PAWS (DOGS AND CATS)

At PAWS, AURORA BOULEVARD
Kung hindi ka man maaring makapag-adopt, pwede pa rin pumunta para bumisita, mag-volunteer o mag-donate ng dyaryo, laruan ng mga aso't pusa, pagkain at kung anu-ano pa. 

MADE THIS PAGE FOR THEIR EXPOSURE:
 Kahit nasa ibang pictures ako, hindi po ako for adoption ha. Tataas ang expenses niyo sa pagkain at lakwatsa pag ako ang na-tripan kaya huwag na para sa ikabubuti ng lahat. Hahaha!



Pauwi na sana kami kasi tapos na kaming maglakad at magpaligo ng ibang aso pero biglang nagpakitang gilas 'tong si Corky. Akalain mong marunong siyang sumunod sa tennis ball at ibalik ito sa nagtapon. Lagi lang kasi siyang nasa loob ng kennel niya kaya hindi ko agad napansin na bibo pala siya. Corky's Actual Report when he got rescued link: here. There's beauty in strength and Corky is the embodiment of that. Medyo makikita mo man sa balat niya ang bakas ng marahas na kahapon e hindi mo makikita sa karakter niya. Nagulat pa nga ko sa nabasa ko dahil kahit na ganun ay isa pa rin siyang malambing na aso na mahilig makipaglaro. Mahilig ka ba magpa-fetch at tumakbo? Abamalamang si Corky na ang para sa'yo. Ikaw na rin ba ang hanap niya?

(Sept. 13, 2014) Time flies. Huhu. It has been a month (five consecutive Saturdays of being elsewhere) since we last went to PAWS to do our volunteer work. Anyhowww,

The one in the left picture is Corky after I walked him around PARC. Ayan ang itsura ng asong ayaw nang bumalik sa kulungan. haha. Palibhasa alam niya sigurong hindi ko siya mabubuhat kaya ang pinaka-effective na paraan para mas mapatagal siya sa labas ay humiga diyan sa daan. Haaay, paki-ampon na si Corky pls. po? Sobrang deserve niya ng isang pamilyang o ng mga taong ilalakad siya sa araw-araw.

The one in the middle picture is Betsy. Siya na sa ngayon ang pinaka-malapit sa puso namin na dog dahil sobrang lambing niya. Naniniwala siyang thin is always in kaya naman, alagang-alaga ang ka-sexyhan. hahaha. Pagpasok namin sa kulungan para ibalik 'yung mga unang aso na ni-walk namin, sumalubong na sa'min 'yan si Betsy. Hindi ko pa kasi siya nasubukan i-walk kaya alam ko lang behavior niya sa loob. Tumuntong siya sa'kin pagka-sabi ko ng up at willing na willing siyang makipag-cuddle sa tao nang hindi nakakasakit. Tamang lambing at kulit lang. Gusto mo ba 'yung pakiramdam na pagdating mo sa bahay mula sa isang nakakapagod na araw e may sasalubong sa'yong aso na sabik na sabik kang makita? Si Betsy na ang para sa'yo. Ikaw na rin ba ang hanap niya? (As of Nov. 22, 2014, adopted na rin si Betsy! Yeheeeeeey! Okay lang kahit di niya ma-maintain ang ka-sexyhan niya but we're happy that she has found her new home.)

The one in the right picture is Phil. Ngayon lang kami may interaction at kaya pala ganun kasi may crush sa'kin tapos kanina lang siya nagkalakas ng loob na umamin. Yan. Yan. Seriously speaking, Phil has always been distant to us for the past Saturdays that we were there so it was surprise a that he was the one who approached us while we were seating in the bench. Itong si Phil, medyo possessive din sa crush. Pagkatapos ako kulitin ni Betsy, lumapit siya sa'kin at bigla ba naman umihi sa rubber shoes ko. Good job! E diba pag umihi sa isang lugar ang mga aso, ibig sabihin nun e minarkahan ka na niyang territory? Pero hindi ako magiging sa'yo Phil. Hanggang rubber shoes ka lang. Rubber shoes! Wala pa kasi ako masyadong alam at na-obserbahan maliban sa kung paano siya sumusubok na maki-close sa mga volunteers ngayon. Gusto mo rin bang mas makilala si Phil?  Pwede naman. :)
Bo - Cat with a resting bitch face from the cattenery - Toto and me

Pangalawang beses ko na ma-encounter sila Toto and Bo at unang beses para dyan sa pusa. Hindi ako cat person but I tried "interacting" with them today and one thing's for sure, hindi nga talaga ko cat person. 

Si Toto ay ready na ready na for adoption dahil sobrang well-behaved niya. Relaxed lang siya pag nilakad pero medyo adventurous kasi gusto niya sa medyo malalayong lugar at malayo sa ibang aso. Napansin kong mahilig siya mag senti-senti habang nakatingin sa mga dumadaan na sasakyan sa Aurora Boulevard. Pangarap ata niya maging driver ganyan. Hehe. Okay siya para sa mga taong sweet, mahilig mag-cuddle dahil malambing siyang aso. Okay lang naman hindi masyadong active at higit sa lahat, dun sa taong malakas din maka-senti habang nakatingin sa kawalan. Ikaw na ba ang hanap niya? 
(Adopted na si Toto! I am very happy that he has finally found his forever home.) 

Si Bo naman, paglabas niya ng kulungan e sobrang excited lagi kaya mahirap siyang ma-control sa umpisa. Habang tumatagal, habang lalo siyang napapalagay sa taong may hawak sakanya, at habang napapagod siya, mas madali na siyang mapapasunod. Kanina ko lang na-realize na sweet pala 'tong si Bo kapag kilala ka na niya. Mahilig siya mandila kaya pala sloppy kisses ang love language niya. Swak sana kaming dalawa at gusto ko nga siya ampunin kung wala lang kaming Kuchi, Katie, Kiwi, KB, KKB, Mario, Pipay at Betchay (8 dogs na pala ang Bells family namin, my golly!) sa bahay. Ikaw na ba ang hanap niya? (After 100000 long years of waiting, adopted na rin si Bo! Haaay, nabigla ako kanina nung nalaman ko. Hindi man lang kami nakapagpaalam pero masaya kami para sa kanya.)


***
Nagsasawa ka na ba dahil hindi ka mahal ng mahal mo? Kalimutan na muna 'yang unrequited love dahil marami pang iba na pwedeng mahalin. Bisita ka lang sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kung saan mataas ang chance na makahanap ng ka-forever at ka-match made in heaven. 

TANDAAN: Ang mga aso, mamahalin ka pag minamahal mo... e ang ibang tao? Chumu-choosy pa 'yan. Masaya pumunta dun lalo kapag Saturdays kasi nandun ako. hahaha! Thank you and see you. ;)

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...