image1 image2 image3

CELEBRATING EXISTENCE| SHARING MY STORIES SINCE 2012 | INFINITELY GRATEFUL

Diberrr Septemberrr!

Bakit Diberrr Septemberrr? Ano na naman 'yan? Hindi ko rin alam. Wala akong maisip na title eh. 

Remember how they always say that we Filipinos have the longest Christmas season because it starts as early as September? Well, I've experienced that today. I was just here a week ago (August 27), I ordered something so I had to return today and look! They had Santa Claus and other Christmas decorations on display already. Anda puowzh. Sobrang dami kong inaanak. -_-

Ang bilis ng panahon, noh? Before we know it, New Year na naman. Haaaay. To the person who wrote the Whatever, September last year, I'm so sorry. That person was waiting and hoping for something but unfortunately, the person she has become decided to let go of the opportunity for some reasons she couldn't recall now. Hahahaha. Ayan. Regret and What If galore ako for the past months.  Pero 'yun nga, there's a reason for everything. Parang ALDUBBaeYaya Day lang 'yan, wala masyadong ganap at nakakainip tapos bilang may ALDUBJourneyToForever Day na hahahaha no words can describe, basta alam ko ang cutie ni Alden. :)))) Hindi naman kasi natin agad nakikita 'yung surprises ng mga susunod na araw kaya huwag pang-hinaan ng loob! Darating din 'yon. Yes, self? Asa pa rin tayo? Hahaha!!!!!!! Ge. Tigas ulo.

Pero notes to future self: 1.) Umayos ka. 2.) May Tamang Panahon. Sana nga m2b. (Thanks, Lola Nidora!) 3.) Forgive yourself... and FORGET!!! 4.) It's about the journey. 5.) Be grateful for everything. 
May the last four months of our 2015 be more fulfilling, more exciting and more opportunity-filled than the previous months! Claim lang ng claim. We all have a bright and blessed future ahead of us.#damingalam #ediwow
Ayoko na mag-effort, ayoko na lumabas para hindi maipit sa traffic pero hindi naman pwede. :(

Mahal kita Manila kaso minsan sobrang nakakapagod na. Ang komplikado at napapagod na 'kong maghintay. :((( HAHAHAHA. But in all seriousness, the traffic condition we have now is very exhausting!! Ayoko naman sabihin na sanayin ko na lang sarili ko sa ganito pero DUH, we can do better! Still hoping for the day that this will get better.

AT!!! So ayun na nga, this afternoon I was too lazy to look up a place where I can purchase something and just told myself na, "Doon, marami namang tindahan. BAKA meron." Hala, nagpunta talaga ko kahit di ko alam. hahaha!

Doon na nga, maraming traffic. Doon na nga, maraming oras kang sasayangin. Doon na nga, wala kong nakita kasi iba pala.

To all of us who exert effort in blogging and sharing things online, KUDOS AND GOOD JOB!! We may not know everyone who gets to read our post but in one way or another, we are definitely helping someone. Haaay!! If not for them who have provided information online, my seven long hours today (2PM to 9PM) would have gone to waste. Sige na nga, pati google maps na love na love ko at globe network dahil kahit papano reliable sila today.

 Which reminds me, bakit ko ba 'to ginawa more than three years ago? 'Yung totoo, para sa English skills? E bakit hindi ka na madalas mag-English ngayon?? Hehe.
1. Nanghinayang ako sa pictures ko kahit wala pa kong matinong camera noon. Naks! Umasenso naman pala kahit papaano. :))
2. Hobby. Para naman pag sinabi na, "What do you do on your free time?" Oh nothing much. I blog. CHAROT. HAHAHAHA. Lakas magpa-big deal.

Ito na nga seryoso, kung ano man 'yung totoong dahilan ko nung New Year's Day ng 2012, hindi ko na maalala.

Pero bakit ginagawa at pinagtya-tyagaan ko pa rin 'to?
1. Para may binabalik-balikan akong mga bahagi ng buhay ko. Iba pa rin pag nagba-backread ako haha minsan nakakabaliw mabasa kung anong pinagsusulat ko dati pero wala, gusto ko baliw ako eh. haha! Ay, inisip ko dati gawing anonymous blog ang peg nito pero keribells, wapakels na. Tignan mo nga sa pagli-link ko pa lang ng IG account ko, aba e proud na proud! Joke lang!! Di pa sobrang proud. Di ko pa rin pinagsasabi. hahaha!

2. Para sa'yo kasi mabait at matulungin akong tao. Haha. Wala, natutuwa lang ako kausapin sarili tuwing nagsusulat ako ng mga posts lalo na 'yung mga ganitong klase. Basta salamat sa lahat ng nakaka-appreciate sa hardwork ng pagbabahagi nito kahit makasarili naman talaga 'yung dahilan ko. Haha! 'Yun e kung may nag-tyaga ngang magbasa nito maliban sa'kin. :)))

 Sa lahat ng nagpapa-reserve ng kung anuano, hindi po ako reservations officer. Sa (mga) nag-send sa'kin ng resume, NKKLK mukha na ba akong kompanya? Sa nagpapa-survey, hindi ko kasi agad nababasa. Best way ay to comment sa post saka sa contact me page para nase-send ako ng e-mail ni pareng google.
Whatever your plans and whatever your wishes are, GOD BLESS. :) Dun tayo sa path na mahirap man pero at least sa dulo, alam naman natin na less regret. hahahahaha!! Uyy, di pa rin ako maka-move on hahaha. Jk. Naalala ko lang pero di na masyadong panghihinayangan. Abangers na lang sa bagong chance. :)))

 Moving on again in 3, 2, ... 1.

Bye! :D

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment