Of kindness and gratitude... aldub you!

"We often take for granted the very things that most deserve our gratitude."


Nang magutom, nag-isip ng kakainan. 

Sa isang lugar na merong Jollibee, Mang Inasal at Mcdo, sa Mcdo kami tumuloy dahil 'yon ang commercial ni Alden at Maine. Sorry na, proud member ako ng Aldubnation. Hahaha! Bawal haterzzzz. :)))

Pero 'yun nga, nagpunta kami sa Mcdo. Ang gusto ko talagang kainin e spaghetti at chicken kaso gusto ko rin tikman 'tong Chicken Fillet.

Problema, diba? Simple. "Bilhin ko na lang 'yung dalawa, hindi ko na lang kakainin 'yung kanin."

Okay naman eh. Normal. 

Para sa lasa nito, okay naman.
Gusto ko 'yung sauce, creamy tapos medyo maanghang 'yung fillet kaya bagay parang Aldub. hahahahahaha. 



Ayun na nga, okay naman. Normal. Ano ba naman 'yung di ko kainin 'yung kanin?

Kaso biglang may kumatok sa salamin kung saan kami nakaupo. 

Isang batang babae na naka-uniform at humihingi ng pagkain. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nang magtagal, sumenyas ako sa kanya, sabi ko ikot siya at pumasok.

Nagmamadali siyang pumasok at lumapit sa'min. 

Inabot ko 'yung lalagyan ng chicken fillet na may kanin pa pero sobrang konti na lang nung ulam kaya sinama ko na rin 'yung french fries saka konting parte ng wing part ko na hindi ko pa kinakain.
Pinanood ko siya habang kumakain. Patago kong kinuhanan ng litrato. Wala lang. Gusto ko ng remembrance. Pang-Instagram sana pero wag na, dito na lang sa blog kasi ang dami kong gustong sabihin.

Tuwang-tuwa siya kahit na tira na lang 'yon. Naanghangan pero di siya nagreklamo kaya inabot ko na rin 'yung softdrinks ko.


Naisip ko tuloy na ang swerte ko dahil may kakayanan akong bumili kahit ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.


Sabi nila kaya tayo binibigyan ng sobra sobra e para makapagbigay sa nangangailangan. Hindi ko man siya nabilihan ng bagong meal e masaya pa rin siya sa kung anong meron sa harap niya. Perfect example ng we must count our own blessings and not waste time in counting other person's blessings.


 Pero infairness, nakakagaan ng pakiramdam 'yung magpasaya ka ng iba. Claim ko na lang na I'm highly favored and I'll be abundantly blessed para marami pa kong pwedeng ibigay. Wow, santa levels. haha. Maalala ko lang 'yung post ko nung May; Hindi ko naman pala kailangan na lumayo pa para mag Medical Mission at mag-donate tuwing may sakuna para makapagbigay kasi marami naman paraan para makapagbigay sa iba at hindi naman kailangan na one time big time, okay din paunti-unti kagaya nito. Minsan 'yung mga maliit na bagay na ginawa natin sa iba e malaking bagay na pala para sa kanila. 


Pero natutuwa pa rin ako kasi pag nagtuloy-tuloy, lalaking malakas ang loob at madiskarte 'yang batang 'yan. Sana dumating 'yung araw na hindi na niya kailangan manghingi sa mga taong hindi naman niya kilala pero hindi rin naman masama dahil hindi lahat ng bata e may kapareho niya ng level of maturity and resourcefulness. Minsan nga, may mga matanda pa rin na hindi mature eh, diba? Hayyy!! Kahit subukan ko magpakabait, lalalabas at lalabas pa rin maldita comments ko. Nyahaha!



Sa sobrang bilis ng oras at sa sobrang dami ng gustong gawin at gustong makuha, nakakalimutan mo na mga bagay na andyan at dapat naman pinagpapasalamat. Buti na lang at kumatok siya, at least napaalala sa'kin na nakalimot na pala ako. 


The antidote for lack is gratitude. Gratitude is a choice, an attitude, an approach towards life. My gratitude for this moment does not depend on what is going on in this moment; it is the moment, regardless of what is going on, that I am grateful for. My gratitude for this breath is not about breath. It's that I am breathing, that I recognize it comes from a higher source, and that I am alive. Gratitude is a moment to moment celebration.


BE SOMEBODY'S MIRACLE THROUGH WORLD VISION LINK: HERE.

You Might Also Like

0 comments