One of those nights...

By Tin Gallemaso - 2:46:00 AM

Nakalimutan ko lang na if I'll choose to be happy then I'll be happy. Isa sa mga gabing mas pinili kong magpakain sa lungkot. Omg.

Ayoko munang nakakakita ng kahit anong may kinalaman sa Pasig, Taytay, at BGC... 
Ayoko munang magsearch sa kahit anong networking sites para makibalita. Naturingang "ano" pero asal stalker. Ano 'yun? Hindi ako ganyan dati. Ayoko na!
Ayoko munang makakita ng lugar o ng kainan sabay mapapaisip akong, "Ay, magugustuhan niya dito." 
Ayoko munang tumingin ng kahit anong litrato o ng kahit anong sulat lalo na 'yung mga may kirot sa puso. 

Ayoko munang naririnig 'yung kanta ni John Legend na "All of Me". Medyo bangungot na parang sumisikat 'yung kanta na 'yun ngayon... 

Sabi ko dati na hahayaan ko na lang ang panahon na magsabi kung anong mangyayari pero bakit ganun? Hindi ko maiwasan na sa bawat araw o sa mga gabing kagaya nito, naiisip ko na gusto ko ng sumuko. Bakit parang ang sarap tumigil sa paghihintay?

Siguro nga overthinking.
Or maybe I've dedicated more than necessary time for someone that everything has started to take its toll on me? Maybe I've forgotten what it's like to spend a day without waiting for a chat or a private message that I want to go back to that point of my life again? 
I don't want to recall memories of the past and  I don't want to wait anymore. Because the more I tell myself to wait and the more I try to relive the things that had happened in the past, lalo lang akong nahihirapan. To the point na kahit walang tumutulong luha e parang hindi ako makahinga, Bakit parang pakiramdam ko ang hopeless ko? Hay! Darating kung darating, magsasama eventually kung magsasama pero habang nandito ko't naiwan mag-isa, ayoko ng umasa at maghintay. 
Ayoko na magising sa umaga na pakiramdam ko may kulang sa'kin. Maybe if I feel complete once more, hindi na ko masasaktan ng kahit anong alaalang naiwan sa'kin. Maybe if I stop waiting, magiging madali na lahat. Kasi aside from I'll be busy living my life, hindi ka na muna isa sa mga priorities...
Ito na naman sa ganitong klaseng post.

Hindi ko rin alam!!
Sarreh. Okay. Sarreh. :))
Huhuhaha! CHEER UP!!!!!!!

The thing I’m most afraid of is me. Of not knowing what I’m going to do. Of not knowing what I’m doing right now.

Haruki Murakami

  • Share:

You Might Also Like

0 comments