image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

The Pie Who Loved Me at Coldstone, Serendra

You. Yes, you.
 You should be proud of me that I've already gone back to BGC for four times since February this year. :)) 

Kailangan mo lang talaga minsan ng mga tao na magpu-push sa'yo. Hahahaha. Nakakatawa pag babalikan mo 'yung time na mukha kang nasisiraan dahil nasusuka ka habang nakasakay sa bus kasi di mo kinakaya 'yung emotions mo, 'yung naluluha ka pag naglalakad sa highstreet ganyan. 

Pero nakakaproud na unti-unti kang nagiging tao. Haha. Ge. 

BGC? Ito 'yung lugar na paboritong paborito ko dati pero hindi ko na mabalikan lagi ngayon. Kailangan ng recovery periods in between pero keri. Okay naman din mag-explore sa QC. 

Kantang Sugar ni Flo Rida? 'Yan 'yung sinasayaw nung crew sa Coldstone nung kinuha ko 'tong litratong 'to.
Strawberry Ice Cream, Graham Cracker Pie Crust, Strawberries, Caramel, Whipped Cream

Our Strawberry Blonde? Patunay na kahit gustong-gusto mo 'yung lasa ng cheesecake at chocolate, titikim ka pa rin ng iba. Pag bumalik ka sa chocolate at cheesecake, alam na. :) Martyr. HAHAHAHA. 
Cheesecake Ice Cream, Oreo Cookies, Graham Cracker Pie Crust, Fudge


The Pie Who Loved Me? Kahit loved na 'yan at past tense na. At least hindi siya, The Pie Who Left Me.
Serendra? Dyan applicable 'yung, "We leave something of ourselves behind when we leave a place. We stay there, even if we go away. And there are things in us that we can find only by going back there."

Ako? 'Yung nag-iinarte kasi ang nakaka-emo ni Typhoon Ruby. GANYAN NAMAN KAYONG MGA BAGYO EH. Dumarating sa buhay nang walang paalam, pag malakas 'yung impact pa, aalis tapos 'yung mga naiwan, hindi na naman alam kung paano magsisimula. Wag ka ng dumating kung maninira ka lang din naman!


Lakas ko maka-Mace, noh!! Kairita pls. Hahaha. Wag ka mag-alala. Naiinis rin ako pag ganito ako pero hinayaan ko na lang din. Mag-tyagaan na lang. Phase lang 'to.

Pero kaya 'yan (kahit ano pa 'yan na dapat kayanin), hindi naman mahalaga kung gaano katagal... :)))) 


Pero ito matinong post tungkol sa Coldstone!

Cheesecake Fantasy in Coldstone, SM North EDSA link: here


P.S. Masyado kong pinakinggan 'yung pain and fear na bumubulong sa'kin. I forgot the happiness this place and I shared for a lot of times. Hindi ako nagpunta lang and I decided not to make new memories in this place kahit ang daming potential memories sana kasi natakot ako. Pero, never again. Braver me na. Paano pa kasi ako magko-Korea kung sa Taguig nga, hindi ko magawang magpunta? DIBERRRRR! All of these things, in preparation for S.Kor. Yan. Yan. What do broken hearts do? Travel. HAHAHAHAHAHAHA.

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment