That Thing Called Tadhana Quotes. :)

Where do broken hearts go nga ba talaga? :)))

I now have 3 scheduled dates to a That Thing Called Tadhana screening next year. 'Yung totoo, friends? (Lakas maka-sabi ng friends e wala ngang may alam na nagb-blog ako. haha!) Di pa kasi kayo sumabay nung nag screening ng Cinema One originals!! Pero more than willing naman ako umulit basta libre niyo ko. HAHA 

THAT THING CALLED TADHANA INARTE POST LINK: HERE. Alam mo kung bakit hindi ko maiwan ang pagb-blog? Para sa mga ganitong pagkakataon na magb-backread ako tas masasabi ko sa sarili kong, "Yung totoo, Tin? Wala ka na bang kahihiyan talaga?" Katawa shems. Muntanga. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Buti na lang kamo, binura ko 'yung nauna kong sinulat na about sa love pala kasi HAHAHAHAHAHA Jeskelerd baka sinakal ko na sarili ko. #damingsinabi


Para sa mga umibig, nasaktan, at umibig muli. In short, tatanga-tanga.


Anthony: Hindi ka na niya mahal. Anong hindi malinaw don?
Mace: Sabihin naman niya kung bakit, anong ginawa ko...
A: Bakit pag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka na niya mahal.
M: Close ba tayo? Ang sakit mo magsalita ah. 

M: Paano ba makalimot?
A: Ha?
M: Ikaw, ang hilig-hilig mong pinapaulit sinasabi ko e narinig mo naman.
A: Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako isang araw, wala na siya. Nakalimutan ko na siya. 

M: Gano katagal?
A: Matagal.
M: Gano nga katagal? One Year? Two Years? Three? Four?
A: Does it matter? Ang mahalaga, NAKALIMUTAN. (HUHUHUHUHU NAKALIMUTAN)

A: 'Yung ganyan kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan 'yan eh. May mababalik sa'yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik 'yan sa'yo. 

A: Diba nga, sabi ni John Lloyd, minsan kaya tayo iniiwan ng taong minahal natin kasi may darating na bago, na mas mamahalin tayo at ipapa-realize sa'tin kung bakit hindi naging okay 'yung dati, ipapa-realize sa'tin na, ah, ganito pala mahalin, ang sarap pala (HUHUHU KAYA MAHAL NA MAHAL KITA LLOYDIE EH.)

A: There are all kinds of love in this world but never the same love twice.

M: Si John Lloyd, di ka niya sasaktan, di ka niya papaiyakin, siya pa ang iiyak para sa'yo. (Ito talaga 'yun eh. HAHAHAHA)

A: Pag may dumaan na shooting star, ano iwi-wish mo?
M: Sana hindi ko na siya mahalin.

M:Hindi ko alam kung paano niya nakaya na tapusin na lang ang lahat, lahat ng eight years na 'yun sa hindi na kita mahal, makakaalis ka na.

M: Bawat chance na makuha ko, sasabihan ko talaga 'yung mga babaeng ayaw papigil na gustong magmahal nang sobra sobra na, "Teh, maghunus-dili ka, huwag tatanga-tanga. Tigilan mo na 'yan. Maawa ka sa sarili mo. Ang pag-ibig, salot 'yan sa buhay. Oo, papakiligin ka, pasasayahin ka, pero kapag nasaktan ka na, kapag winasak ka niya na, kapag hindi ka na makabangon, hindi worth it ang saya, girl, hindi worth it. Ang saya, oo, masarap maramdaman, pero ang sakit, pag naramdaman mo na, mas matagal siya lalagi sa puso mo. At minsan, kapag minamalas ka, hindi na siya aalis.

A:Bakit ba kayong mape-perang mga babae, ang hilig ninyong hinahanap ang sarili sa Baguio? Bakit ba sa Baguio? Hindi ba pwedeng pag-usapan na lang sa inuman?

M: Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. Wag mong hintaying may magtulak sa kanya pabalik sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh.

M: Alam mo 'yung love na 8 years na kayo? Sa ganong love ka pa ba magdududa? Pero wala pala sa tagal ng relasyon yun. Ke eight months kayo o eight years, kung gusto ka niyang lokohin, lolokohin ka niya. Pag hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal.



'Yan na lang muna, mga b3h kasi pakiramdam ko ang spoiler ko na kahit quotes lang 'yan pero kung may idadagdag kayo, comment lang. :)) Manood na kayo ha para maghanap ng mga hugot na tatama sa inyo nang tagos sa bones. Hehehehe. Sakit oh. May pagka-Mace talaga ko. Yes? BGC? Pasig? Donut? Oatmeal? Hangin? Tubig? HAHAHAHAHAHA. Everything reminds me of you din ang peg minsan saka kung magbabayad ako ng pera everytime na may imi-mention ako, malamang makakaipon ako agad papunta sa lugar na pinupuntahan ng broken hearts. 


P.S. Should you find yourself looking for a Sagada/ Baguio travel buddy after watching this film at 1. Hindi ka mamamatay-tao. 2. Hindi ka KJ. 3. Hindi ka reklamador. 4. KKB 5. Madali kang pakisamahan... Andito lang ako/kami. Magpaka-That Thing Called Tadhana tayo dun sa Baguio o Sagada. HAHAHAHA. Malay mo, sa dulo ng paglalakad natin sa Session Road, ma-realize mong ako pala 'yung forever mo. Yes, Mace? HAHAHAHA.  Jk.:)) Uyyy, bakit di pa sabihin ang sigaw ng damdamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin??


Cheers to the great people we will be!<3

You Might Also Like

0 comments