image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Change? Letting Go? Labels?

I'm no expert.

I just need to sort things out.




Do you believe that things don't change in an instant?

You won't get obese overnight, it's a gradual process... months of overeating and sedentary lifestyle.

It's the same thing with all our problems, things didn't happen overnight. Siguro at one point, nagpaparamdam na 'yun, hindi lang pinapansin. Ayun, until dumating 'yung pagkakataon na you can no longer run from it. You have to do something. You must do something.


Do you believe that each one of us set labels for ourselves?

I'm this, I'm that so I shouldn't be doing lowly things.

We get too preoccupied in fulfilling our "labels," that even if things don't make us happy anymore and we certainly feel that we have to change. Pride won't allow us kahit sobrang miserable na. Why? Kasi wala 'yan sa label ko. I'm not willing to compromise, I'm not willing to change anything...

Para ano? Para hindi mahusgahan? When in the end, hindi naman magma-matter ang ibang tao sa buhay natin eh. Tayo 'to. May sabihin man sila, may sarili pa rin silang buhay na mas kailangan nilang intindihin... in the end, ikaw lang nag-suffer kung hahayaan mo ang takot mong mahusgahan. E lahat naman 'yan may sinasabi eh, anong bago dun? At duh, walang perfect. Kung may perfect sa paningin mo, malamang hindi mo siya kilala ng buong-buo. Pero despite our imperfections, diba, diba, acceptance naman ang mahalaga?
(Kausap ko sarili ko... lalala.) 


Do you believe that consciously or unconsciously, we find ways to cling to our past?

Ilang beses na bang sinasabi ng mga tao na don't dwell on your past for they won't change anymore. Rather, focus on your future and work on it. And clinging on our past robs the value of our present and eventually may rob our future too. GUSTO MO BA 'YAN? E ANO NAMAN KUNG MUKHANG SIRA ANG BUHAY MO NGAYON. TAPOS NA BA? HINDI PA NAMAN, DI 'BA? AND WRONG CHOICE OF WORDS, UNDER CONSTRUCTION PA HINDI DAHIL NASIRA, HINDI PA KASI GAWA KAYA PAANO MASISISIRA. MAY MGA KAUNTING SET BACKS LANG. AT BAKIT BA KASI NAKA-FOCUS TAYO SA NEGATIVE? CAN'T WE REALIZE NA SOBRANG BLESSED TAYO. AYUN OH, THE MORE WE TRY TO BE GRATEFUL FOR OUR BLESSINGS, THE MORE WE'LL REALIZE HOW BLESSED WE ARE... ano raw?! Let's not overlook the simple miracles that has been happening on our lives daily just because we tend to focus more on our problems. (Unhealthy 'yan. Kausap ko na naman sarili ko. lalala) 


Wala eh, dynamic ang buhay... nagbabago talaga ang buhay hindi pwedeng parati kang nasa taas o sige, possible basta maagapan lang agad. Hmmm, Isipin mo na lang kung san ka nagkamali, from there, pick yourself up and start anew. Walang dadampot sa'yo, kailangan mong matutong tumayo mag-isa. (Ugh, kausap ko na naman sarili ko.



Minsan iniisip ko kung bakit ang bilis bilis nawala ng isang bagay na taon ang binilang para makamtan pero alam ko kung ano totoo? In denial lang ako, hindi 'yun agad nawala. Pinili ko kasing iwan at na-realize na lang na mahalaga pala 'yun... nung huli na ang lahat.


Pag-pasensiyahan na may sayad talaga may-ari ng blog na 'to.



Change? Letting Go? Labels?
Tapang-tapangan din kahit walang time para mag break-free sa mga kinatatakutan natin.

Di naman pwedeng buong buhay e indenial at fearful na lang bet ng ate mong girl.

The truth will set you free... 


bad news: kailangan mong tanggapin na miserable ka.

better news: nag-improve ka na kasi finally wala ka na sa indenial stage.

best news: dahil sa mga na-realize mo, may gagawin ka na.

And the greatest news: dahil nagkaroon ka na ng low point in your life at tinanggap mo sa sarili mo na hindi 'yan 'caused ng external factors (bye blaming game!) , marami kang natutunan, at kung may gagawin ka about it... there's no other way but up. Pagdating mo dun, pag-ingatan mo na ah. Don't allow problems and fears na mag-hinder para hindi maulit at maging cycle ang pinagdaanan mo. 

Kung sakaling na-realize mong parating ka na ulit dun sa mahirap na part, kabig agad... kailangan lang ma-remedyohan agad para hindi na bumagsak at masira kung anuman 'yung pinaghirapan mo.

AND...
Let's practice POSITIVE THINKING, shall we?

If we'd think that we deserve nothing but the best, we'd get nothing but the best. IKR.
HAHAHA. :D

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment