Me.
Kahit na ilang taon kong ginusto na puro good vibes lang at positivity ang maging laman nitong blog ko, meron talagang mga special cases.
She calls it cyberbullying, I call it consequences of her action.
She calls it hindi ako nagtatago, I call it nagda-dahilan kasi naipit ka na naman.
Ilang araw lang nakalipas matapos kong patawarin ang sarili ko sa pagbibigay tiwala sa maling tao, andito na naman kami. Sige nga, paano mo sasabihang hindi nagtatago ang isang taong tinanggal ka sa Instagram, nag-deactivate ng Facebook account (na nalaman ko eventually dahil sa isang nag comment dito sa blog ko na naka-block lang kami), at hindi nagpaparamdam sa phone? Sige nga. Tapos sasabihan akong, "Ano gusto mo? Araw-araw akong mag-hi?" Gusto kong araw-araw kang mag-hi? E ayoko na nga ng kahit anong may kinalaman sa'yo eh, matapos lang 'yan, mabayaran mo lang 'yan, buburahin ko lahat ng may kinalaman sa'yo. Tandaan mo 'yan kasi nakakapagod at nakakasawa ka na.
Buong buhay ko pinatakbo ko sa paniniwalang napapalitan ang pera pero ang mga mahal sa buhay at kaibigan e minsan lang 'yan kaya dapat pahalagahan. Napaka-komplikado ng mundo, noh? Kasi 'yung paniniwala natin, hindi reality para sa ibang tao. At 'yung ibang tao na 'yun, gagawa at gagawa ng paraan para makuha nila kung anong gusto nila sa'yo. Mapapatanong ka na lang talaga ng...
Paano ka nagagawang lokohin?
Paano ka nagagawang pagsamantalahan?
Paano ka nagagawang baliktarin?
Masabi man sa buong mundo na hindi niya kami pinagta-taguan at ako ang bully, hindi niya matatago kahit kailan na nilapitan niya kaming iniisip kung paano niya kami maloloko at mauutakan. Actually, hindi ko nga dapat tawaging utang eh. Mas tama atang sabihin kong, "'Yung perang nakuha mo sa panloloko? 'Yung savings ko? Remember?"
Kung tatakutin mo ko na ide-demanda mo ko, di ba dapat 'yung perang gagastusin mo dun at 'yung energy at oras na ilalaan mo sa pagde-demandang 'yon e gamitin mo na lang maayos? Halimbawa, pagpapaliwanag sa mga taong tinataguan mo na hindi ka nagtatago (Wow! Smart ko talaga eh. Nagtatago nga 'yung tao) o kaya 'yung perang gagastushin mo sa abogado e ipangbayad mo na lang sa mga taong naghihintay na mabayaran mo. 'Di ba? Saka matatago ba ng pagde-demanda 'yung katotohanan na ikaw unang nangloko? Subukan mo nga. Kasi pakiramdam ko, mas okay e para mahimay-himay natin sa harap ng maraming tao lahat ng kasinungalingan mo hindi lang sa'kin kundi sa iba pang kinuhanan mo ng pera.
Ganun na lang talaga kadali mabansagan ng cyberbully sa panahon ngayon dahil online na lang ang pinakamadali at pinakamurang paraan sa paghahanap sa taong manloloko na may ganang mangbaliktad ng kasalanan. At wag mo sabihin sa'kin ang tungkol sa mga damage na binigay ko dahil tandaan mo kung sino mas malaki ang kasalanan dito na muntik-muntikan na ngang makasuhan ng Falsification of Documents at hindi pa kasama dyan 'yung pera kinuha mo sa'min. Naisip na lang na hindi ka naman worth all the troubles. Sino kaya 'tong nagpakalat ng meron siyang itatayong cafe at nangako ng trabaho (sa taong tinanggihan lahat ng totoong job offer) at may pinapirma pang kontrata para lang mas magmukhang katotohanan 'yung panloloko niya? Sino kaya 'tong "business owner" na inisipan namin ng logo, ginawan ng facebook page, inisipan ng menu? Sino kaya 'tong nagpautang daw kuno sa clients ng pera kaya naiipit ngayon? Sino kaya 'tong gumagawa kuno ng projects at naghihintay mabayaran?

Dahil bago pa man nagkaroon ng cyberbully,
May nanloko muna. May nag magandang loob na tumulong. May nagtiwala. May naloko. May nanlamang. May pinangakong cheke kapalit ng mga nilipat na pera. May pekeng cafe at pekeng kontratang pinapirma.
May nanloko muna. May nag magandang loob na tumulong. May nagtiwala. May naloko. May nanlamang. May pinangakong cheke kapalit ng mga nilipat na pera. May pekeng cafe at pekeng kontratang pinapirma.
Dahil bago pa man naging online ang paghahanap,
May nagtago muna. May tumakbo muna. May taong walang naiwang paraan kundi ang gawin 'to.
Dahil sana bago ka manisi ng iba sa mga damage na binigay sa'yo, nag-isip ka rin muna kung ano bang mga mali mo at mga damage na binibigay mo rin sa iba. Sobrang dali kasi manisi ng iba, noh? Sobrang dali kasing magpasa ng kasalanan lalo na kung ikaw 'yung nagmumukhang inaapi? Well-played mo ang victim's card eh.
Sobrang daling magdahilan at magpaikot ng tao lalo na sa mga kagaya mo. Kaya wala rin akong masabi.
Sana na lang dumating 'yung araw na maisip mo 'yung tiwala at pagmamahal na binigay sa'yo ng mga taong tumanggap sa'yo ng buong buo pero wala ka palang ibang inisip kung paano sila it-take advantage at lolokohin.
Dahil sa dulo pala 'tong tinawag mong cyberbully, nalaman 'yung taong ayaw niya maging nung nakilala ka niya.
Dahil sa dulo pala 'tong tinawag mong cyberbully, wala ng magawa kundi magdasal na sana hindi na siya makatapat ng taong kasing walang kwenta mo.
Pasensiya na sa lahat ng nadamay na wala naman kinalaman dito. Hindi ko rin 'to ginusto pero nawalan ako ng choice. Maintindihan niyo sana na hindi biro at hindi simpleng gusto ko lang mang bully ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to.
God bless.