish in your praise." Hindi sa plastic ka pero dahil sa totoong nakikita mo naman 'yung positive points don sa tao. Hindi rin 'yung flattering na sasabihin mo lang kasi gusto niya marinig, taos-puso dapat. 


Grabe naman, 2020. 
Bakit lalo ata akong naligaw? AHAHAHA!

This is correct 'cause I thought that I'll be accomplishing more and going to more places this year but I really "Found my place in the world." huhuhuhu sarili ko lang pala 'yon. Grateful that I found a home and an adventure... in me. CHAR! HAHAHA! Pero iba kasi 'yung naturo sa'kin the past five months na nasa pandemic tayo. Baka 'yon talaga ang kailangan matutunan - Growth, Redirection, at Appreciation.

Do not look for a sanctuary in anyone except your self. 
You, yourself, as much as anybody in the entire universe, deserve your love and affection.
Buddha


Because we're all for the torture, we watched "That Thing Called Tadhana" for the nth time and while we were searching for the quote of Ninong Fitzgerald - we stumbled upon this instead. Wala lang. Sana kami rin.


PS. I'm really thankful to everyone who reads my post. Nakakatuwa kasi everytime may bago na naka-publish, mataas 'yung reach kaya nahihiya ako ng slight kasi sobrang personal at ang haba ng mga 'to. Alam kong wala naman kayong pakialam sa sinasabi ko pero binabasa niyo pala talaga???

Dahil dyan,

Virtual huuuuuuuuug, my loves! 😍 SALAMAT NG MARAMI SA PAGTYA-TYAGA MAGBASA NG MUSINGS AT MGA KWENTO KO. BFFs na tayo kahit one-sided ang communication at hindi naman kita kilala. Pero pwede naman mag-iwan don sa Contact Me Form kung gusto mo rin ako kwentuhan. HAHAHA!


We deserve to happy.
We deserve to know our worth.
We deserve to experience loving ourselves... more and more each day. :)

  • Share:

You Might Also Like

0 comments