Thursday, June 25, 2015

Kristel Paradiso Beach Resort, Pundaquit, Zambales

Back at Pudaquit, Zambales. Our chosen area for this year's two getaways... kasi mura. hahaha. Jk. Not only is this place affordable, you get to travel with little to no traffic. Goodbye EDSA! NLEX, SCTEX at TIPO kami. Isang diretso lang kaya kahit malayo, kaya 'to ng three hours from Quezon City. 

Do you know other affordable beach resort in North Luzon?

Anywayyy, if you're going to Barangay Pundaquit in Zambales and you're looking for an accommodating resort. Hm, you may go and inquire anywhere but Megan's Beach Resort. Ayoko NA sakanila. huhuhu. Pagkatapos ko kayong i-blog noong April, ganito pa igaganti niyo sa'kin?! HAHAHAHA. Charot lang. Even if  it might take me forever (buti pa kami may forever) to share the story, I will because I am someone who holds grudges. lelz. Gusto ko sana talagang all positive, 'yung tipong ayoko maglagay ng unpleasant experience dito sa blog ko  pero wala eh, kailangan kong ilabas to para matuto na kong magpatawad. Haha. Ang arte, e noh? 'Yun na nga... NEVER AGAIN, MEGAN'S BEACH RESORT. O edi wow. :)))) 

"E Mam, kahit anong gawin niyo, 'yun po ang resort policy kaya kayo ang dapat na mag-adjust sa'min. Mamili po kayo. Kung cottage, cottage lang para sa lahat. Kung kubo naman, kubo lang."

"Kahit wala naman kayong ibang customer? Ayaw kasi talaga nung iba na sa cottage eh kaya dun lang sila daw sa kubo."

"Hindi po pwede. Resort policy ay resort policy."


"AH GANUN BA!?!!!!!!!!? O sige, hahanap akong iba!!!!!!!!! Madali lang naman akong kausap."


Nako, nako, kung ayaw edi wag pilitin kasi baka pumayag!! Hindi naman ako magagalit kaso 'yung dalawang tao rin dun, pumayag na sila kasi nga wala naman daw tao kaso 'yung isa, ayaw niya talaga kaya nainis ako. 

Alam mo 'yun, kesa meron ng magre-rent ng dalawang cottage na may aircon at dalawang kubo sa labas, nawalan pa tuloy sila ng customer. Minsan, okay rin na bini-bend ang resort policy eh. Especially when it doesn't make sense! Wala namang ibang pupunta tas bawal? #$@%%@~!!!! RELAKS. haha! Not worth the high blood pressure.


 Gusto niya ng patigasan edi nakuha niya hinahanap niya. Gosh, ang aga aga. Sarreh dahil matigas ang ulo ko. Ipipilit ko talaga kung anong gusto ko kaya bahala sila. hehehe. Buti na lang, lumipat kami sa Kristel Paradiso Beach Resort. Ang welcoming nila, asikasong-asikaso kami, nag-linis pa sila kaagad at higit sa lahat, mas mura. hehehehe.  


Dahil nakakuha kami ng mas okay... for the apology I never got, apology accepted. E ikaw na sabihan ng mga kasama mo na, "Buti na lang nagalit ka! Mas maganda pa nga dito." HAHAHAHAHAHA. Mga sadista rin eh. 
We decided to island hop again.

First time that I was in the area was when I went to Capones Lighthouse and Anawangin Cove link:here.
Second time that I went there was to swim at Pundaquit beach and we rode a boat to Camara Island link: here.

This, third time, we decided to island hop to Camara, Capones and Anawangin Cove (island hop kahit hindi naman island 'yung Anawangin. hehe) 

This was taken at Camara Island. Okay naman, mukhang white sand pero pang-aquarium na maliliit na shells 'yung mga bato rito. 
Taken at Capones Island.

Ito 'yung side na nakatapat sa Pundaquit, 'yung papunta kasi sa lighthouse e hindi okay swimingan. 
There are no accommodations, no comfort room but for this? Okay na, diba?
Then on the way to Anawangin Cove...

Those mountains make Pundaquit stand out from the rest. I've been there for three times already but I never get tired of looking at the view.
Anyare sa'yo, Anawangin?! Ang lungkot na niya tignan. :(((( This is not the Anawangin that I know. It's heartbreaking to say this pero ang pangit na. :( 
I was really disappointed with the current state of Anawangin Cove so if ever you're planning of going in the area. Although hindi ko pa napuntahan, Nagsasa Cove na lang siguro. Or better yet, sa Capones o Camara na lang. Pwede naman maki-wash sa mga resort na nasa Barangay Pundaquit. 
09177502168
09188424861Kristel's Paradiso Beach Resort


Salamat kay Kuya na sobrang accommodating dun sa babaeng nanginginig sa galit na naghahanap ng resort na malilipatan. Hahahahaha!!!

2 comments:

  1. Hi! How much entrance fee nila? salamats.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Nung nagpunta kami, walang entrance fee. Cottage lang binayaran.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Personal - Top Blogs Philippines