image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

April Nakakathrill!

Nakaka-excite, noh? IKR! Sobrang nakakathrill!!! Di ko na alam gagawin ko kasi sobrang dami kong dapat puntahan. Char. :))))))

When you get so used to travelling and/or going out, staying at home during (long) weekends gets too boring that it's almost driving you crazy. Or sige, hindi kasi ang OA ko masyado, diba? Pero medyo ganyan kasi 'yung feeling eh. Parang robot, gigising, gagawin mga kailangan gawin, matutulog. Wala man lang kakaiba sa routine. Walang pack, leave, return, unpack na drama eh. Kamiss! But there must be a reason why I'm forced not to go out-of-town these days. I'm claiming na may surprise ako sa last quarter ng 2015. So April, hindi ka man nakaka-thrill masyado e excited pa rin ako sa pagdating mo. Life, sobra mo namang nakaka-thrill pero maghihintay muna ko ngayon habang claim lang tayo ng claim pa rin ang motto!

Alam mo 'yun. andito ulit ako sa in-between na cycle ng buhay. Mahalaga din to para mag-recharge o mag-replenish kaya pahinga muna pala talaga. Sabi nga sa libro, Gift of Pause ko ulit 'to. Boring pero hindi malungkot. Magkaiba 'yon. 

 Lalo na pala 'tong puso ko, jeskelerd, bugbog 'te! Manhid na e. Pano kaya nagawa sa'kin to ni Lee Min Ho?! Sana hindi ko na lang nalaman na nag-jowa siya. Ayan. Hide saka unfollow tuloy ako sa lahat na nagpa-publish ng article tungkol sakanya. Hindi ako bitter. Nakakaumay lang kase. HAHAHA! Arte ko talaga. </3 I don't know what's with Korean celebrities that it hurts a lot whenever they announce that they're dating. Tipong, soju juseyo!! Tignan mo si John Lloyd, hello 11 years na kong fan pero masaya ko para sa love life niya. E si LMH?! Taksil ka, oppa! haha. Pero tanggap ko na kahit ganito ko magkwento. Ako pa ba? Wahaha! I'm truly happy for him but I have to distance myself and draw the line between them and I. Yes. May ganyan! hahaha!

A photo posted by Tin Gallemaso (@xtintina) on
Isang bagay pala kasi, November last year pa parang naka-mindset na ko na makapag-Sagada nga nitong May 2015 kaso pag nakikita ko 'yung news na sobrang daming nagpupunta dun na hindi na healthy sa locals at sa environment kaya parang ako, "Sige, next time na lang." Pati Sagada, kailangan din muna magpahinga. 

Pero ayun, hindi pa man makapag-Sagada bilang respeto sakanila, inaalala ko na lang 'yung mga ulap na unang yumakap sa'kin, mga bundok na nagpahirap pero nagpalakas sa'kin, ang bukang-liwayway na nagpa-wow sa'kin nooong umakyat kami sa Mt. Pulag noong November last year. Taking comfort that I've already whispered the words, "Ayoko na." while ascending yet held on and succeeded in reaching the summit, that I've already witnessed a breathtaking sunrise while standing on a mountain top, and that I've already been above a sea of clouds which made me appreciate looking at the clouds even while I'm here in the city. Hindi naman sa aarte rin ako sa Kiltepan ganyan pero kasi pag basta.... :) Sobrang nase-sepanx lang ako plssss sarap manapak. Sarreh na. Mga nunal ko kasi sa paa, kating kating na. Hahahaha. Follow mo na lang ako sa Instagram para masaya tayo.  


ANYWAY!!!!! ANYHOW!!!! How are you? Me? I'm fine. Thank you. 


Phases like this when we can't do anything but wait is inevitable parts of our lives but it doesn't mean that we can't find reasons to be happy and that we can't enjoy this waiting period, right? I once read about the people classified as "destination addicts" or those who believe that happiness can only be found in the next (enter whichever is appropriate here), I'm trying not to be one though my rant already sounds like I am one. Hahahaha. Lolz. Kain kain din pati ng mga sinasabi. :))) Jk. O diba, may napala ka sa pagbabasa mo? Hahaha. Sarreh. K. Sarreh.


ADVANCED HAPPY EASTER!!!
God bless us all. :)))

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment