Tuesday, December 1, 2015

deSAMEber...

Di ko alam kung anong mararamdaman ko na December na agad pero deSAMEber pa rin ako o naging emotionally and physically drained lang these past few days kaya feeling ko deSAME pa rin, ewan ko.

Hayyy. As much as I want to, I can't write anything with enthusiasm this time kasi wala talaga as of the moment pero hindi totally wala ah. Nasa 60-40 siguro.

Ito na naman, 'yung paulit-ulit kang babatuhin ng pare-parehong problema hangga't di ka natututo. Haaaaay. Medyo nakakapagod lang kasi pero keri, tomorrow is another day. Nak ng. :)) Umayos ka!!! Walang big deal, ikaw lang nagpapalaki. Diba nga, as long you don't stop...


Kunsabagay...

- wala na 'yung tinutukoy kong para sa'kin... ang fail talaga nitong desisyon na 'to. Pag naaalala ko, naiinis pa rin ako. Kagaya ngayon. Lalo nung nabasa ko kung gaano ako ka-excited last year. :( Baliw talaga. Pero 'yun nga, hindi naman nawawala 'yung hope. Tanggapin lang na nagkamali na naman ako... ata. Haha! Saka meron namang next. Prepare and look forward na lang! Past is past.

- majubis pa rin ako. more jubis than last year. hahahaha. Ayun lang. Wag ko na lang kayang sabihin na hindi ako kakain baka hindi talaga ko kumain. Kainis na eh. Kabaliktaran lagi.

- di pa siya nag PREX. Ohhhh the thought of it makes me cringe! Oi nasan na 'yung choice mo to be happy?!  Iniisip ko, sana nag control na lang ako huhu alam kong may something nung gabing 'yon kaya biglang nawala 'yung mabigat na feeling pero e naiinis na ko ngayon. Di ko lang matanggap kasi nasa personality ko 'yung hindi talaga ko open. Ugh, lampake na. Moving on...

- di siya na food poison. SOBRANG DOWNER TALAGA NITO!! AS IN SUPER BONGGANG LALA parang buong pagkatao ko ang lungkot na most of the times. Dito talaga nag start kasi okay ako before nito, di pa nakaka-recover 'yung system ko. Baka nagising si sadness sa lason ganyan o sobrang naapektuhan si joy. Di ko alam pero tomorrow is another day... dapat!!! Pakasaya na lang na kahit di pa ko totally naka-recover e okay na ko. Saka more things to be thankful about diba.. After that much pain, ito buhay pa. Lumalaban. Huhuhu

- di pa namili si Popoy. Mas malala pa sa One More Chance kasi ako hindi ako pinili. Haha!! Buti na lang nga iyak din ng iyak 'yung mga katabi ko sa sinehan kaya keri lang kahit walang tigil yata akong umiiyak. Dati naman kasi wala lang 'yon eh arteng iyak lang pero ngayon kasi ano e nang-a-ano naman 'to si Popoy eh. :((

Pero merong dalawang linya na gustong gusto ko...

1. It is brave to ask "what if?" but it is braver to embrace "what is."

2. Your love story is what you make it.


WHAT IS. WHAT IS. Tama na kakaisip dun sa mga wala na kasi wala na nga sila. WHAT IS. WHAT IS. 


It's the same thought na madalas natin ginagawa, sabi na'tin we're here to find ourselves 'yun pala we're here to create ourselves. Na after feeling lost, kung na-lost man, we have everything to create who we want ourselves to be. Walang destined anyone na maging tayo, walang destined na anyone para sa'tin. Everything is our choice. Everything is within our control. Diba diba diba. It took me so long to realize na totoo 'yan. K. Buti walang too late.

 Kaya kung anong nasa harap ko, kung anong naiwan, kung anong pwedeng gawin - ito na lang muna. Ito 'yung ngayon kaya tama na katatanong ng mga what if at make the best out of what is. G?? 

EDI ANG DRAMA!!!!!!!!


"It is a terrible thing, I think, in life to wait until you're ready. I have this feeling now that actually no one is ever ready to do anything. There is almost no such thing as ready. There is only now. And you may as well do it now. Generally speaking, now is a good time as any."
Keribells!

God bless! :D

Hopefully maging okay na tayo lahat bilang last month naman na ng 2015! Sobrang bilis plssss. :)))))




Kadramahan aside at 'yung pride na hindi ko matanggap na si Basha e may Popoy at mag-isa ako ngayon. Sa dulo nito, hindi pa talaga kami ready. Alam kong hindi naman dapat ako magdrama na hindi ako pinili kasi hindi ko rin siya pinili. Hindi namin alam kung san kami lulugar sa buhay ng isa't isa. Pinipilit na buhayin ang isang bagay paunti-unti namang namamatay. Kaya lang naman nagkakaganito kasi kakaisip nga ng what if at hindi naman talaga maiwasan na ma-miss mo syempre pero ito 'yun noh, na wala naman maling desisyon basta kaya nating panindigan. Lumambot lang at nalito lang dahil sa movie at dahil pinili kong maki-update na naman sa buhay niya kahit alam kong ganito lang kahihinatnat pero it's the same choice as before, I let go. Masaya siya at masaya rin naman ako. Nagsabay sabay lang talaga ngayon kaya ang arte arte ko.


Ikaw, pinaliliit man ng internet ang mundo at pwede pa tayong mag-usap (at mabasa mo 'to although wini-wish ko e tina-type ko 'to for me lang kasi kumakalma talaga ko after ko mag blog) e sobrang laki pa rin nito para sa'ting dalawa, sobrang laki na napakataas nga ng possibility na hindi na tayo magkita ever at kung tatanungin mo ko, 'yun ang gusto kong mangyari ngayon. Imposible tayo eh kaya panindigan na lang 'yung desisyon na ayaw nating
 dumating 'yung point na magsisihan tayong hindi natin ginawa ang mga bagay na gusto natin gawin dahil pinili natin ang isa't isa. Siguro isa pang umapekto sa'kin is 'yung fact na 'yung klase ng love na meron dun sa dalawa is that kind of love that I can't give YET. Hahahaha yet kasi umaasa akong someday I can and I will. It's hard to admit my shortcoming and weakness but at this point I am really incapable of loving someone that much. Dahil love na ang usapan, siguro kaya ganito kasi we didn't love each other enough or did we love at all???? Baka naman nasanay lang tayo sa isa't isa. JUICE COLORED ANO BA 'TO.

Saka kahit di mo pa napapanood e maging si Ara tayo sa kwento, 'yung gagawin kung ano gusto niya, 'yung lilibutin ang mundo kasi ito naman gusto natin ehh. Pero sana 'yung Ara na hindi na babalik kay Popoy para subukan sagutin ang mga what if niya kasi mas pinahahalagahan na niya 'yung what is. No looking back na please. 


At para sa The One ng buhay? Hindi na ko naniniwalang may The One o may isang tao na destined para sa'tin. Dahil 'yung The One kahit sino 'yan na pipiliin tayo at pipiliin natin over and over again. Basta, alam ko darating 'yung panahon na may pipiliin din ako at when that time comes sana piliin niya rin ako, piliin over and over and over and over kahit mahirap at masakit akong mahalin. Shemay. Lang hiya ka A Second Chance, umpisa hanggang dulooooooooo.


 At ano bang inaarte ko kung meron pa kong x years na pagpapaka-single dibaaaaaaa. Hahaha! Galing kasi ni John Lloyd at Bea!! Sa sobrang galing nila umarte, pati buhay ko, pinag-isipan ko rin. Haha! :)))))))))

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines