image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Maligayang Pasko!

Happy Birthday, Jesus!!


Sa oras na wala ng iba pang gustong gawin 'yung isip ko kundi mag-linis ng kwarto kong parang dinaanan ng bagyo, tamad-tamaran na naman ang katawan kong mas pinipiling mag-type nito, wala lang. 





Maliban sa flawless wishlist ko. HAHAHA. Asang-asa? :))) E basta, habang di pa nalalabas resulta niyan e pwedeng umasa. Ayun na nga, maliban sa flawless wishlist ko e meron lang naman akong dalawa pang wishes na secret kung ano. hihihi. Meron din akong napamaskuhang P 500.00 na ipambibili ko ng jacket at wallet kung magkasya. Wooo, sa panahon ngayon, thank you Lord sa P 500.00 na bigay ng tito ko. hahaha. Joke. I've been receiving a lot of things, yes, a lot more than a five hundred pesos worth, so I am very thankful. Pero 'yung wishes ko talaga eh, 'yung dalawa, please, please, please. Hindi ko kumpleto ang simbang gabi, pero sana may karapatan akong humiling, please, please, please. ^^ 





Okay, medyo seryoso na,




1. Ang laki ng nagastos ko! Special thanks sa mga inaanak ko at iba pang taong walang palya na nanghihingi ng regalo sa'kin tuwing Pasko for making this possible. Hindi naman sa nagsisisi ako na nagmukha akong Lady Santa Claus today dahil sa bag na dala ko at malaki kong tiyan gawa ng sobrang kain, sinasabi ko lang na malaki nagastos ko. As in, swear. I'm almost back to zero, ya know. But it's the season of giving... the more you give, the more you receive. Ano pa? There's a greater joy in giving than in receiving? hihihi. Ako na galante. Pero seryoso, diba, tama nang mapangiti mo sila kahit papano. Isang beses lang naman sa isang taon. #pampalubag-loob





2. Minsang may nagsabi sa'kin, "Aanhin mo ang bati ng lahat kung 'yung taong hinihintay mo, hindi ka naalala?" Ako ba may birthday ngayon? Para mag arte-arte ako kung hindi ako binati? Ni hindi ko nga alam kung sino hinihintay ko eh, pero may bumati naman sa'kin, hindi ko lang alam kung siya ba hinihintay ko. Unli? hahaha. Hindi naman ako paulit-ulit, diba? Hindi ko lang talaga alam kung sino hinihintay ko. 




3. Kung umabot ka sa number three, thank you! Kahit walang kwenta, binasa mo 'to. Merry Christmas!


4. Kung umabot ka dito sa number four, penge regalo? :"> wallet, laptop, cellphone, camera, bahay at lupa, domestic at international tours, hahahaha. Sige na nga, kahit ano na lang gusto mo ibigay.  


5.  Para sa kawawa kong kwarto, maghintay ka na lang hanggang New Year at lilinisin din kita para malinis ka buong taon next year.



Quote of the day: Paskong-pasko ito ang quote of the day ko!

"May tinitignan lang kaya akong iba. Bakit pa ba kita hahanapin kung nasa puso lang naman kita?"


Medyo walang sense. Pero sa tatlong tao na kasalukuyang nakaka-alam kung anong kwento sa likod nitong quote na 'to, o alam kaya nung isa?
May sense 'to kahit papano. hihi. 



NOW PLAYING:



Oy, Kahit anong bagal ng lakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya talaga aabutan. Kahit mag stop-over ka pa!



P.S Kung makaabot ka sa kadulu-duluhan nitong post na wala namang congruency. Major tapon ng ideas. 


Congrats at may kwento lang ako...

Nung isang araw, naglalakad ako somewhere with a friend, may kumausap sa'kin, "diba ikaw 'yung? .... toot toot toot" HAHAHA. CENSORED? Diba ako raw 'yung nagsusulat dito. Parang ako, "Ah opo. Wow." HAHAHA. First time kase, teka, ano bang sasabihin ko? :) 


Nasaktohan niya siguro na 'yung tinignan niya dito ay 'yung may mukha ko kaya ganun. Pero alam mo 'yun, for someone to actually read whatever I post here kahit walang kwenta, and for someone to actually take notice of me, super thanks. :)

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment