At least meron akong entry at exit stamps ng Myanmar!
pero...
hindi ko na ulit gagawin. :)))))))
Last year on my solo trip in Thailand ganito naging itinerary ko...
Bangkok - airplane to Chiang Rai - bus to Chiang Mai - bus to Chiang Rai - airplane to Bangkok
the reason why it was like that was because nauna kong i-book 'yung Bangkok - Chiang Rai leg ng flights ko tapos sinunod ko na lang 'yung Manila - Bangkok nung nakapag-ipon na ko ng enough pocket money. Afterall, 10 days 'to at solo travel pa. I needed more than enough funds.
click on the links:
Anyway, I arrived in Chiang Rai the afternoon and as I was walking to my hotel meron akong nakitang travel operator so I inquired about the Chiang Rai Tour that I can do for a day at ang napili ko at within budget ay itong merong Golden Triangle plus 'yung contemporary temples at green tea plantation which are all good experiences if you ask me.
And then... :))) ito 'yung mga panahon na motto ng passport stamps ko e the more, the merrier. Sabi ko sa sarili ko na, sige, cross border kasi para madagdagan nga 'yung stamps ko. Ako lang nagsabi na magc-cross border kaya iniwan ako nung group namin sa border ng Thailand at Myanmar at lumabas ako dito sa gitna.
The thing here is kahit ganito lang, ibang bansa na ko papunta. Nag cross border ako before sa Cambodia - Vietnam pero nung mga panahon na 'yon, sigh of relief kasi finally, nakalabas na ko sa Cambodia pero ngayon sigh of nervousness kasi hala, ano ba 'tong pinasok ko. :))
Well, technically, hindi ako talaga nakapasok sa loob kasi 30 minutes lang sabi sa'kin na alloted time so 'yung sa entry stamp ko si immigration officer na rin nagdala ng passport ko sa kabila para sa exit stamp.
This is just me overthinking kasi pag inaalala ko, may sudden shift talaga doon sa atmosphere coming from Chiang Mai tas biglang naging ganon. Hindi ko maipaliwanag pero ibang-iba. Iniisip ko na lang na ang swerte ko pa rin kasi nakalabas ako don ng maayos. Imagine, language barrier tas ano nga bang gagawin ko sa part na 'yon ng Myanmar?? WALA. Titingin.
Paglabas ko ng immigration office ng Myanmar, lakad ako ng mabilis pabalik ng Thailand. Di ko na nga masyado maalala kasi kinakabahan ako nito na ewan.
That night I posted on my IG story that I cross the border to Myanmar and then I got several replies na buti na lang safe akong nabalik. Shemay. Oo, buti nga. Magulo don sa part na 'yon. AS IN. Malayong malayo sa border crossing ng Singapore-Malaysia kahit parehong land crossing. Sa Cambodia-Vietnam kasi kahit nakakasama ng loob sa Cambodia e okay naman 'yung mismong border crossing.
Pag dating ko sa immigration officers ng Thailand, kailangan ko tuloy ipaliwanag kung ano nangyari. Ang daming hinanap kasi nga medyo kaduda-duda naman talaga. Ano kaya 'yon, 'di ba? Ano bang ginawa ko don e wala pang 30 minutes ako sa kabila. Tingin ko kung pupunta kayo dito sa Mae Sai area ng Thailand para mag cross border, at least kalahating araw kayo sa Myanmar para naman masabi na may ginawa kayo. :)))) Hindi rin naman kayo makakapunta sa ibang area don kasi 'yung mga tao dyan sa area na 'yan, hindi nakakalabas papunta sa ibang part ng Myanmar, travel onwards is not possible through this area.
Above is the market area of Mae Sai at grabe, tuwang-tuwa ako nung sinundo na ko. Huhuhu!! Para sa passport stamp, passport stamp... char! Experience din, syempre. 'Yun naman binabayaran natin dito, 'di ba?
Buti na lang, meron ako laging hardcopy ng mga proof of accommodation and return tickets ko saka may simcard ako non kaya lahat ng hinanap niya sa'kin like round trip tickets, accommodations, tours, ID e naipakita ko sakanila kasi nasa cloud naman (at that point, nagco-consult na si immigration officer sa iba kaya dalawa tumitingin ng mga papeles ko) pero pano kung wala saka kung hindi sila naniwala na for tourism purposes lang naman kaya ako andon?! Stuck in nowhere, besh. :))) Wala kasi sa isip ko dahil hindi rin naman ako nag research masyado beforehand na 'tong lugar na 'to is infamous for people doing visa runs. 'Yung magc cross border lang para mas ma-extend 'yung allowed duration of stay nila sa Thailand kasi nga naman, magre-renew 'yung number of days.
Buti na lang, meron ako laging hardcopy ng mga proof of accommodation and return tickets ko saka may simcard ako non kaya lahat ng hinanap niya sa'kin like round trip tickets, accommodations, tours, ID e naipakita ko sakanila kasi nasa cloud naman (at that point, nagco-consult na si immigration officer sa iba kaya dalawa tumitingin ng mga papeles ko) pero pano kung wala saka kung hindi sila naniwala na for tourism purposes lang naman kaya ako andon?! Stuck in nowhere, besh. :))) Wala kasi sa isip ko dahil hindi rin naman ako nag research masyado beforehand na 'tong lugar na 'to is infamous for people doing visa runs. 'Yung magc cross border lang para mas ma-extend 'yung allowed duration of stay nila sa Thailand kasi nga naman, magre-renew 'yung number of days.
By the way, this place used to be a place of opium and heroin trade pero for sure until now, meron pa rin ganon kaya mas careful at mas thorough 'yung immigration officers ng Thailand part. Drug trade na nga, visa run pa. HAHAHAHA. Ang lakas ng loob ni Tintin 2018, shet.
Apart from the border crossing na nakakatakot, we were driven to this part of Thailand where in you'll see why it's called The Golden Triangle.
Pero 'yun nga, saan pa ba makakaranas ng three countries in one afternoon?! HAHAHA! Pero dahil nga ata rito kaya hindi na ko nagmamadali ngayon pag nagp-plano ng itinerary. Okay na mas matagal at konti nakikita kesa don sa nagmamadali, maraming nakikita pero pictures lang naaalala. Saka, pinaga-aralan ko na ng maigi kung may border crossing kagaya nung sa Singapore-Indonesia at Hong Kong - Macau. :))))
Compare sa ganda ng Chiang Mai, parang napag-iwanan ng sobra 'tong area na 'to ng Chiang Rai. Ang lungkot ng atmosphere. Parang gusto ko na lang bumalik sa hotel para magpahinga. Ganon.
Kaso 'yun nga, pag nakikita 'ko 'to... :))) nakakakilig pa rin. Afterall, bago ko na-experience 'yung crossborder ng Myanmar e nasa listahan ng gusto ko puntahan 'yung Laos at Myanmar. Pero so far, okay na muna ko dyan sa experience na 'yan. Napunta sa dulo ng listahan ko sina Myanmar, Laos, at Cambodia. Grateful for the experiences but I don't think I have the energy to return just yet.
Siguro kung may magtatanong sa'kin na gusto rin magpunta sa part na 'to ng Thailand, ire-recommend ko na mag stay na lang siya sa Mae Sai at wag na mag border crossing kung hindi rin naman siya magtatagal sa kabila. Parang di naman pala dapat i-goal 'yung paramihan ng passport stamp, may okay i-goal 'yung paramihan ng natutunan sa mga travel at sa mga bansa o lugar na napupuntahan natin.
Brunei na lang hindi ko napupuntahan sa mga ASEAN countries and whenever I look back from I was several years down the road, malaking accomplishment na rin 'yon!!! AKALAIN KO NGA NAMAN.
But this is me setting myself free and getting my soul back... hahaha! tama na muna ko sa ASEAN countries for now and for next year. When the time's right, gusto ko bumalik ng Singapore, Vietnam, and/or Malaysia at mag Bali, Indonesia pero someday, malayong someday pa 'yon... I'll hold onto these memories for now. Saka, I gained a long distance friend from the hostel I stayed at in Chiang Rai. In contact pa rin kami til now unlike sa ibang hostel na hello, friend, goodbye din ang eksena.
Despite the not-so-nice experience in the border crossing of Thailand and Myanmar, what I experienced this afternoon is something I'd always remember in all these traveling that I've done in the past five years. This just showed how strong and courageous I've become taking into consideration that I'd cry when I lose the sight of my mom when I was about five years old... :) grateful to have the means to travel din once in while. Lahat ng 'to para sa ikabubuti ko naman din. hehehe. Wala ng trauma. Nasulat ko na eh.