Pa(w)ssion Project #3: Denden's Baking Room | Happy New Year!!

By Tin Gallemaso - 3:25:00 PM

Four months na si Dendennnnnnnnnnnnn!!!!
Akalain moooooooooooo. 

Ito 'yung di ko nailagay sa last post ko dahil tinamad na ko mag-crop. HAHA! As if you care, ni-paste ko ulit dito. 



While sightseeing the different casino hotels along Las Vegas Strip, we had a small talk with a stranger. I don't even remember what we talked about but one of the many things he said stuck to our minds, "What a pair of brave souls."

It was a quick chat. Obviously something insignificant on his part that I think it's funny how we've been letting his first impression define us until now. Anyway, I would like to think that we've gotten a lot braver since that day. 

That being called a brave soul is still appropriate today and for the rest of our lives. 

...

You will never be able to read this but thank you, stranger. We hope you're living life with a brave soul too. 

...

Words have power.
Words can paint reality. 

Whether you're blessing or cursing, encouraging or belittling, loving or hating, choose and use yours wisely.


My Pa(w)ssion Project #3
Denden's Baking Room
Est. September 2020

'Yung ibang parts ng bahay ni Denden, saka na 'yung EST. Pero sana, sana, sana... πŸ’šπŸ’šπŸ’š


Grabe, four months lang 'yonnnnnnn?!

I have underestimated this a lot! I'm overwhelmed by the amount of support this has gotten since September, especially this Holiday Season. Who would've thought that there would be sleepless nights just because trip trip lang noong September? haha. Since nag effort naman na and all and its getting more and more customers that we don't know personally then, why not? We'll be back to weekend only production by next year (until further notice siguro) but this Christmas season gave us a glimpse of what we're now hoping this small venture will turn into in the future. 

Flavors as of the moment: confectioner's sugar, caramel, chocolate, matcha (I swear sa kaadikan ko ng more than a decade that this is an addict-approved kind of matcha. HAHAHA!)



Allergies ko sa kamay. Nagka-contact dermatitis ulit ako because of the dishwashing soap that we used for a night of Denden sesh. Buti konti lang at napansin ko agad kaya naagapan. I'm sure that the dryness and allergy came from the combination of gloves, handwash, alcohol, and dishwashing soap. I'm not able to put handcream often since we're handling food but I'm trying to lather thick moisturizers and occlusives when I sleep para mag compensate.  Sensitive skin ka talaga, ghorl? HAHA. 

Updated Skincare and CGM Products (My HG's)
Update lang sa update: I'm currently trying Zenutrients products for my washdays and will be posting my 12.12 haul sometime next year. Been going out a lot more these days and I no longer use cloth face masks. Stocked up on surgical facemasks and I put a ply of facial tissue in between. This has helped me prevent most of the mascnes from forming on my chin area. Link: HERE.

Cakes. Cakes. Cakes.
"Meron ulit kami sa January ah."

Is a sentence I never thought I'd hear from Denden's cake client and to think na pang-ilang order na niya 'yon. HAHAHAHAHAHAHA. Juskolord. I'm practicing my designing skills para hindi naman nakakahiya i-benta. Kaso minsan, feel ko sablay talaga. Pero 'yon nga, habang may naniniwala o kahit nga walang naniniwala. G lang. πŸ˜‚


Sabi ng Nanay ko, "Maayos ah. Mukhang hindi si Tintin nagsulat." Haha. Thanks, mamsh! 🀦🏻‍♀️

But I'll take that as a compliment considering na malaking improvement na nga 'to compared sa first time kong magsulat sa ibabaw ng cake. 🀣 Pang grade 2 na 'to! πŸŽ‚ Pero kahit na, kailangan pa rin mag-oo ng mga customers ni Denden na tatanggapin at kakainin nila 'yung cake kahit anong (itsura) mangyari.


Adding color to the fresh cream is still a challenge sometimes 'cause I tend to overwhip it that's why it looks drier than it should be but yeah, trying to learn more. Mas madalas naman 'yung nagagawang tama. 



Law of attraction na 'to, bhieeeee! Tatanggi pa ba ko sa billions na magdadala sa'tin sa Land of the Golden Water at Northern Lights?? Syempre, hindi! Hahahaha. Pero pwede rin ako syempre sa Baguio, Tagaytay, alam mo na sa tabi-tabi but bahay. πŸ˜†


May your words bless the both of us. Manifesting the life we want and deserve. ✨✨✨

Pati na rin ikaw na nagbabasa. Damay na kaya WE. πŸ˜‰

May we be rich in life, in money, and in love. ❤️


Ito ang napapala ng oo lang ng oo.
Sometimes, you get forced to do things you never thought you could do. 

This is opening doors I never knew existed. Cake designing?! Floral arrangement?! HAHAHA. Sige daw. Anong connect ng cake designing sa piso fare hunting? O ng floral arrangement sa flight arrangements? Ang naiisip ko lang na connection e 'yung mga gabing walang tulog. HAHAHA!

But these are interesting so okay lang. Everything I see, learn, and encounter in those new doors that are opening to me, I hope they're bringing me closer to realistic dreams and ideas that are more suited for me now that I'm growing roots. Finally trying to grow roots. 

F-I-N-A-L-L-Y. 

A life not revolving around my flight schedules.

Okay naman palang piliin 'yung "solidity and safety of the land." 

'Yung blooming where I'm planted. 🌸

At hindi masama 'yung loob ko na sabihin 'yan. Kasi ewan kahit magulo pa rin pero kung iku-kumpara ko kesa nung March, syempre mas okay na sa'kin 'to lalo na dahil masasabi kong nage-enjoy (na) ako rito. Wala pa ring sigurado pero at least may napupuntahan.❤️


 Let Your plans be our plans.



See. See.

I love reading reviews from fellow matcha lovers, our clients pala in general. Nava-validate lang talaga 'yung kaadikan ko sa matcha kaya mas lamang sila 🀭. Ang weird lang ng feeling nung ako dati 'yung nagre-review ng restaurants kapag may blog events kami tapos ngayon, gawa na namin 'yung nire-review at pino-post ng ibang tao.


Abangan niyo na lang 'yung Denden's Cafe, or Denden's Dining Hall, or Denden's Den (dog-friendly syempre)!!! Kini-claim ko na 'to na nag simula lang kami sa Baking Room pero buong bahay ang bubuuin namin. Salamat, universe! Labyu! ✨ Faith words 'yan pero The world is on my side telege. πŸ₯ΊπŸŒ 


The photos above were sent to me and she told me that I can post them in Denden's Instagram and Facebook page. Hahaha. This is a group effort. Haha! Hindi naman 'to makaka-survive ng kami lang. Kaya kilig, kilig, kilig.

Thank you, universe for sending those people my way. πŸ’—πŸ’—πŸ’—πŸ’—

At 'yung mga iba na alam mo na, thank you kasi pinaalis mo na sila. Di na ko nag-effort magpaalis lyk wala ng shoo shoo shoo. HAHAHA. πŸ˜†


Thank you daw for the support! 


Ay, lakwatsero din yern? 🀣
Laging kasama yern pag mags-stock ng gamit para sa baking room niya? 🀣

Hindi na po siya naiiwan. Buti na lang madaming tindahan dito na malapit lang sa'min at kilala na kami. Textmates na kaya for pick-up na lang ang mga orders everytime may Denden restock kami. Malaking tulong din 'yon lalo na kapag maraming tao sa store. At least hindi na pipila, diba? 



By the way, nagawi akong Manila. Manila Bay area and Mall of Asia area. Seven days before Christmas yata ito. And looooooook. Parang di naman nabago 'yung EDSA traffic. 🀣 Pero ang sad sad lang sa MOA by the bay. Enjoy ko dyan dati maglakad-lakad at manood ng sunset. Iwas kami dati sa tao pero parang ngayon, we'll do anything para bumalik lang 'yung hindi na kailangan ng social distancing.  


May we continue doing things that are brave.

I wish you enough. 

Let us remember that
Even if we need to drag our feet whenever we take the tiniest baby step towards the direction/ the future we want,
We'll eventually get there 

I wish you strength and peace of mind. 



Happy New Year, Love!!!

At, isa pang hiling ko para sa'yo ay sana magkatotoo ang mga bulong ng puso mong makakabuti para sa'yo, at para sa mga bulong mong hindi nagkakatotoo, sana matanggap mong kaya lang hindi nangyari 'yon ay dahil may darating, may nakalaan, at magkakatotoong MAS kesa sa mga naunang gusto mo. 


Next year na tayo ako mag-drama sa mid-January notes. Pakarami ko ng sinabi eh. Sana maka-out of town ako ulit kahit isa lang bago 'yon. Hehehe! 


Balitaan mo rin ako, ah.
I'm just message away if you need someone to talk to. You can make use of this blog's Comment Section, Contact Me Form, or send me an e-mail.πŸ’™



  • Share:

You Might Also Like

0 comments