Happy New Year!

And Happy First Birthday to this blog!

This blog has given me several opportunities that I never thought were possible. Even if my original purpose was only train myself in writing in English, what I gained and learned were definitely more than that. Though yeah, ang English ko parang pang-grade 1  pa rin.


 
For the thousands of pageviews in a span of one year, thank you so much! 


Oh hi there!
Again, a picture on the street to celebrate the New Year's Eve.
I figured I have a couple of pictures taken while walking and/or seating on a street.
Fireworks are always what I look forward to.
Goodbye 2012!
Move on, move on din!!
"Missing You" inspired blue French tip.
I am currently not following any K-drama but I've seen a clip where YEH was sporting this kind of french tip too.
Here's to the infinite blessings we are yet to share and receive!
Here's to taking more chances!


Cheers to 2013!

I wish everyone all the best this year! :)


"Life isn't measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away."

Meron akong ilang bagay na gustong gawin, ilang lugar na gusto kong puntahan, ilang dasal at hiling na gusto kong matupad; sana kasabay ng pagdating ng bagong taon ay ang pagdating ng isang mas makabuluhang taon para sa'kin.

Para sa pag-ibig na matagal kong ipinagkait. hahaha. Ako na, diba? :))
Nawa'y ibigay ng taong 2013 sa akin ang lakas ng loob para maibigay ko na sa iba ang pusong matagal nang may nanghihingi. hahaha. Ako na talaga, diba? :))



O para pag nagkaroon ng ibang lalake na "ooops! pwedeeey!" at may interes sa'kin, ay hindi siya ma-friendzoned. Shemay, maglalandi lang pala ko, pinahaba ko pa. hahaha.

Pero seryoso, isang pusong handang magtiwala't magmahal ng iba. O sige, hindi 'to madaling gawin eh, kahit paghahanda na lang muna ng 2013 kahit next year na lang ulit 'yung handang-handa. ;)


Para sa kapayatan, kalusugan at kagandahan. hahaha.
Ibinalik sa'kin ng taong 2012 ang timbang na sinubukan kong iwanan noong 2011, kaya naman ngayong 2013 e susubukan ko na siyang iwan ulit. Sana maiwan! Kung hindi man maiwan, sana wag ng madagdagan!

Sa kagandahan, buti na lang maganda ako.
Wala na kong babaguhin. HAHAHA. Joke, diba. Uso mag-joke.


Para sa kayamanan.
Magtitipid ako. Swear.
Malay natin hindi na puro pagkain ang maging laman nito, puro "tips on saving na." hehe
A peso saved is a peso earned!


Para sa mga lugar na gusto kong mapuntahan.
Pupuntahan ko kayo, wag kayong mag-alala. 
Hindi man nitong 2013, pero pupuntahan ko kayo... sa panaginip.


Para sa mga pangarap.
Gusto ko kayong tuparin, alam niyo 'yun.
Kung alam ko rin kung ano kayo.
Bigyan sana ko ng pagkakataong malaman at matupad ko kayo. Sana. Sana.


Para sa 2013.
Maging mabagal ka! Please lang. Pero kasabay ng pagbagal mo ay mga araw-araw na mapupuno ng mga pangyayaring ka aya-aya sa buhay ng bawat taong handa kang harapin.

Para sa 2012.
Mabuti na lang naisip kong magsulat dito tungkol sa'yo, at least, alam ko kung saan-saan at kung anuano pa 'yung ibang nangyari, kasi kung hindi... "San ka nagpunta, panahon?" 
Napakabilis ng 2012, parang kahapon lang. Hihihi, ano ba ko? E kahapon lang naman talaga 'yon.


Klook.com

You Might Also Like

0 comments