Tuesday, May 6, 2014

Laguna Hot Spring (since 1946) at Pansol, Calamba, Laguna



NOTE: WAG MASYADO SERYOSOHIN LALO 'YUNG MGA LINES NA MAY POTENTIAL MAKA-OFFEND. MEDYO KINAILANGAN KO KASI NG COPING MECHANISM NUNG UMPISA. ANTICIPATION GANYAN. :)))

We knew that we were going to a hot spring resort in Pansol and since there are a lot of resorts with "hot springs" in the area, we thought that we were heading to one of the "new" resorts. By the way, Pansol in Calamba, Laguna is considered the "Hot Spring Capital of the Philippines" The hot spring water is from Mt. Makiling. 

Laguna Hot Spring
Mineral Spring Water since 1946.

Mas mashonda pa sa Mudra ko. Sabi niya pa nga, dito raw sila dinadala ng mga Lola't Lolo ko nung bata pa sila pero lumilipat daw sila ng tita ko sa ibang resort na malapit kasi puro masho-shonda 'yung naliligo dito at hindi nga ko binigo ng Laguna Hot Spring. :)))) Halos puro masho-shonda nga.

Pero 'yun nga, someone's gotta do it. Bridge the generation gap. :))
'Yung mga pool kasi na mae-enjoy namin, hindi naman nila mae-enjoy at vice versa.
Pagkakita ko ng pool...

"ANMERON? LIPAT NA TAYO PLEASE. NOW NA. "

Basag na 'yung ibang tiles tapos pag titignan mo pa na ganyan 'yung nililiguan... Ugh sige, matutulog na lang ako.  Buti na lang may aircon 'yung ni-rent namin na room. Bawi bawi din sa tulog.
Mapapaatras ka KAPAG HINDI MO ALAM. :)) Wag tayong manatiling walang alam, guys. 


Habang kumakain kami ng agahan, nagsisimula na ko mag-"cope". Sabi ko sa sarili ko na hindi ako uuwing hindi ko nasusubukang maligo dyan at gusto ko malaman 'yung dahilan kung bakit dyan nila piniling mapunta kahit medyo marami samin ang nagp-protesta hehe.

"Mama, 1946? taon ng Philippine Indepence 'yun at medyo kakatapos lang ng World War II. Baka nga mamaya, may naliligo dito tas may bombahan saka barilan pa sa ibang lugar eh. Imagine ko na lang na bumalik ako sa 1946 para exciting."

"OMG. Para nga tayong bumalik sa World War II. I'm so excited. Ligo na tayooooo."

At nagbihis na nga ako panligo kasi "excited" ako. Please lang ha, wag kayong mag-OA kagaya ko. Hahahaha. 

Ayan naaaa.
Sabi ko pa nga, "Lublub for experience."

Bakit may bato? May isda pa. Huhuhuhu. Nakakaiyak.

Pero pagkatapos lang ng halos 10 minutes na pag-iinarte at nang makarating na ko sa gitna banda.

"OMG! HEAVEN."
hahahahahahaha

Naging masarap na sa paa pag inaapakan 'yung mga bato.
Naging masarap na liguan 'yung tubig kasi fresh.
Galing sa yuck naging ayoko na umahon pls. :)))


'Yung experience dito sa Laguna Hot Spring ay pinaghalong Ace Water Spa link: here at Fish Spa ng Manila Ocean Park link: here. Whole body na fish spa na nga, mas mura at siguradong mas malinis pa dahil flowing water. 'Yun nga lang, hindi kasi aesthetically appealing/pleasing 'yung pool lalo pag nasanay sa magandang resort na may maayos na tiles at hindi mukhang brown/putik 'yung tubig sa malayo. Pero aanhin mo 'yun, give love a chance. ANORAW?! 


At para sa masho-shonda (Sorry pooooooo), okay lang naman, hindi nakakailang na maki-stay dun kasama nila. (Sorry po ulit! Ang judgmental ko.)

Pwede din siguro ipa-renovate ng management 'yun kahit papaano. Maganda naman ang rooms saka shower at dressing areas nila, pool lang talaga ang deal breaker sa umpisa.
Note: HINDI PO SILA TILAPIA. Baka lang may bumili e kasalanan ko pa kapag kinain kayo ng tilapia. 

'Yan 'yung stones then mga doctor fishes na hindi ako pinansin ng madalas. Alam mo kung bakit sila snobber? Kasi wala ko masyadong dead skin cells. Imsoproudopmyselp.

Then dun sa isang part ng pool, merong bukal. As in, bet na bet 'yung init ng tubig na umaagos mula dun. Then sa isang part din sa bandang area na 'yun, biglang lalamig 'yung tubig. Uyy, healthy rin daw ang alternate init at lamig pagka ganyan eh.


Nung pinaahon na nga kami habang nakaupo ako dun sa area na 'yun at feel na feel ang kainitan ng tubig, "HA? UWI NA?"


Ayan, so for documentation purposes:
They have a canteen inside the resort should you opt not to bring food.
Here's the description posted near the entrance.

They claim that they're the only natural hot spring with volcanic cinder flooring.

Sabi nila na therapeutic 'to diba, makiki-oo lang ako dun kasi nawala nga 'yung sakit ng katawan ko tas na-relax pa. Kaya 'to pinupuntahan lalo ng mga senior citizens dahil sa therapeutic properties nung hot water saka ng stones. Sabi daw nakaka-lessen talaga ng pain lalo na 'yung mga may arthritis na.
Opposite nung bukal, merong massage and scrubbing area. Dun lumalabas 'yung tubig kaya okay lang na may naliligo dun kahit may sabon at shampoo pa ha.
We rented Kamagong Room for P 2,600.00
RATES!
Para makita mo ang itsura ng reklamadora. :)))

Uyy, na-rosy cheeks kaya ako pagkatapos ko mag swimming.


This made me realize na we should give chances even to those things we never thought of doing. Kasi pag gagawin mo lang 'yung mga bagay na gusto mo, you'll never experience how is it like to enjoy the things other people consider "pleasurable". Hindi kasi natin alam kung ano 'yung mga "gems" at "learnings" na meron dun sa places beyond our comfort zones. Kung ako kasi, hindi talaga. Walang wala 'to sa choices ko pero nung nandun na ko at ngayon na tinatype ko na 'to, "Round two please." 



Saka ano, don't judge the book by its cover. Yun eh. :)




For inquiries: (049) 545-2170
Smart: 09204277440
Sun: 09228440412

2 comments:

  1. I'm a little creeped out from the size of those fishes! Anyhow, I should definitely check this out before summer ends. Have you ever heard of Bato Springs somewhere in Laguna? Heard it's a good place as well (via relatives) :)

    ReplyDelete
  2. Yesss! Some fishes are even more than 5 inches long but it's really worth a try (though fish spas can be scary for first timers). :) Just googled Bato Springs and it looks so fun and cold spring pa ata. Thank you for the information! Hoping to go there in the future. :))

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines