Mid-December Notes

By Tin Gallemaso - 9:00:00 AM


Beautiful sunsets need cloudy skies. ⛅

I see this photo and buti pinagupitan ko (more info below), backside is definitely a lot better after the haircut. ♥️ Bihira ako magpicture ng likod since ang tagal maka-recover pero okay na ngayon most of the times. 

***

I used to do this monthly posts until I stopped in 2016. I'm obviously doing it again. This is my third consecutive mid-month notes. I lost sense of time/dates that sometimes, even those I did the other day are hard for me to remember. But it's not memory loss ah hahaha or it might be but I'm thinking it's because everyday feels repetitive and mundane again kaya di ko na inaalala. K. Di ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang. 


To begin, I just want to greet my love. Haha! Happy birthday, bb!!!! I love you since 2017!! 💖


Sa huling post ko, nasabi ko na nakahanap ako nitong Arizona Iced Tea sa Alimall.

Kapag naiinom ko 'to, naaalala ko 'yung panahon na iced tea ($1) na lang ata dumadaloy sa dugo ko kasi ayaw ko bumili ng tubig ($4). 🤷🏻‍♀️ Tapos magdadala ako ng malaking baso sa trabaho at nagu-uwi sa apartment para makabawi-bawi sa tubig at may pang-inom til next day. Minsan naman kapag morning shift ako, bumabalik ako ng may dalang baso para makahingi ng tubig. HAHAHA! Mukha lang sosyalerang OFW 'yon pala, walang pambili ng tubig. Uy pero nung una lang 'to, eventually nakabili naman ako ng mga bottled water ko. 

Pero ngayon, naaalala ko na rin 'yung nagpatukso ako dito sa sapatos kasi iniisip ko isuot sa Japan sana namin nung March. Hindi ko alam kung dapat pa kong mag-inarte o kung significant pa ba 'to na concern pero wala, mesheket lang isipin... 'yung ibalik ang Tokyo sa mga "someday" ko. Lamoyern. Hindi lang siguro talaga ko maka getover sa fact na isang araw na lang flight na namin before ECQ (COVID panic) at nakaayos na lahat ng dapat ayusin para sa 12 days in Japan. Ge ge. Looking forward! Mas maa-appreciate. ♥️ Pag maayos na ang mundo, pag makakapag shopping ako ng matcha, pag wala ng facemask at faceshield. 


This is not yet what I was referring to when I posted Cafe Agusta but grabe, to finally be able to go on a long drive again after staying at home/NCR for months. OMG. Namiss ko tumunganga sa kalsada. Also I don't know yet if I'll be able to go on another out-of-town trip this month 'cause it's kinda busy these days.


Mahigpit na yakap para sa'yo. 
Laban lang. 
Kaya mo 'yan. 
Kahit na.
Kahit pa. 
🤗🤗


This was my normal. Buying pasalubong for people during my travels. Natuwa lang ako na nakabili ako ulit nung nagpunta ako ng Bulacan.

Bulacan is famous for butcheron but I also got some fried oyster mushrooms para sa lahat ng iniwan ko sa bahay. 


First stop-over meal since March goes to Army Navy's burrito! Huhuhu. Nakakamiss din talaga kumain sa labas! What we've usually been doing if there's no option for an outdoor seating is to buy food and go back to the car to eat there. 🤣 But this is in a stop-over along NLEX so we thought to dine-in even if this is an air conditioned space. 


I'm not into expensive things - lalo sa damit e mas gusto ko tiangge pati ukay nga minsan, mahilig ako sa earrings pero hindi ako bumibili ng totoong gold and silver jewelries. Ibang usapan ang sneakers ah. HAHHAHAAH.

I remember one time, someone saw my necklace that I wear everyday and told me. "Nakakagala ka pero di ka makabili ng maayos na kwintas." LUH hahahaha. I never thought of this as not maayos 'cause baker's twine is perfect for me. I change the twine at least twice a month and this will last me years na for 60 pesos lang. Baka more than a lifetime supply na ng baker's twine 'yung gold o silver mo po. 🤣 Walang masama bumili ng totoong gold o branded stuff kung gusto at afford mo, it's just that hindi ko gusto para sa sarili ko dahil sa totoo lang, wala kong satisfaction na nakukuha sa pagsusuot ng mga mahal na gamit. Isa lang naiisip ko na kailangan totoong gold or silver pero sa akin na lang muna 'yon. 😅🙏 Igala ko na lang po muna 'yung pera. HAHAHA! This doesn't mean na hindi maayos 'yung suot ko dahil lang mas pinipili kong magsuot ng tela. Paka-judgmental ng ibang tao e noh?



12.12 expenses in a table. 
Right most column - sale price, left column beside that - regular price
MARUPOKKKKK! HAHAHAHAHA
 JOKE. THESE I CONSIDER ESSENTIALS. 

Needed to restock on all of these naman and I could buy them in their regular price but wouldn't, of course. Definitely not when I can get them on sale. 😂 I patiently waited for 12.12 to check these out of the cart in Lazada. Yes, ganon ka sa'kin kalakas, Lee Min Ho. Lahat ng ni-add to cart ay na checkout. 💁🏻‍♀️ I mean, obviously e hindi naman 'to naka-save talaga since gumastos pa rin ako but these are essentials so I'll treat the 1,234 PHP as savings. Pamapalubag-loob? 🤣 I'm thinking of posting my haul especially zenutrients since this is my first time to try the brand as low poo, co-wash, and leave on. 


One of the things that I was looking forward to this year is buying more shares of different companies. I bought additional stocks last January but because of the COVID situation, I wasn't able to buy more and even redeemed some from my short-term MF's. Thankfully walang nadamay sa longterm especially dahil naka-negative pa ang equities ngayon. 😅 Pero ayon, nabuhayan ako ng loob pagkakita ko sa dividend e-mail ng JFC this morning. Hindi 'to malaki pero worked great as a reminder na, "Ay, oo nga pala, meron pala ko nito."  hahahaha. I'm still on the process of rebuilding what I lost while hoping na I'd be able to afford investing again ASAP. ❤️ While on the process, I'm trying to learn more about the market and different investment opportunities/strategies through webinars, websites, and books. I need to rebalance my portfolio if I'll start this again. Kailangan pandemic-proof at mas bagay na sa risk profile ko kasi nag-iba. Medyo stressful that hindi pa ko nagbubukas ng port since March kasi feeling ko all red/duguan siya. HAHA! Anyway, marami pa kong pwedeng tipirin at ayusin sa buhay. Kakayanin. Hahaha!

 Finances and plans in shambles because of COVID? You're not alone. We're in this together. Naghanap ng kasama sa hirap e noh. Hahahaha. Sarreh na 

Meteor showers will always be magical. ☄️ 
I lost count on the meteor sightings but I wasn't able to take photos of any trail aside those from passing airplanes. 

Watched the meteor shower the other night. Inaaya ako actually mag out-of-town for this but my schedule didn't me allow me to so dito lang kami sa tabi-tabi. Somewhere dark ganon. The sky was clear when we started watching from 10 PM to around 3 AM. 'Yon na lang 'yung time na nag tagal ako sa labas ng madaling araw tapos ang lamig pa ng hangin. 😍 This is one of my favorite annual events - Geminids Meteor Shower. Hopefully by next year, mas maayos na ko kumuha ng pictures. 

CGM UPDATE:


One unsuspecting morning, I had my fifth haircut by night.

This was by MY hairstylist talaga. His first time seeing me since February and nagulat siya but tinanggap naman niya my choice to keep it natural. 


'Yung may hawak akong Arizona was my hair before my latest haircut and 'yung dalawang iba is my hair after. He told me that my other hairstyle, nasa baba lang 'yung curls kaya tinaasan niya 'yung layer para hindi concentrated sa dulo but sometimes kasi on a curly day, my hair shrinks kaya ang iski tignan. I don't know how he did it but he's good at his job so my hair looks better too. 


I'm always bringing this Busan Starbucks tumbler with me now 'cause being masked makes me thirsty fast. Walang sawa sa selfies ka, 'te? Nagi-intay ako nito sa labas ng bahay namin at you know the drill. Hahahaha! This was a day after my latest haircut. 


 Denden Development Snippets: 


I'm so proud of you, Denden! ❤️
One day orders niya lang 'to. Who would've thought? Edi sana Tintin's Baking Room, diba? 🤣 


At sa mga panahon na maski sarili mo ay hindi ka pa sigurado kung susugalan mo, makikita mo ang halaga ng tulak galing sa mga unang nagtiwala lalo ng nga walang tigil na nagtitiwala.

Tiwala sa'yo, sa kakayanan mo, at sa mga pangarap mo.
Pagtanggap at pag-intindi sa'yo, sa mga desisyon mo, at sa mga pangarap na pinili mong isantabi. 

Thank you. Thank You. Salamat kay Buddha o sa universe o kung kanino o saan man. 
Basta salamat
.


Ghorl 🤦🏻‍♀️😂 Buti na lang may libreng consultant and designer si Denden na may blind faith kay sa kanya. HAHAHA. Pusa ka. 💁🏻‍♀️ Hello, bhie. 🥰


My current frustration is cake making/designing. I am not creative and I believed that my hands aren't made for these. However, it's very frustrating that I want to keep on practicing 'cause people keep on ordering. Yes, not minding that how the cake will look like when done is obviously a big risk to take! Currently ah! Aayos naman sana! hahahahaha. Nag review ata ako ng gerunds at present continuous tense. 😂
Walang problema sa pagpapakinis ng frosting since kapatid ko gumagawa, sa sulat lang talaga!! 😡😤😒


Oh, diba? Maayos naman handwriting ko sa papel!! BAKIT HINDI KO MAGAWA SA CAKE?! 


Alam kong madalas akong magsabi ng "Bahala na" pero it has always been that way. Iba naman kasi 'yung bahala na pero meron kang ginagawa sa bahala na pero walang ginagawa. May plano, may gusto, may ginagawa, pero kung sakaling hindi maging pareho 'yung outcome na gusto ko sa mangyayari edi okay lang din kaya bahala na. Hehehe. 

Hindi lang talaga ko 'yung tipo ng tao naka step by step lahat ng proseso. Pakiramdam ko kung sa umpisa e kailangan ko na lahat malaman at puro ako plano, ang ending e wala kong magagawa lalo. Saka, ang dami kong paboritong kwento na produkto ng bawat bahala na. ❤️ Keri.

Pero seryoso, kesa sa taong madaming plano at madaming sinasabi pero walang ginagawa, tinutupad or delivery tapos anlakas mang-criticize.  Who would I rather be? 🤔💁🏻‍♀️ Who would you rather be? 🤔 Walang masama kung ang sagot sa bawat tanong ay, "hindi ko alam." "titignan ko pa." "bahala na." "susubukan." kung 'yun ang totoo rather than magmukhang confident sa mga pangako at i-sure ang isang bagay na wala naman talagang balak tuparin eventually. Hindi 'yan gagawin unless disappointing others is the goal diba? Hahaha. Sinong bang niloloko? 🤔 If being flakey is what someone desires to be then congrats and good job sa kanya kasi out of all the available options being a terrible person ang napili. 🥳🤩 Ano nga? Puro salita at sa una lang magaling? Ooops. 💁🏻‍♀️

I'll continue posting to track my progress since everything feels like I'm starting from scratch. And because the thought of having someone read this during a crucial time for her/him keeps me going. Malay ko, diba. Mga kabaliwan na ganito can give someone hope and light. I'll never know. 😍 

'Yung malaman mo kasing hindi ka nagi-isa, malaking bagay na 'yon eh. Hindi tayo magkakilala siguro but I'm with you. 

A lot of us don't have things figured out yet and it's okay. It's perfectly okay as long we're waking up everyday and doing the best with what we have. I don't wanna sound as if this is just some bullshit toxic positivity but I believe that things will eventually get better as long as we'll keep on trying. 

This is not what I was expecting at all when this year started but I'm loving this. I hope that I'm travelling a better path. A journey more favorable and more fulfilling than the one I previously led, even the one I wanted to lead but chose to set aside. 

Your plans are greater and more beautiful than mine. Bahala na. Bathala na. Thank You!

If this helps: Some of our best days haven't happened yet. We have lots of days to look forward to kahit ang sama at ang gulo ng mga araw ngayon. 


  • Share:

You Might Also Like

0 comments