As in pati 'yung tig-.05, .10 centavos?
Ugh, duh. Kasi banko sila kaya natural, kailangan nilang tanggapin 'yan pag nag-deposit ka. Pero ilalagay ko na rin para sa mga kagaya kong nagtatanong. hihihi. APIR! Pareho tayong toooot.
Common sense naman 'to? Pero alam mo 'yun, kailangan ko pang magtanong-tanong at mag-search sa net kung ano nga ba ginagawa nung iba sa mga barya nila bago ko sinubukan mag-deposit.
'Yung unang ginagawa ko ay ihulog 'yan sa mga donation boxes kaso, napag-isipan ko na i-deposit na lang ng paunti-unti para mabuo.
May mga bagay kasi na gumugulo sa'kin at pilit kong kinakalimutan kaya inayos ko na lang 'yung mga kayamanan ko. Ehem.
Ito na sila!! Ilang buwan o 'yung iba nga ilang taon na ring nakatago. Sa wakas, babalik na sila sa sirkulasyon!
EDIT AUGUST 2024: BSP's Coin Deposit Machine
Dito niyo na lang i-deposit para hindi na kayo mahirapan mag bilang.
![]() Sa totoo niyan, hindi naman na talaga masyadong pansinin 'yung mga .05 at .10 eh, kaso ginagamit pa rin 'yan kaya pakinabangan ko na lang din... naka-buo pa rin ako ng P 11.00. |
Ito 'yung kung paano aayusin para sa hassle free na pagde-deposit (sabi nung Ate Teller). Para sa mga .05 centavos - naka-tape na ng tig- 20 piraso bale 1.00 na mabubuo nun. Para sa mga .10 centavos - naka-tape na ng tig - 10 piraso, 1.00. Para sa mga .25 centavos - naka-tape na ng tig - 20 piraso, 5.00 Para sa 1.00, 5.00 at 10.00 - naka-tape na ng tig- 10 piraso bale 10.00, 50.00 at 100.00 consecutively. Purchase your CVV Sticker here. |
E anong gagawin kung naka-buo ka ng 100.00 na piso? Pwede ng ilagay na lang sa isang plastic at i-deposit. NOTE: ESPECIALLY FOR BPI DEPOSITORS KASI HINDI NAMAN NA KAILANGAN NG DENOMITATION BREAKDOWN SAKANILA, PWEDE NA RIN DAW NA HUWAG NANG BALUTAN NG SCOTCH TAPE LALO NA PAG MARAMI KAYONG IDE-DEPOSIT NA BARYA. BILANGIN NA LANG NG MAAYOS 'YUNG MGA BARYA, ILAGAY SA CLEAR PLASTIC NA MAY NAKASULAT SA ISANG MALIIT NA PAPEL ANG ACCOUNT NUMBER, ACCOUNT NAME, AMOUNT AT KUNG ILANG PIRASO 'YUNG BARYA NA NAKALAGAY SA PLASTIC. MAXIMUM OF 100 PIECES PER PLASTIC. :) INTERESTED TO KNOW WHAT A PICKY COIN BANK IS? CLICK HERE. P 10.00 per transaction interbank transfer with Chinabank link: here. Purchase your CVV Sticker here.Everything, in time. 💖 |