Grabe ang haba pala nitey. :))
Habang tumatagal, habang patagal ng patagal kong ina-update 'tong blog na 'to lalo kong naiisip kung bakit nga ba ganyan 'yan. Pinag-iisip ko ba nung ginawa ko 'yan? Alam mo 'yun, pwede akong gumawa ng mas maayos na URL at ng blog title e pero hindi, noong gabi na 'yun na ginawa ko 'tong blog na 'to, nilagay ko lang agad nang hindi pinag-iisipan... baliw, walang plano, tawagin mo na 'ko sa kahit anong gusto mo. Pero ngayon 'yung attachment na meron ako, 'yung bahagi ng buhay ko na nandito at 'yung oras na ginugol ko para dito e hindi na matatawaran kahit pa parang nakakahiyang URL at title yan. haha! Isn't it amazing how something that once was nothing eventually becomes an important part of your life?
Habang tumatagal, habang patagal ng patagal kong ina-update 'tong blog na 'to lalo kong naiisip kung bakit nga ba ganyan 'yan. Pinag-iisip ko ba nung ginawa ko 'yan? Alam mo 'yun, pwede akong gumawa ng mas maayos na URL at ng blog title e pero hindi, noong gabi na 'yun na ginawa ko 'tong blog na 'to, nilagay ko lang agad nang hindi pinag-iisipan... baliw, walang plano, tawagin mo na 'ko sa kahit anong gusto mo. Pero ngayon 'yung attachment na meron ako, 'yung bahagi ng buhay ko na nandito at 'yung oras na ginugol ko para dito e hindi na matatawaran kahit pa parang nakakahiyang URL at title yan. haha! Isn't it amazing how something that once was nothing eventually becomes an important part of your life?
Hanggang sa 'yung isang bagay na 'yun, na wala naman sa plano, e naging malaking bahagi na pala ng buhay mo.
Hanggang sa 'yung bagay na matagal naman wala sa sistema mo e hinahanap-hanap mo na pala.
Hindi naman 'to sa blog ko dahil desisyon ko kung itutuloy ko ba 'to o hindi pero pano 'yung sa mga ibang bagay na hindi ko naman kontrolado? Mga bagay na kahit parte ng buhay ko e hindi ko naman kayang pag-desisyunan?
Nakakatuwa, no? 'Yung mga panahong sinusubok tayo ng buhay. Kung bakit mula sa akala mong wala lang e darating 'yung puntong parang ang hirap mabuhay ng wala 'yun. Kung bakit mula sa isang bagay na hindi mo naman kailangan nung una, pagkalipas lang ng konting panahon e parang hindi ka na kumpleto ng wala 'yun. Pwedeng hindi mo inasahan, hindi mo ginusto bigla na lang nandyan.
Pero alam mo kung bakit mas okay 'yung ngayon? Na kahit hindi ko naiwasan 'yung sakit e parang okay pa rin ako? Kasi, nagbago na ko. 1% change is still a change. Dati kasi kahit nandyan na hindi ko magawang pahalagahan, hanggang sa mawala, hanggang sa hindi ko na alam kung babalik pa ba o hindi. Dati walang sakit kasi walang attachment.
Ngayon hindi ko man alam kung babalik pa ba o hindi pero napahalagahan ko muna bago nawala. Ito pala 'yung pakiramdam ng walang pagsisisi. Maraming salamat. :)
Sa isa pang pagkakataon, napa-wow na naman ako ng buhay. Isang wow. Andito na naman ako sa puntong walang salitang makakapaglarawan sa kung anong nararamdaman ko. At malamang napa-wow rin kita. Siguro iniisip mo ngayon, "Anong point? Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?" Hay, ikaw na nagbabasa, salamat.
Noong isang araw nanonood ako ng sine, "The Spectacular Now" ang pamagat at sabi nung bida doon:
"I've always been afraid of failure, of letting people down, hurting people.""Shut out the pain, shut out everything, good and bad."
Siguro hindi talaga natin maiiwasang masaktan. Siguro kagaya ni Sutter na bida doon, kung pipigilan mo ang sarili mo e pinipigilan mo lahat. Or worse, since we're refusing to feel hindi natin alam na nakasakit tayo, we've let people down and tayo mismo, pwede ng ma-classify as failures. Hindi natin ma-realize 'cause we've chosen not to mind these things.
Alam mo ba kung bakit ayokong mag-expect? Kasi natatakot akong masaktan.
Alam mo ba kung bakit ayokong magplano? Kasi natatakot akong ma-disappoint.
Alam mo ba kung bakit kahit gusto at kaya ko e hindi ko magawang sabihin na gusto ko? Kasi natatakot ako na dumating 'yung araw na pag gustong gusto ko na ang isang bagay e saka 'yun mawawala, dun pa sa puntong abot-kamay ko na. Kaya ang ending? Kahit gusto ko at kahit kaya ko, pinipigilan ko kasi ayokong umasa, madisappoint, kasi ayokong masaktan.
Pero sa dulo ano nga ba ang nangyari? 'Yung saya na maaring kasama nung lungkot na 'yun, 'yung feeling ng accomplishment, lahat 'yun tinalikuran ko lang... dahil takot ako. Ang malala pa dyan, minsan kasi naiisip kong hindi ako karapat-dapat. Alam kong madalas kong sabihin dito na claim lang ng claim. Totoo naman 'yun eh. May mga bagay akong gusto na open ako sa pagsasabi ng gusto ko pero merong ilang mga bagay na (Bahala ka na kung anong gusto mong isipin na bagay) tameme ako.
Hanggang sa dumating 'yung isang tao na kahit hindi ko hinihingan ng kahit anong advice e sasabihin na kaya ako meron ng isang bagay e dahil karapat-dapat ako (Sa buhay mo, maaring ako 'yung taong 'yun). Na never feel unworthy dahil I deserve so much more pa nga. Na never escape anything just because I'm afraid 'cause those are the things that would help me grow. Siguro mahal pa rin ako ng buhay kasi paunti-unti, binibigyan niya ko ng mga taong magtuturo sa'kin kung alin 'yung mga mali ko at kung alin 'yung mga desisyon na kaya kong baguhin para marating 'yung full potential, para ma-welcome lahat ng bagay.
Matagal ko na 'tong alam, na paulit-ulit tayong babatuhin ng buhay ng parehong klase ng problema hanggang sa matuto tayo. Habang nag-iisip ako, na-realize ko na itong-ito rin 'yun, tatlo o apat na taon na ang nakalipas. Itong ito. Magkaibang tauhan, magkaibang lugar, magkaibang eksena pero sa dulo pareho lang naman ang problema: takot ko. Hindi ko inakalang uulitin ko 'to but "It's not life, it's me." Ano lang 'yan, binago kong, "It's not you, it's me." 'yung break-up line. Kasi hindi naman talaga 'yung buhay 'yung mali eh, parang ako. Parang 'yung mga naging desisyon ko, parang 'yung mga bagay na iniwasan ko.
Ang pagkakaiba lang ng noon at ngayon, may ginawa ako ngayon para kahit papano ay malabanan kung ano 'yung mga takot na 'yon. Siguro dahil ayoko ng magsisi kaya pinilit kong mag-matapang.
Hindi ko rin alam kung applicable 'tong susunod na quote na mula sa movie:
"It's fine to just live in the now. but the best part about now is that there's another one tomorrow. And I'm gonna start making them count"
Pero dun man lang sa I'm gonna start making them count...
Pasensiya na dahil paulit-paulit ako pero sa muling pagkakataon, I'm starting over again. HAHAHAHAHAHAHA. Madami man tayong naging mali sa buhay natin pero at least diba, binibigyan pa rin tayo ng bukas para baguhin lahat ng iyon?
Nagsimula na kong makaramdam, ngayon pa ba ko aatras ha, life?
Isama ko na rin 'yung sinabi dun sa pinanood kong Kdrama, sabi ni Do Min Joon, alam naman nating mga tao 'yung ending ng lahat ng 'to pero bakit gusto pa rin natin mabuhay? Kasi ang importante ay hindi 'yung dulo kundi 'yung ngayon. Hindi tayo nabubuhay para mamatay. Nabubuhay tayo kasi gusto nating mabuhay, to make the most out of what we have.
Mga bagay na 'to parang diet at pagtitipid lang, paulit-ulit na sinasabi pero hindi naman agad nagagawa. Simpleng isipin ngunit napakahirap gawin. Posible at kaya naman gawin pero paminsan saka lang tayo kumikilos pag nasa sukdulan na at huwag naman sana, minsan pag sobrang lala na ng sitwasyon tipong ipit na ipit ka na.
Ayoko kasi talaga ng ma-drama pero 'yan nga 'yun, ma-drama pa rin. Goodbye Feb., I shall start March anew. Charot. Sa pagkakataong 'to, raramdamin ko na lahat. Lungkot, takot at saya o kahit ano pang aspeto ng buhay na 'to, hindi na ko tatakas. :)))) Dun nga siguro 'yung kulang, para makaalis tayo sa limbo or to make the most out of something, we have to be brave and motivated enough to face everything.
Goodbye ngayon. Hello March bukas. Kailangan kasi ng closure for this phase eh.
Hindi man natin alam kung anong gagawin sa mga bagay na hindi tayo 'yung makakapag-desisyon, 'yung mga desisyon na lang natin para sarili natin, dun man lang sana umayos na. Should you be happy or should you let yourself be in misery, it's all yours to decide. Ako gusto ko 'yung first. Gawin natin 'yung first.
Para sa'yo, kung anuman 'yung kwento mo, kung anuman 'yung pinagdadaanan mo, push lang. Di ka nag-iisa.
P.S. Dami kong oras mag-update ng blog ngayong araw pleaseeee. Kahiya much ng pinagsusulat ko pero thanks. :)
God bless.
P.P.S Hindi lang 'to para sa'yo kundi para sa future self ko na maaring panghinaan ng loob. Tin, at one point, nag-matapang ka at naamin mo kung anong problema. Go lang kahit ano pa 'yan. hahahaha.
P.P.S Hindi lang 'to para sa'yo kundi para sa future self ko na maaring panghinaan ng loob. Tin, at one point, nag-matapang ka at naamin mo kung anong problema. Go lang kahit ano pa 'yan. hahahaha.