Thursday, April 20, 2017

Cebu 2017: Canyoneering (What to expect...)

These are photos taken by our guide. Please bear with our faces. Wala silang choice kundi malagay 'yung photos nila rito at wala rin akong choice kasi wala akong sariling pictures. :))) 

Cebu 2017: Canyoneering Experience in Badian. 

What to expect?

Wikipedia defined canyoneering as "travelling in canyons using a variety of techniques that may include other outdoor activities such as walking, scrambling, climbing, jumping, abseiling (rappelling), and swimming." Based from experience, walking, jumping, and konting climbing lang naman. 


What to wear?

I saw people wearing rubber shoes but I'd say trekking sandals is the best footwear. Depende pa rin kung anong mas komportable sa'yo pero mabato, madulas, maputik. 

We wore our hiking shirt (coz drifit) and I wore my leggings. Pwede mag extra shorts after ng leggings. Bakit? Kasi napunit 'yung leggings ko. Hindi lang punit na maliit kasi pwede na ko mag bikini sa laki ng punit. Buti na lang mahaba shirt ko. 


What to bring?
Just bring money (Okay na P 150.00) and your camera.


The owner of this travel agency told me that she's going to send her contact numbers but she didn't so wala akong mailalagay dito. Anyway, you can find a lot of tour operators in Barangay Matutinao. The usual rate for the whole activity is P 1,500.00 per person but we got ours for P 1,300.00. 

What to do before the activity?

Make sure you're well rested. Kakapagod siya, bes. Refrain from drinking liquor the night before and don't be like us. 'Yung buong byahe galing Oslob hanggang Badian, gustong gusto kong sumuka. Maling-mali. Red Horse + Empi? HAHAHAHAHA. Well, well, well...



From the house where we got our gears (helmet and vest) we rode a habal-habal until we reached the jump off point. 



Once you're done registering, you'll do a little trekking (around 30 minutes) to get to the canyons of Badian. 

'Yung white part sa left side ng pic sa taas 'yung daan, medyo malayong lakarin pero madali lang kasi maayos naman 'yung kalsada kahit may mga konting uphill. 


We nervously reached the canyons because we overheard a lot of people shouting as we reached the area.

As I didn't search for anything canyoneering related before going there, I didn't know what to expect. Ah ganun pala, pababa ng bundok. Ibang paraan ng pagbaba ng bundok. Astig. 'Yung joke namin pag nababa kami na pwede bang gumulong na lang? Ito 'yun. Talon pababa. 


Ang ganda! 

It kind of reminded me of the river we walked through while in Zion National Park. 


Nung una gusto ko pa nasa'kin 'yung camera ko pero binigay ko rin kay Kuya Guide kasi sa isip ko mas gusto ko na lang i-experience saka ang sipag naman niya mag-pic. Pero ngayon, parang nakakasisi, wala ko pictures nung lugar. Puro kami, karamihan pa malabo. haha.


Maliban sa ganitong pose, meron pang pa-train effect si Kuya. Kaya na raw 'tong tapusin ng 3-4 hours kaso ang tagal namin ginawa kasi sulit na sulit sa picture taking. hehe



Wala kong idea kung gano kalalim 'yung mga pinag-swimmingan namin na iba kasi may life vest naman. 
Maliban sa pag talon, meron din mga natural slide na madadaanan. 



Ang dahilan kung bakit kailangan magdala ng pera... huhuhu. Ang sarap mag BBQ!! 


Ito 'yung pinakamagandang talon para sa'kin. Feel na feel mo talaga na sa gitna ka ng canyon babagsak kasi dalawang mataas na bato 'yung nasa gilid, 25 feet 'to. 


Everywhere is a picture spot. 


Kabisado naman ni Kuya kung saan magagandang lugar medyo pasmado lang siya talaga ganern. Saka tama naman, mas maganda ng sobra sa picture nang may mapagpilian kesa kulang. 


AYIZZZ DAMI PIC BLURRED LANG. HAHA!



35 feet. 


Man-made slide after doing the 35 feet jump, 10 piso binabayaran pero slide all-you-can. Yaman nila grabe. haha! Dito ko nahiwaan ng leggings at nasugatan sa daliri. Good job sa'kin! haha!


Lakas ng agos! 


Konting lakad sa madulas at mabatong daan papunta sa falls...


WOOOOO!!!! HAHAHA. 50 feet jump shems!!! 

A post shared by Tin Gallemaso (@xtintina) on


I SURVIVED!!

Babalik talaga ko sa Cebu para hanapin 'yung nawawala kong boses... sa Moalboal. :))

Feel the fear but do it anyway... huhubells. Bungee jumping at paragliding naman, life.


Ngiting tagumpay... kahit wala ng pera ganern hahaha


Kawasan Falls in all its beauty. Will make a separate post about Kawasan next time. Inuna ko lang 'tong Canyoneering 2017. 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines