ABOUT

Hello!


Brainchild ng isang babaeng walang magawa noong New Year's Day ng 2012 ang blog na 'to. Nagustuhan kaya kahit 2018 na e tuloy tuloy pa rin. Ayan na nga't bumili pa ng sariling domain. 


Ako nga pala si Tin, 20-something, at ito ang lifestyle blog/online diary ko.



Bakit CelebraTINg ExisTENce?

Thank you for that wonderful question. hihi. 


Pinalitan ko lang 'yan noong November 2015 dahil kumuha ako ng custom domain. Akalain mo 'yon na kahit nagsimula 'to dahil trip ko lang ay naging paraan ang pagb-blog para lalo ko pang ma-appreciate lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay ko. Kaya ito na 'yung main purpose nito, patuloy na i-update ito at ikwento ang ilan sa mga naranasan ko bilang paraan ng pag alala. Pangalawa na lang dyan 'yung nakakatulong din 'to sa mga taong naghahanap ng mga impormasyon patungkol sa iba't ibang bagay na nailagay/naisulat ko na rito. 

Nakakatuwa lang na kahit pilit ay sumakto sa'kin lalo na 'yung title na may TIN at TEN kaya naka-capital letters. TIN kasi pangalan ko, TEN kasi on a scale of one to ten e sinusubukan kong laging maging nasa ten ang gratefulness meter ko araw-araw. 




May katanungan, may gustong sabihin, o kung ano pa man. Send mo lang ako ng message sa contact me page o comment ka dito. 

Maraming Salamat! :D



Blessed and Highly Favored 2016! :)
Dear 2017, Let Me Fall In Love Once More



Sabi nga ni Bro. Bo Sanchez...




May our dreams come true,


Tin<3





PS.

photo text inspired by: 

"I wandered everywhere, through cities and countries wide. And everywhere I went, the world was on my side.”


- Roman Payne

  • Share: